Part 11

340 26 0
                                        

ABANG ang lahat ng mga lalaki sa pinasukan kong pagtitipon ay nakatingin sa nag-uumapaw kong boobs, ako naman ay nakatingin lang kay Lex. He looked so dashing in that white and gold prince costume. Naka-brush up ang buhok niya at mukhang napakabango.

My Prince Charming...

Gustung-gusto ko siyang lapitan pero hindi puwede. Ang sabi ni Bambs ay hindi ko maaaring i-approach ang lalaki dahil baka isipin niyang sadya akong pumunta roon para akitin siya. Kailangang si Lex ang makapuna sa akin at kusang lumapit. Ang kailangan ko lang daw gawin ay ibandera ang big jugs ko in a subtle way. Isa pa ay napakaganda ko ngayong gabi—mula sa hair and makeup hanggang sa gown. Kaya siguradong hindi lang sa mga "papaya" ko mabibighani si Lex kundi sa buong hitsura ko.

"Hi," bati ng isang panlalaking boses sa tabi ko.

Nang balingan ko ang bumati ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki. In fairness, may hitsura. Isa ba ito sa dating teammate ni Lex sa soccer? Nakangiti siya sa akin at kumikislap ang mga mata. Halatang nabighani sa akin.

"Did you come here alone?" tanong nito.

"Yes," sagot ko, "And I intend to stay alone."

Naglaho ang ngiti ng lalaki. Mukhang hindi nito inaasahan ang ganoong klaseng reply mula sa isang babae. Nginitian ko lang ito nang slight at lumakad na palayo para kumuha ng wine.

Kabilin-bilinan ni Bambs at Lolly na huwag akong magpapa-approach sa kahit sinong lalaki sa ball maliban kay Lex. Baka raw kasi kapag nakita ni Lex na may kausap akong ibang lalaki ay hindi na siya magkainteres na lapitan ako. Lalo na kung kaibigan ng binata ang makitang kausap ko. Sa brotherhood kasi ay wala dapat sulutan.

Naraanan ko si Lolly na kausap ang ilang common acquaintances nila ni Lex. Tinapunan lang niya ako ng tingin at hindi na ako tiningnan ulit.

May bar counter sa isang parte ng events hall. May bartender na nagse-serve ng drinks. Kumuha ako ng isang cocktail drink na nakahanda na at nilayasan agad ang mga lalaking nakatingin sa akin bago pa sila makaporma.

Pakiramdam ko ay para akong bold star na pantasya ng bayan. Totoo talaga na walang lalaki ang hindi maaakit sa nakaluwang dibdib. Kung ipinanganak lang siguro akong may ganito kalaking hinaharap, malamang ay nagbilang na ako ng dyowa at isa roon si Lex.

Ibinalik ko ang tingin sa kinapupuwestuhan niya kanina pero wala na ang lalaki roon. Lumibot ang mga mata ko para hanapin ang binata pero hindi ko siya nakita. Bigla akong naalarma. Oh, no. Hindi kaya... nakakita si Lex ng babaeng may malaking boobs at in-approach na niya kaya nowhere to be seen na ang loko?

Bumalik sa isip ko ang huling conversation namin ni Lex noong natulog sila ni Kuya Gerry sa bahay ko.

"Kung Prince Charming ka, kailangan may prinsesa ka. So, maghahanap ka rin ng prinsesa mo sa party? Nag-invite ka ba ng va-va-voom girls na pagpipilian para isayaw?"

"That's a good idea."

No! sigaw ko sa isip. Hindi ako puwedeng maunahan ng kahit sinong babae. Hindi ko na susundin ang bilin ni Bambs na kailangang si Lex ang lumapit sa akin. Ako ang prinsesang dapat na isayaw ng prinsipe. Kailangang magkasilbi ang mahika ng brang ito ngayong gabi.

Lumibot ako sa party para hanapin si Lex. Kailangang makita na niya ang nagmumurang cup D ko. Pero imbes na ang binata ang nakita ay ang mga kurimaw kong stepsisters ang nakasalubong ko. Lalagpasan ko lang sana sila pero naisip kong i-flaunt sa harapan nila ang big jugs ko. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa pangmamaliit na ginawa nila sa dibdib ko noong babang luksa ni Papa.

Halatang natigilan ang dalawa nang mapatingin sa akin. Noong una ay naalarma ako dahil baka na-recognize nila ako sa kabila ng makeup at boobs pero nang makita ko ang insecurity sa mga mata ni Dindi habang nakatitig sa akin ay nasiguro kong hindi nila ako nakilala. Si Chyna naman ay halata ang paghanga sa mga mata habang pinararaanan ng tingin ang kabuuan ko.

Nilagpasan ko na sila ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Sapat na sa aking makitang na-insecure sa akin si Dindi at hinangaan ako ni Chyna. Kahit kailan ay hindi ko sila nakitaan ng ganoong hitsura sa tuwing nakatingin sa akin.

"Ang ganda niya." Umabot sa pandinig ko ang sinabi ni Chyna.

"I should've worn that dress," himutok ni Dindi. "Saang salon kaya siya nagpa-makeup?"

"'Tsaka bet ko 'yong curls niya. Sino kayang hairdresser niya?"

Napangiti ako. Kung alam lang nila kung sino ako, siguradong sasabunutan nila ang mga sarili dahil kinainggitan at hinangaan nila ang kinaiinisan nilang stepsis ngayong gabi.

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap kay Lex. Hindi na ako makapaghintay na makita ang paghanga sa mga mata niya sa oras na makita ako. Umakyat ako sa grand staircase at huminto sa likod ng barandilya. Mula roon sa itaas ng function room ay hinanap ng mga mata ko sa mga tao sa ibaba ang aking "Prince Charming" pero bigo ako.

Baka nga nakakita na ng ibang prinsesa si Lex. Baka sa mga oras na iyon ay nasa isang tagong parte na siya ng events place at nakikipaglampungan na sa ibang babae. Tumalikod ako at sumandal sa barandilya. Lalong bumigat ang mabigat ko nang dibdib.

Wala ba talagang pag-asang magustuhan ako ni Lex kahit isang gabi lang? Mukhang maliit o malaki man ang dibdib ko, hindi talaga kami itinadhana.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon