Part 27

142 13 0
                                    

PINANOOD ko ang panlalaki ng mga mata ni fake Ella nang makita kaming tatlo na mala-Charlie's Angels na nakatayo sa harapan ng kotse ni Lex. Akay-akay ng impakta ang borlogs na lalaki katulong ang isang male service crew sa coffee shop na walang kamalay-malay sa krimeng nakatakdang gawin ng babaeng customer. Siguradong iniisip nitong nahimatay lang si Lex at hindi sinadyang patulugin.

Kahit halatang nag-panic ay pinilit ni fake Ella na ngumiti. "Hi! It's nice to see you all again."

"Nice to see you mo'ng mukha mo," pananabla ni Bambs. "I wonder kung magagamit mo 'yang acting skills mo sa kulungan."

"Ano'ng sinasabi mo?" maang-maangang tanong ng impostora. Tinapunan nito ng tingin si Lex. "Nahimatay si Lex, eh. Dadalhin ko pa siya sa ospital. Diyan na kayo."

Nagpatuloy si fake Ella sa paghakbang habang akay si Lex pero humarang ako sa daanan nila. "Hindi nahimatay si Lex. Pinatulog mo siya!"

Suminghap ang impostora. "Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi mo."

"'Wag ka nang magmaang-maangan pa," pasok ni Lolly. "Nakita ka naming bumili ng pampatulog kanina at nilagyan mo ng pampatulog ang iniinom ni Lex kaya nagkaganyan siya!"

"Hindi totoo 'yan!" paninindigan ni fake Ella.

Itinaas ko ang cellphone sa mukha nito at i-p-in-lay ang video. Sa sobrang gulat ay nabitiwan nito si Lex. Muntik nang bumagsak si Lex kung hindi maagap na naalalayan ng crew.

"Ipakukulong ka namin for attempted kidnapping!" pananakot ni Bambs.

Umakmang tatakbo si fake Ella pero nahila ito ng beki. "Bitiwan mo 'ko, bakla!" pagpupumiglas nito.

"Oo, bakla ako. Pero at least, hindi ko pinapatulog ang mga lalaki para madala ko sa kama. Nagbabayad ako nang higit pa sa wampipti! Pero ikaw, impostor na, kidnapper pa! At ano'ng balak mo kay Lex, ha? Gagahasain mo ba siya at pipikutin?"

"Hindi ko kailangang gawin 'yon," pangangatwiran pa ng impostora. "Baka nakakalimutan n'yo kung gaano kabaliw sa akin si Lex. Hinanap pa niya ako! Kaya hindi ko na siya kailangang pikutin."

"Hindi ikaw si Ella," nagkikiskisan ang mga ngiping sabi ko kay fake Ella. "Kaya tigilan mo na ang panloloko kay Lex. Kung siya, kaya mong mauto, kami hindi."

Pinaghalong takot at galit ang nasa mukha nito.

"Sumama ka sa amin sa presinto," hila ni Bambs.

"No!" singhal ni fake Ella na nagpatuloy sa pagpupumiglas. "Bitiwan mo 'ko!"

Tumulong na si Lolly. Hinawakan nito ang kabilang braso ng salarin at hinila ng dalawa papunta sa kotseng gamit namin kanina ang nagwawalang babae.

"Beshie, i-send mo sa 'kin 'yong video file," bilin ni Bambs sa akin habang lumalayo. "Para may maipakita kami sa mga pulis. Ikaw na ang bahalang mag-uwi kay Lex."

Kinapa ko sa bulsa ni Lex ang keyless entry ng kotse niya at nang mabuksan iyon ay tinulungan ko ang crew sa pag-alalay kay Lex papasok sa backseat. Binigyan ko na lang ng tip ito bago bumalik sa café.

In-start ko ang sasakyan pero hindi muna ako umalis dahil i-s-in-end ko pa sa Messenger ni Bambs ang video. Saktong ma-complete ang sending ay tumunog ang phone ko.

Bihirang tumawag sa akin si Kuya Gerry kaya tinanggap ko iyon.

"Sachia, nandito ako sa Batangas."

"Ano'ng ginagawa mo riyan?"

"Naaksidente ako."

"Ano?! Nasaang ospital ka?"

Nang sabihin ni Kuya Gerry ang ospital ay dali-dali kong pinaandar ang kotse. 

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon