HABANG pinanonood si Buboy sa paglangoy sa batis ay nakaupo kami ni Lex sa dalawang malaking tipak ng batong magkatabi. Mukhang idinaan na lang ng bata ang frustrations sa paglangoy. Hindi kasi nito masosolo at makakausap si Lex tungkol sa tips kung paano ito magugustuhan ni Shiela dahil may dakilang epal sa plano nito at ako iyon.
"Sabihin mo kay Buboy," bilin ko kay Lex, "na magpakabait siya. Tigilan niya ang pagiging mapang-asar at mapangbasag-trip para magustuhan siya ni Shiela. Hindi lang dapat guwapo. Dapat maganda ang personality at magalang sa mga nakatatanda. Iyon ang hanap ng mga babae, 'ka mo. At saka dapat gentleman siya, magaan kausap, cheerful at mahaba ang pasensiya."
"Ganyan ba 'yong tipo mong lalaki?"
"Huh?"
"Sabi mo, gusto mo nang magka-boyfriend, 'di ba?"
"Well, kabaligtaran kasi iyon ng mga katangian ng batang 'yon kaya ko nasabi pero sino bang babae ang ayaw ng ganoong qualities sa lalaki?"
"Bakit hindi mo sinagot 'yong mga nanligaw sa 'yo? Lalo na si Jeff."
"Bakit mo kilala si Jeff?" Three years ago ay nanligaw sa akin si Jeff na sous chef sa hotel na pinagtatrabahuhan ko noon. Nabalitaan kong ngayon ay nagtayo na ito ng sariling restaurant.
"Well, we have a small world. Pinsan siya ng ex ko noong college. Kaya nabanggit sa akin ni Gerry na nanliligaw sa 'yo si Jeff."
Bakit nga ba? Guwapo naman si Jeff. Maganda ang trabaho at mukhang pati ang future. Tulad din ito ni Lex na mataas ang pangarap at gustong marating. Mabait, masiyahin at gentleman pero...
Pero hindi ito si Lex.
Ayaw kasing maalis ni Lex sa puso ko kahit ano ang gawin ko. Kaya kahit may gusto akong papasukin doon, walang makapasok dahil okupado niya.
"Nag-date lang kami sandali ni Jeff. Sinubukan ko namang magustuhan siya pero wala, eh."
"So, pihikan ka talaga?"
"Hindi naman sa pihikan pero hindi lang siguro ako kasing rupok ng ibang babae. Gusto ko, kapag nagka-boyfriend ako, 'yong gustung-gusto ko talaga at 'di dahil kailangan ko lang magka-love life. O baka hindi pa ako ready noon." Hindi ako ready sa ibang lalaki, sa 'yo lang.
"Pero ngayon ba... ready ka na?"
Bakit ako tinatanong ni Lex nang ganoon? Bakit kung makatanong siya ay parang mahalaga sa kanya ang isasagot ko. Kapag sinabi ko bang ready na ako, liligawan niya ako?
Sinaway ko ang sarili ko sa pag-iilusyon. In your dreams, Sachia.
Tumango ako. "Nagbabang-luksa na si Papa. Officially, mag-isa na lang talaga ako. Kaya iniisip ko nang magka-boyfriend kasi in a few years, gusto ko nang mag-asawa at bumuo ng sarili kong pamilya."
Nanatiling nakatitig lang sa akin si Lex. Para siyang may iniisip.
"Ikaw," tanong ko, "bakit wala ka pa uling girlfriend. Medyo matagal na simula noong nag-break kayo n'ong latest mo, ah."
Mukhang hindi inasahan ni Lex na magtatanong ako sa kanya nang ganoon kaya hindi kaagad nakasagot. Tinanaw niya si Buboy na lumalayo na sa amin. Tinawag niya ang bata at binilinang huwag lalayo sa paningin namin.
