"AKO ba talaga 'to, beks?"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa repleksiyon ko sa salamin habang nakaupo sa dresser. Kakatapos lang akong makeup-an ni Bambs. Hindi ko halos makilala ang sarili. Ibang-iba ang hitsura ko dahil sa malupit na makeup transformation skills ng beki.
"Oo, ikaw 'yan. Pero hindi dapat ikaw 'yan. Dahil tonight, you're not Sachia. You are Ella, short for Cinderella."
Cinderella... Hindi ko akalain na puwede nga akong maging si Cinderella; na puwede akong mag-transform nang ganito. Noong nakaraan lang ay naghihimutok ako at humiling na sana ay magkaroon ako ng fairy godmother na magbibigay sa akin ng isang pares ng malaking boobs. Natupad ang wish ko. Nagkaroon ako ng fairy godmother sa katauhan ng matandang nagkaloob sa akin ng pansamantalang regalong maaari kong magamit sa isang pambihirang pagkakataon.
Katulad ng pansamantalang beautiful transformation na ipinagkaloob ng fairy godmother ni Cinderella dito, pinagkalooban ako ng matanda ng beautiful boobs tranformation para mapansin ako ng aking "Prince Charming" at maranasan ang maisayaw nito sa ball.
Ngayong gabi ay hindi magical glass shoes ang isusuot ko kundi magical push-up bra. Ngayong gabi ay magkakatotoo ang fairy tale ko. Okay lang kahit hindi kami mag-live happily ever after ng "prinsipe," gusto ko lang maranasang maging "prinsesa" nito kahit isang gabi.
Yari na ang plano. Sasabihin ni Lolly kay Lex na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakapunta. Pupunta ako nang mag-isa sa party ng Sollera bilang si "Ella" dala ang invitation kong pinalitan ko ang sobre para matanggal ang tunay kong pangalan. Sa pagtitipon ay hindi kami magpapansinan ni Lolly. Kunwari ay hindi kami magkakilala. Nag-practice na ako kung paano ko iibahin at paliliitin ang boses para hindi maging pamilyar sa pandinig ni Lex kapag nag-usap kami.
Alam ko na rin kung paano ko lulusutan kung sakaling magtanong si Lex kung sino ang nag-invite sa akin. Puwede kong idahilan na isa ako sa potential new models na inimbitahan ng baklang marketing director.
Napatingin ako sa parihabang kahon na inilapag ni Lolly sa dresser.
"Isuot mo na ang magical bra," sabi ni Lolly na nakagayak na, "para makompleto na ang transformation ni Cinderella."
Niyuko ko ang dibdib kong natatakpan ng roba at pagkatapos ay tumayo para lapitan ang ocean blue ball gown na nakasabit sa handle ng closet. Pinaraanan ko ng palad ang blue flowers na naka-embellish sa off-shoulder ng gown.
"Akala ko, hanggang pangarap na lang na masuot ko ang gown na 'to," pag-e-emo ko.
Lumitaw sa tabi ko si Bambs. "Hindi lang ang masuot 'yang pangarap mong gown ang puwedeng magkatotoo tonight. Puwede mo ring matikman ang mga labi ng 'Prince Charming' mo."
"Totoo ba? Posible ba talagang maranasan ko ang halik ni Lex ngayong gabi?" Pinigilan ko ang mapangiti sa kilig.
"Oo, Chia," sabi ni Lolly na bigla ay nasa tabi ko na rin. "Pero hanggang halik lang, ha. 'Wag kang magpapalamas por que may maipapalamas ka na."
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi. "Grabe ka, bes. Paano ko magagawang magpalamas kung hanggang alas-dose lang ng hatinggabi ako puwedeng mag-stay sa party?"
"Oo nga pala," bilin ni Bambs. "Mag-alarm ka. I-set mo na ang alarm mo five minutes before twelve. 'Wag mong gayahin si Cinderella na kung kailan alas-dose impunto, saka aalis. Hayun tuloy, kandatakbo at nahubad pa ang isang sapatos. Learn from her mistake, okay? Do not leave anything na puwedeng makapagturo kung sino ka."
"Okay," sagot ko. "Hinding-hindi ako mag-iiwan ng sapatos."
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomanceA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.