Part 22

179 18 0
                                    


"WOW," sambit ko habang pinanonood ang pag-andar ng tren sa riles.

Maraming tren na iba't iba ang designs kaya marami ring forked rails. May human figures, trees, buildings, gravels, cars, roads, waiting sheds, bridges and river. Nakakatuwang malaman na naglalaro pa rin si Lex hanggang ngayon. Hindi ito ang klase ng playroom na in-expect ko pero somehow ay na-relieve ako na hindi adult playroom ang nabungaran ko.

"Uhhh..." Hinawakan ko sa ulo si Lex at ginulo ang buhok niya. "Such a big boy."

Tinabig ni Lex ang kamay ko. "You won't use this against me, right?" pagbabanta niya.

"Oo naman. Hindi ko ipagkakalat na 'yong most coveted bachelor in town ay adik sa LEGO sa edad niya."

Nagbuga ng hangin si Lex. "Subukan mo lang talaga."

"Ang ganda, Lex. Ilang taon mong binuo 'to?" Hindi ako matapos-tapos sa pagmamasid sa bawat parte ng train track dahil napakalawak talaga niyon.

Mukhang nasiyahan siya sa sinabi ko. "Simula noong tumira ako rito. Pero 'yong ilang pieces diyan, since childhood pa."

Sumalampak ako sa carpeted floor para dumampot ng isang human figure at sinipat iyon. Tumabi sa akin si Lex.

"Adik ka na ba sa LEGO simula noong bata ka?" Marami akong alam tungkol sa kanya pero hindi ko alam na bukod sa malaking boobs ay obsessed din siya sa LEGO.

Tumango si Lex. "Pangarap ko ito noong bata ako. 'Yong ganito kalaki at ka-expensive na LEGO train track setup. But still, I'm not satiated. Gusto ko pa siyang mapaganda nang mapaganda."

Dinampot ko ang isang maliit na parte ng tren na mukhang luma at old-fashioned. "Hula ko, laruan mo na 'to noong bata ka pa."

Ngumiti si Lex at kinuha sa kamay ko ang tren. "Binili 'to ng mommy ko para sa 'kin."

Nakita ko ang fondness sa mga mata ng lalaki habang nakatitig sa tren.

"Pero... paano ka niya naibili ng tren kung...?" Hindi ko itinuloy ang sasabihin. Namatay ang mommy ni Lex sa panganganak sa kanya kaya imposibleng ito talaga ang bumili ng laruang iyon para sa anak.

Kabuwanan na raw ng mommy ni Lex noong maaksidente ang taxi na sinasakyan nito. Nang isugod sa ospital ay nanganib ang mag-ina pero tulad ng sa mga teleserye ang nangyari. Isa lang ang puwedeng maka-survive sa dalawa at pinili ng ina ang anak na mabuhay.

"Noong nasa tiyan pa lang ako ng mommy ko, ibinili na niya ako ng LEGO na pang-one to three years old. Ganoon siya ka-excited na magkaanak."

Naantig ang puso ko sa narinig. Ang fondness sa mga mata ni Lex habang nakatitig sa laruan ay nahaluan ng munting lungkot.

"Favorite ko 'tong LEGO train set na 'to noong bata ako. Kaya ako nagkainteres sa LEGO dahil dito. Mom bought me this because she wanted me to play this. That's why I'm playing this until now."

Ngumisi si Lex pero nakita ko ang pangungulila sa mga mata niya.

"And every time I'm in this room, I feel like I'm with my mom."

Tuluyan nang naging teary ang mga mata ko. "Awww... Lex..." Hindi pala obsessed si Lex sa LEGO. May sentimental value pala ito sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on si Lex sa katotohanang namatay ang mommy niya dahil sa pagsilang sa kanya. In fact, hindi niya sine-celebrate ang birthday dahil iyon ding araw na iyon mismo ang death anniversary ng ina. Hanggang ngayon ay mukhang sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkawala nito.

There was a lonely boy inside of him. Hindi lang halata dahil outgoing at full of energy si Lex. Ang tungkol sa mommy niya at ang malungkot niyang childhood ang dahilan kung bakit sa kabila ng success na tinatamasa ay mayroon pa ring parte sa kanyang puso ang nababalot ng kalungkutan.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon