UMIILING si Lolly at si Bambs naman ay pumapalatak habang pinanonood ako sa pagsabunot sa sarili ko. Pinuntahan nila ako kinaumagahan para sabay na sumbatan sa katangahang nagawa ko.
"Hindi ka nga nag-iwan ng sapatos," sikmat ni Bambs, "nag-iwan ka naman ng bra!"
"Of all things na maiiwan," segunda ni Lolly, "'yong magical bra pa talaga."
Umungol ako pagkatapos sabunutan ang sarili. Dapat pala ay ten minutes before twelve ko i-s-in-et ang alarm ko. Para kahit nakipaglaplapan ako nang matagal kay Lex ay hindi nangyari iyon.
Bumuntunghininga si Lolly. "Paano natin mababawi kay Lex 'yong bra?"
"Iyon na nga, eh," worried na sabi ni Bambs. "Siguradong itatago iyon ni Lex at ibibigay lang doon sa babaeng may malaking boobs na nakilala niya kagabi."
"Hindi naman siguro ako hahanapin ni Lex gamit 'yong brang 'yon, 'no?" sabi ko. "Alangan namang ipasuot niya 'yon sa lahat ng mga babae sa paligid niya para mahanap kung kanino 'yon magfi-fit nang husto. Hinding-hindi niya maiisip kahit slight na flat-chested ang may-ari ng brang 'yon. Kaya hindi niya ako mahahanap."
"Ganap ka na talagang Dederellang gaga ka," asik ni Bambs.
"Ano'ng gagawin natin?" tanong ni Lolly.
"Kailangang mabawi natin ang brang iyon kay Lex sa kahit anong paraan," sabi ni Bambs.
"Nanakawin natin?" tanong uli ni Lolly.
"Actually," sagot ni Bambs, "parang iyon lang ang puwede nating gawin. Wala tayong choice. Hindi puwedeng mag-stay kay Lex ang brang 'yon dahil sa oras na matuklasan niyang may magic 'yon, siguradong maiisip niyang posibleng si Sachia si Ella. Dahil una, sa babaeng flat-chested lang gumagana ang magic ng brang iyon. Pangalawa, hindi um-attend si Sachia as Sachia sa party kagabi. Pangatlo, hindi sinunod ni Sachia ang bilin ko na mag-iba ng personality. Kaya puwedeng mai-associate ni Lex si Ella kay Sachia. Same height, same built. Nadaan lang sa makeup kaya medyo nag-iba ang hitsura. Sa ngayon, hindi pa maiisip ni Lex na puwedeng si Sachia 'yong babaeng nakasayaw niya kagabi pero sa oras na malaman niya ang magic ng brang 'yon, siguradong paghihinalaan niya si Sachia."
Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Lex kagabi...
"I don't think I know you but it feels like I've known you for so long."
Napansin nga kaya ng lalaki ang similarities ni Ella sa akin? Kung matuklasan nga ni Lex ang magic ng brang iyon, malamang ngang ako ang kauna-unahang suspect.
"Paano natin nanakawin 'yong bra?" tanong ni Lolly kay Bambs.
"Paano nga ba?" Umaktong nag-iisip si Bambs. "Natural na itago ni Lex 'yong bra sa bahay niya, right? Kailangan nating makapasok sa bachelor's pad niya."
Pumalatak si Lolly. "Alam mong mahirap makapasok sa bachelor's pad niya, 'di ba? Luxury condominium 'yon kaya sobrang higpit ng security. Tapos, magnanakaw pa tayo?"
"Gaga!" asik ni Bambs. "Friend n'yo naman ni Sachia si Lex so puwede kayong makapasok sa pad niya nang hindi n'yo kailangang magpaka-Akyat-Bahay Gang. Kunwari dadalawin n'yo lang siya."
"O, tapos?" sagot ni Lolly. "Kapag nawala 'yong bra, sino'ng paghihinalaan niya? Kami, 'di ba? Kasi kami 'yong pumunta roon?"
Bumuntonghininga si Bambs nang ma-realize na may point si Lolly. "Kailangan siguro nating umisip ng plano kung paano kayo makakapasok sa pad ni Lex nang hindi niya kayo paghihinalaan..."
Pinutol ko na ang pakikinig sa dalawa. Yumupyop ako sa sofa at binalikan ang mga sandaling pinagsaluhan namin ni Lex kagabi... lalong-lalo na ang halik na pinakaaasam ko.
Sa wakas, naramdaman ko na ang mga labi ni Lex sa mga labi ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil paulit-ulit na inire-replay ko sa isip ang napakasarap na halik na iyon. Ang akala ko ay wala na talagang pag-asang matikman ko ang mga labi niya. Gising ang lalaki, hindi lasing at higit sa lahat, gusto niya akong halikan. Gustung-gusto niya.
