KANINA ko pa pinipigilan ang magkikisay sa kilig habang hawak ni Lex ang baywang at isang kamay ko sa gitna ng dance floor. May mga ibang nagsasayaw sa paligid pero pakiramdam ko ay solo namin ang bulwagan. This was a dream come true. Kung um-attend ako sa party na iyon bilang si Sachia, hindi ko mararanasan ito. Hindi ako pipiliin ni Lex para isayaw. Kaya mabuti na lang at naisip ito ni Bambs.
"Ella..." sambit ni Lex sa pangalang ipinakilala ko sa kanya. "I like your name."
"I like you, too... I mean, I like yours, too, Lex."
Ngumisi si Lex, halatang lugod na lugod. "Who are you, Ella? You even know my nickname. I don't think I know you but it feels like I've known you for so long."
Napangiti ako. Alam kong posibleng pickup line lang ni Lex iyon pero hinding-hindi niya maiisip na matagal na nga talaga niya akong kilala. "Maybe you've met me in your dreams."
"Well, you look like her."
"Who?"
"The woman of my dreams."
Humagikgik ako at hinampas nang marahan sa dibdib si Lex. "Ikew telege..."
Tumawa si Lex. "Tell me about yourself."
"Later. 'Usap tayo tungkol sa ibang bagay."
"Like?"
"Like... do you like fairy tales?"
"Why'd you ask?"
"Hmm... because of your party theme?"
"Well, I must be honest. I'm not really that fond of fairy tales because they're very unrealistic. Pero gusto kong maranasang maging isang prinsipe for a night."
"Like Prince Charming?"
Ngumisi siya. "Yeah."
"And save a damsel in distress?"
"Why not?"
Napa-"awww" ako.
"Are you a damsel in distress?" tanong niya.
"Maybe? My life is like a fairy tale. Hindi ko nga lang sure kung magkakaroon ako ng happy ending."
Mukhang mas naging interesado sa akin si Lex. "Why not? Kailangan mo ba ng prinsipeng magliligtas sa 'yo?"
Ngumiti lang ako. Kailangan ko ng totoong malaking boobs para makuha ko ang prinsipeng pinapangarap ko, sagot ko sa isip.
"If you need a knight in shining armour... I'm here." Malagkit ang tingin sa akin ni Lex. Nabihag ko na ba talaga kaagad ang puso niya o sadya lang ganyan katamis ng dila ng 'prinsipe?'
"Ilang babae na kaya ang sinabihan mo nang ganyan?"
"For the record, ikaw lang ang sinabihan ko n'yon. I don't usually go around telling women that I could be their knight in shining armour."
"I know how popular you are with girls. Alam kong marami ka nang pinaluha."
Hindi nawala ang amusement sa mga mata ni Lex habang nakatitig sa akin. "Hindi totoo 'yan. I don't play with women's hearts. Kung may mga napaiyak man ako, I didn't intend to. Hindi rin totoo 'yong mga tsismis tungkol sa akin. I don't sleep with my models."
Nasiyahan ako sa narinig. "Totoo? But you've dated a lot a women. Isa pa lang ang naging serious relationship mo."
"I was young then so I was just enjoying things. Pero habang nagkakaedad ang isang lalaki, nagma-mature. Right?" Lumarawan ang curiosity sa mga mata ni Lex. "It seems you know me well."
"Of course. Sikat ka. Lalo na sa mga kababaihan. Bakit hindi, eh, ginagawan mo kami ng bra at panties. Natural, kilala ka namin gaya nang alam na alam mo kung ano'ng klaseng panloob ang dapat naming isuot."
He grinned. "Hey, that's my job."
"If I were a bra, what would you name me?"
Halatang nag-isip ang lalaki habang nakatitig sa akin. Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.
"Ano'ng tinitingnan mo d'yan?"
"'Yang blue flowers sa off-shoulder mo. Ano'ng tawag sa flowers na 'yan?"
"Cornflower ang tawag dito." Nagdududa ang tinging ibinigay ko sa kanya. "Pero flowers ba talaga ang tinitingnan mo?"
Ngumisi ang lalaki. "I can't just come up with an idea, you know. Kailangan kong ma-inspire muna."
"So, kapag tinitigan mo ang mga umaalog kong 'blue flowers,' mai-inspire ka?"
Marahang tumawa si Lex. "I guess so."
"Why do you like boobs that much?"
Halatang hindi niya inaasahang marinig ang sinabi ko. "Come again?"
I smirked. "Alam kong marupok ka sa mga babaeng may ga-papayang dibdib. May breast fetishism ka ba?"
Mukhang lalong naintriga si Lex sa akin. "Who are you really, Ella?"
"Me?" Ngumiti ako nang mapang-akit. "I'm your princess for tonight."
Umangat ang sulok ng mga labi ng lalaki. "I like that."
Naramdaman ko na lang ang paghapit niya sa akin. Bigla ay magkadikit na ang mga dibdib namin habang mabagal na nagse-sway sa saliw ng malamyos na musika. Titig na titig sa akin si Lex at kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata niya. Ang akala ko ay hindi ko na mararanasan ang makulong sa mga bisig niya. Ang akala ko ay hindi na niya ako titingnan bilang isang babae.
Mukhang natupad na ang fairy tale ko ngayong gabi. Nabihag ko na ang puso ng Prince Charming ko.
Lumagpas ang tingin ko kay Lex nang may mamataan ako sa background. Nakita ko sina Dindi at Chyna na halatang inggit na inggit at nagngingitngit sa galit. Napangiti ako. Hindi ko lang nakuha ang atensiyon ng lalaking pinapangarap ko, nagawa ko pang maasar ang dalawang buwisit sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomanceA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.