"Ahh..." sabi ko habang nakatitig kay Lex. "Hinihintay mo pa rin si Ella, 'no?"
"Huh?"
"Iniisip mo ba rin ba siya?"
Halatang nag-isip ang lalaki. "Hindi na masyado. In fact, hindi na ako interesadong makita ulit siya."
"Huh? Bakit?"
"I just don't need to."
"Hindi mo na siya gusto?"
"Hmm... bakit ba interesado kang malaman?" Bigla ay nanunudyo na ang tingin niya.
"Curious lang, 'no! Ikaw nga, curious din kung bakit wala pa akong boyfriend." Inirapan ko siya.
"Tara, ligo na tayo."
"Oo!" sigaw ni Buboy. "Ay, nalangoy ko na lahat ng parte ng batis dine, kayo naglalandian pa rin di-an!"
Tumawa si Lex.
Wish ko lang, naglalandian kami! "Hindi kami naglalandian!" sigaw ko sa bata.
"Come on." Tumayo si Lex sa boulder sa ibaba at inalok ang kamay niya sa akin.
Tinanggap ko ang kamay ng lalaki at inalalayan niya ako sa pagbaba sa mga bato. Feel na feel ko naman ang pag-alalay sa akin ni Lex na parang girlfriend na iniingatan. May tagatingin pa ako ng mga batong tatapakan.
Naghubad kami ng tsinelas at iniwan sa mga batong hindi maaabot ng agos ng tubig. Hinintay kong hubarin ni Lex ang sando pero hindi niya ginawa iyon. Medyo na-disappoint ako pero nang mabasa kami ay humakab sa abs niya ang puting sando kaya okay na rin.
Ilang sandali pa ay masaya na kaming lumalangoy at naglalaro sa tubig kasama si Buboy. Nag-wresting kami ng bata sa tubig. Napuno ng tawanan ang batis. Mabuti na lang at walang ibang tao roon nang mga sandaling iyon kundi kami lang.
Lumalangoy kami nang biglang mapansin kong lumalakas ang current ng tubig. Naisip ko kaagad si Buboy. Mukhang sabay pa kami ni Lex na ang bata kaagad ang naisip dahil pareho naming tinawag ito.
"Umahon ka na!" utos ni Lex sa bata.
Nagkataong malapit lang si Buboy sa gilid ng batis kaya safe itong nakaahon. Dahil mabigat kami ni Lex ay hindi kami basta-basta matatangay ng malakas na current kaya nanatili kami ng binata sa batis at in-experience ang paghampas ng tubig sa amin. Hanggang itaas ng baywang ko lang ang tubig sa parteng iyon kaya kaya kong labanan ang current. Pero napansin kong mas lumalakas ang agos ng tubig. Bago pa ako maka-decide na umahon na rin ay tinangay ako ng tubig.
Mabuti na lang at nahagip kaagad ni Lex ang braso ko. Hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa magdikit ang mga katawan namin. Ipinalibot niya ang mga braso sa akin para siguro hindi ako matangay. Mas mabigat sa akin si Lex nang di-hamak dahil sa bukod na matangkad ay muscled ang lalaki kaya hindi natinag ng malakas na current.
Bigla ay nakalimutan ko nang muntik na akong matangay ng agos ng tubig sa kabilang pampang at kung mas lalakas pa ang agos ng tubig ay baka pareho na kaming pulutin ni Lex doon. Napakalapit kasi ng mukha namin ng binata sa isa't isa at titig na titig siya sa akin. Nakita ko ang pananabik sa mga mata niya. Napalunok ako nang tapunan niya ng tingin ang mga labi ko.
Kumurap-kurap ako. Hahalikan ba ako ni Lex? Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Umahon na kayo!" sigaw ni Buboy.
Sabay kaming tumingin sa bata.
"'Wag na kayong maglandian di-an! Ala-ey, tatangayin na kayong dal-wa, nakukuha ninyo pang maglandian."
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomansaA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.