Wala sa loob na nakagat ko ang pang-ibabang labi habang muling binabalikan sa isip kung paano sinimsim, sinipsip at nilafang ni Lex ang mga labi ko. Napakagaling niyang humalik. From the scale of one to ten, one hundred siya. At malamang, kung hindi nahulog ang magical bra, baka matukso akong gamitin ulit iyon mamaya at bukas, sa makalawa at sa susunod pang mga araw para lang maulit ang halik na iyon.
Napa-"aw!" ako nang may dalawang throwpillow na tumama sa mukha ko. Pinandilatan ko ang dalawa na kung makatingin sa akin ay parang gusto akong dagukan.
"Bakit ba?" sikmat ko sa kanila.
"Halos maloka na kami rito," sikmat pabalik ni Bambs, "sa kakaisip kung paano natin mare-retrieve ang magical bra na inihulog mo samantalang ikaw, pakagat-kagat labi at pangiti-ngiti lang habang nakatingin sa kawalan."
"Iniisip niya 'yong pakikipaglampungan niya kay Lex kagabi," sumbong ni Lolly.
Umikot lang ang mga mata ko.
"Magbigay ka naman ng input," demand ni Bambs sa akin. "Paano natin makukuha 'yong bra?"
"Wala pa ba kayong naisip?" balik-tanong ko. Aware ako na nag-uusap sila tungkol doon pero hindi ko naririnig dahil busy ako sa pag-iisip sa kiss ni Lex.
"Meron," sagot ni Lolly. "Naisip namin na i-prank call si Lex. Ikaw ang tatawag. Makikipagkita ka kunwari as Ella at sasabihin mong dalhin niya ang brang naihulog mo. Habang hinihintay ka sa tagpuan, papaluin ni Bambs ng dos por dos ang likod ng ulo ni Lex para makatulog. 'Tapos kukunin natin ang bra."
"'Wag n'yong gagawin 'yan kay Lex!" singhal ko sa kanila habang nandidilat. "'Wag na 'wag n'yo siyang sasaktan!"
"Naisip din namin," sabi ni Bambs, "na baka magka-brain damage pa si Lex kapag ginawa 'yon kaya tatakpan na lang namin siya sa ilong ng panyong may pampatulog. 'Yong ginagawa ng mga kidnapper sa mga palabas. Kapag nakatulog siya, kukunin na natin ang bra."
Marahas akong umiling-iling. "Hindi! 'Wag n'yong palalanghapin ng kahit anong kemikal si Lex. Ayokong maapektuhan ang baga niya. Naiintindihan n'yo?"
"Ang arte," puna ng beki. "Nahalikan lang ni Lex, feeling dyowa na."
"Eh, ano'ng gagawin natin?" tanong ni Lolly. "Hindi naman tayo puwedeng makapasok sa pad ni Lex para nakawin 'yong bra."
"Saka na natin isipin 'yon," suggestion ko. "Maghintay muna tayo ng pagkakataon para ma-retrieve 'yong bra. Hindi naman siguro niya agad-agad matutuklasan na may magic 'yong bra. Sigurado ring hindi niya 'yon ipapakita o ipapahawak sa kahit kanino dahil personal belonging 'yong bra ni Ella kaya hindi 'yon masusuot ng kahit sino."
"May point ka roon, bes," sabi ni Lolly.
"'Di ba?" sabi ko. "Baka nga hindi niya sabihin kahit kanino ang tungkol sa brang naihulog ng babaeng nakasayaw niya kagabi. Well, maliban kay Kuya Gerry."
Tumawa si Bambs. "Kapag sinabi ni Lex kay Kuya Gerry mo 'yon, doon na kakalat sa iba."
Oo nga pala. Tsismoso nga pala ang pinsan ko. "Si Kuya Gerry na lang ang paluin n'yo sa likod ng ulo bago pa niya maibuka ang bibig niya."
"No," kontra ni Lolly. "Malalaman natin from Gerry kung ano'ng reaksiyon ni Lex sa pagkakahulog mo ng bra kasi itsi-tsismis niya sa 'yo. Kaya 'wag mo munang pagtangkaan ang kuya mo. May pakinabang ang pagkatsimoso niya."
"Tama ka, bes," sabi ko. "Sige. 'Wag n'yo munang paluin ng dos por dos sa ulo si Kuya. Saka na lang."
"Okay," sabi ni Bambs. "Bantayan na muna natin kung ano'ng gagawin ni Lex. I have a feeling na hahanapin niya si Ella, kahit hindi gamit ang brang iyon. Bukod sa curiosity sa pagkatao ng babaeng iyon, sino ba kasing lalaki ang hindi mababaliw kapag iniwanan ng bra ng isang babaeng cup D as a remembrance?"
Napayuko ako sa dibdib ko. 'Buti pa ang bra ni Ella, kababaliwan daw ni Lex. Kung ang cup AA na brang suot ko ngayon ang iiwan ko kay Lex, baka gawin lang nitong pot holder o pamunas ng alikabok sa kotse nito.
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomansaA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.