Part 2

513 35 5
                                    


MATAPOS huminga nang malalim para langhapin ang sarap ng amoy ng brewed coffee ay binaligtad ko na ang signboard na nakasabit sa likod ng glass door ng Sweetie Pie Cakes & Pastries para "open" na ang makita sa labas. Tapos nang ayusin ni Lolly sa estante ang mga dinala kong cakes at pastries na b-in-ake ko kagabi sa bahay. Katulong niya ang store assistant naming si Donna.

Halos isang taon pa lang simula nang itayo namin ni Lolly ang bakeshop na iyon na malapit lang sa bahay ko at so far ay okay naman ang business namin. Commerce graduate ang kababata kong si Lolly kaya siya ang pinag-manage ko sa negosyo namin. Culinary arts, major in baking naman ang tinapos ko at dati rin akong assistant baker sa isang hotel restaurant kaya ako ang pastry chef sa Sweetie Pie.

Si Bambs ang assistant baker ko. Siya ang katulong ko sa kusina kaya madalas sa bahay ko. Maliit lang ang store namin at walang malaking kitchen for baking kaya sa bahay ko ako nagbe-bake. Doon nakalagay ang naglalakihan kong ovens. Kaklase ko si Bambs sa culinary school noon pero nag-drop out ito para mag-aral ng cosmetology na hindi rin naman nito tinapos dahil magulo ang utak ng bakla. Sa huli, nauwi rin sa pagbe-bake pero suma-sideline bilang makeup artist sa mga kasalan at events.

Nang balikan ko sina Lolly at Donna ay hindi na ang estante ang pinagkakaabalahan nila kundi isang pulang paper bag na may pamilyar na logo. Sollera. May hawak nang isang skintone plunge bra si Lolly at si Donna naman na mas bata sa amin nang dalawang taon ay iniinspeksiyon ang isang black demi bra.

Parang ayaw ko nang ituloy ang paglapit sa kanila nang mapansin kong malalaki ang cup size ng hawak nilang bra. Feeling ko, mao-OP lang ako. Kunsabagay, matagal na akong out of place sa dalawa dahil pareho silang may mayayamang dibdib. Si Lolly ay cup C at si Donna ay cup D. Kaya minsan talaga, gusto ko na lang maka-hangout si Bambs kahit buraot iyon dahil hindi mai-intimidate ang dibdib ko kapag ang beki ang kasama ko.

Pipihit na sana ako para pumunta sa opisina nang tawagin ako ni Lolly. "Chia! May sale sa Sollera. Tingnan mo 'tong mga pinamili ko." Humagikgik pa siya.

Kaya ko love si Lolly ay dahil hindi siya tulad ni Bambs na madalas inookray ang maliit kong dibdib pero minsan, insensitive din siya. Alam naman niyang wala akong paggagamitan ng bra, sasabihan pa akong may sale sa Sollera!

Huminto ako sa labas ng counter. "So? As if naman may size ko sila."

Yes. Walang cup AA size sa women's bra ng Sollera. Ang bra size ko, nandoon sa teens section! Baby bra! Kaya isang beses lang akong nakatapak sa outlet nila. Sobra ang discrimination nila sa flat-chested women. Kung hindi ko lang mahal si Lex, sinapak ko na iyon sa pagmamaliit ng Sollera sa mga babaeng tulad ko. Parang sinabi nilang huwag na lang kaming mag-bra.

"Bra lang ba ang meron sila?" tanong ni Lolly. "My panties at lingerie din sila." May dinukot siyang dalawang panties. "Heto nga, binilhan kita, oh. Tag-isa kayo ni Donna."

Napilitan akong abutin ang lacy panties na iniaabot ni Lolly at itinaas iyon para inspeksiyunin. Totoo namang maganda talaga ang quality ng mga underwear sa Sollera. Malinis ang pagkakatabas ng lace at hindi halos makita ang tahi. Kahit may lace ay makinis ang inner side kaya mukhang komportableng suotin.

Alam kong hindi lang basta m-in-anage ni Lex ang Sollera. May ambag ito sa designs ng mga produkto. Kahit lalaki ay maalam ito sa female undergarments. Bakit hindi? Sa dami ba naman ng naging babae ng lokong iyon, marami itong mapagkukuhanan ng ideas at magagamit sa research.

Hindi na ako magtataka kung lahat ng naging girlfriends at casual dates ni Lex ay s-in-urvey nito tungkol sa personal preferences at designs na gusto ng mga ito for future reference.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon