Part 25

156 15 0
                                    


NANG magpaalam si fake Ella na mauuna nang umalis ay nanatili si Lex para makipag-usap sa akin tungkol sa expansion plan. Pumasok kami sa maliit na opisina doon para makapag-open na uli ang bakeshop.

"Akala ko ba, tumigil ka na sa paghahanap kay Ella?" tanong ko agad nang makaupo ang lalaki sa sofa.

"Tumigil nga. Pero bigla siyang dumating noong hindi ko na siya hinahanap."

Tumabi ako kay Lex at pinakatitigan ko siya.

"What?" tanong niya.

"Hindi ba 'yon fishy para sa 'yo? Noong nakaraan, kulang na lang bumili ka na ng TV ad airtime at magpagawa ng billboard sa EDSA para lang hanapin siya pero hindi siya nagpapakita. Pero ngayon, biglang... bigla na lang siyang susulpot?"

"Well, ang sabi niya, nasa Batanes siya nang dalawang buwan. Wala daw Internet at TV doon. Nag-soul-searching siya kaya ngayon lang nakabalik."

Nagbuga ako ng hangin. "Naniwala ka naman."

"So, sa tingin n'yo, hindi siya si Ella? Why, you practically bullied her with your friends a while ago."

Hindi naman mukhang galit si Lex kahit napuna ang ginawa namin sa kasama niya.

"Hindi siya si Ella."

"Why do you think so?"

"Ginaya lang niya 'yong makeup ni Ella kaya naging kahawig para sa 'yo. Hindi ka ba nanonood ng makeup transformations? Kahit ikaw, puwede mong makamukha si Ella kung magaling ang magme-makeup sa 'yo. Nagkataon lang na medyo pareho sila ng laki ng dede at height and body built pero ang lakas ng kutob ko na fake siya."

"Alam niya kung ano ang inihulog niya nang gabing 'yon. Pati 'yong gift niya sa 'kin."

"'Yon lang ang pinagbasehan mo? Baka stalker mo siya kaya nalaman niya 'yon. Alam rin ba niya kung ano 'yong mga pinag-usapan n'yo no'ng gabing 'yon?"

Umiling si Lex. "Hindi na raw niya maalala dahil nakainom siya."

"Kalokohan!" nandidilat na sabi ko. "Sobrang lasing ba siya para mag-block out siya?"

"Actually, I found that odd pero kung iba't iba ang alcohol tolerance natin, baka iba-iba rin ang epekto ng certain amount of alcohol on different people. Like on some, may epekto sa memory nila regardless of the amount of intake and on some, wala."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lex. Talaga bang kombinsido siyang authentic ang babaeng iyon?

Ngumisi siya habang nakatitig sa reaksiyon ko. "Bakit ba ganyan ka maka-react?"

"Dahil malakas ang pakiramdam ko na niloloko ka lang ng babaeng 'yon. Baka gusto ka lang pikutin n'on."

Tumawa si Lex. "'Ayan ka na naman sa pikot. Bakit ba parating 'yon ang iniisip mo?"

"'Wag kang magpadalos-dalos, