AAALIS lang ng dalawang customer kaya umalis din si Bambs sa counter para maki-join sa amin ni Lolly na nagse-setup ng cellphone sa lazypod na i-c-in-lip nito sa table. Off ni Donna kaya ang beki ang nandoon.
Magsisimula na kasi ang Facebook Live ng Sollera. May ilo-launch raw na bagong collections. Nakaka-curious ang promo kaya naengganyo kami ni Lolly na panoorin ang live launching.
"May bago na naman pala, 'no?" sabi ni Bambs. "Parang ang bilis yata. Kaka-launch lang n'ong latest collections. 'Tapos ngayon, meron na naman."
"Kaya nga curious kami, eh," sabi ko. "Every girl's dream daw, sabi sa teaser."
"Every girl's dream?" gagad ni Bambs. "Love? Engagement ring? Wedding? Matandang mayamang madaling mamatay?"
"Hindi kaya diamond-studded na bra?" hula ni Lolly.
"Baka si Jinkee Pacquiao lang ang maka-afford no'n," sabi ni Bambs. "Teka nga. Akala ko ba, Chia, may balak si Lex na ipa-viral ang fez mo para mahanap ka?"
Ayokong gawin ni Lex iyon pero somehow, na-disappoint ako na hindi na niya itinuloy ang pagpapahanap kay Ella. Ibig sabihin lang kasi niyon ay nawala na rin ang pahahangad niyang makitang muli ang misteryosang babae. Nawalan agad siya ng interes sa akin.
"Even if she doesn't want me to find her, I'd still find her."
Anyare na sa linyang iyon ni Lex? Siguro ay na-realize niya ring pointless ang hanapin ang isang babaeng sinadyang hindi magpakilala. Baka nakinig siya sa advice ni Kuya Gerry.
"Oo nga," segunda ni Lolly. "Isang buwan na pala ang nakakalipas. Naging busy na siguro sa pagpaplano ng bagong collections."
"Kinalimutan na ni Prince Charming si Dederella," disappointed na sabi ni Bambs. "How sad."
Hinampas ko ang palad sa table. Napatingin sa akin ang dalawa. "Tama na! Alam ko namang hindi kami magkakaroon ng happy ending ni Lex. Gusto ko lang naman talagang maranasan na maging prinsesa niya kahit isang gabi lang. Nagkatotoo na 'yon kaya solb na ako roon."
Kahit naman gusto ko uling makasama si Lex, hindi naman na puwede kaya wala akong choice kundi ang makuntento sa isang gabing iyon.
"Pero 'yong bra..." sabi Lolly. "Wala ka na ba talagang balak na bawiin 'yon?"
"Okay lang na itago niya 'yon. Wala na rin naman akong paggagamitan n'yon. Na-serve na ng brang 'yon ang purpose sa 'kin."
"Hayan na!" tawag-pansin ni Bambs. "Start na ng launching."
"Baligtarin mo muna ang placard sa pinto," utos ko kay Bambs. "Closed muna tayo para walang istorbo."
Mabilis na tumalima ang beki at bumalik sa puwesto sa harap ng mesa.
"Hello, everyone," bati ni Lex na napakaguwapo sa live streaming video. Nakatayo ang lalaki sa platform at sa tabi niya ay may nakatindig na stand na nakatabon ng puting tela. "I am Alexis dela Torre, founder and CEO of Sollera. And today, I will introduce to you our newest creation."
MANGHANG-MANGHA ako habang pinagmamasdan ang ocean blue lacy bra na nakasuot sa isang headless female torso mannequin na kanina ay natatakpan ng puting tela. Hugis cornflower ang naka-knit sa lace ng bra! Kumikislap iyon. Napakaganda. Miski sina Bambs at Lolly ay napanganga.
Pumapalakpak ang audience at press sa launching event. Mukhang nagustuhan rin ng mga ito ang bra.
Ocean blue color and cornflowers... Bakit parang naaalala ko sa brang iyon ang gown na isinuot ko noong gabing nagpunta ako sa party ng Sollera?
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomanceA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.
