Part 8

319 32 2
                                    


NAKAUPO ako sa harapan ng dresser at naglalagay ng night cream nang matanggap ko ang private message ni Lolly sa Messenger. May kasamang screenshot ng Instagram post ni Dindi ang PM nito. Dalawang invitations sa anniversary party ng Sollera ang nakita ko.

Look. A-attend ng party ni Lex 'yong mga bruha mong stepsis!

Sa Sollera na nagtatrabaho si Dindi kaya natural lang na makahingi ng invitation ito pero mukhang nagnenok pa ito ng isa pa para mabigyan ang kapatid. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may binabalak si Dindi kaya nagsama ng back up.

Matutulog na lang ako ay naimbiyerna pa ako. Siguradong nakaluwa na naman ang dibdib ng magkapatid at si Dindi ay susubukang akitin si Lex. Ang sabi naman ni Lex ay hindi siya magpapapikot kay Dindi pero nag-aalala pa rin ako.

Dumagdag pa iyon sa isipin ko. Hanggang ngayon nga ay pinoproblema ko pa rin kung ano ang isusuot na ball gown sa party next week. Puro kasi kailangan ng cleavage ang gowns na nagugustuhan ko ang design kaya hanggang ngayon ay wala pa akong mapili.

Well, mayroon akong gustung-gustong isuot—iyong Cinderella-inspired gown na nakita ko sa display window ng isang dress shop. Pero dahil wala akong dibdib, hindi iyon bagay sa akin.

Biglang bumalik sa isip ko ang nangyari nang gabing iyon two weeks ago. Naalala ko ang matanda at ang weird-looking brang may malaking cup size na ibinigay nito sa akin. Isinuksok ko lang ang kahon niyon sa itaas ng cabinet.

"Gusto mo na maging ganyan kalaki ang suso mo? Isuot mo 'yan."

"May taglay na mahika ang brang iyan."

Kapag isinuot ko raw ang brang iyon ay lalaki ang dibdib ko. Magiging cup D. Nakakatawa. I-s-in-ave ko ang matanda sa adik samantalang adik din pala ito.

Tumayo ako para kunin ang kahon ng bra. Ibibigay ko na lang ito kay Donna para magkaroon ng silbi. Binuksan ko ang kahong inilapag sa dresser at muling sinipat ang bra. Hinanapan ko ng label pero wala. Walang brand. Medyo baduy ang design pero, in fairness, pulido ang pagkakagawa sa bra. Maganda ang pagkakatahi at consistent ang folds ng frills.

Ang sarap sigurong magsuot ng bra na ganito kalaki ang cup. Namalayan ko na lang na naghuhubad na ako para isuot ang bra para mag-feeling cup D. Nahabag na naman ako sa sarili nang yukuin ko ang dibdib at makitang para akong kangaroo na may dalawang pouches sa dibdib. Kumuha ako ng dalawang bimpo sa drawer para sana isuksok sa bra pero nang bumalik ako sa harap ng salamin ay nabitiwan ko ang mga bimpo sa pagkamangha sa nakita sa repleksiyon ko sa salamin.

Nananaginip ba ako? Wala na ang parang pouches na gusto kong palamanan ng binilog na bimpo kanina. Punong-puno ang dibdib ko at halos kumakawala sa bra! May dede na ako!

Nanginginig ang mga kamay na kinapa ko ang hinaharap ko. Hindi ako makapaniwala sa dinarama ng mga palad ko. Totoong dede ito! Isang pares ng napakalaking boobs! Paano ako nagkaroon ng ganito?

Pinagsasampal ko ang sarili at nasaktan ako. Shucks. Gising ako. Hindi ako nananaginip! Ibig sabihin... totoong may mahika ang brang ito na ibinigay ng matanda? Talaga bang malaki na ang dibdib ko? As in, for real? As in, forever?

Nang alisin ko ang hook ng bra at hubarin iyon ay napanood ko kung paanong parang inflatables na lumiit ang boobs ko. Isinuot ko uli ang mahiwagang bra at lumobo ulit ang hinaharap ko.

Anak ng tinapa.

Kapag suot ko lang ang brang ito lalaki ang dibdib ko!


Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon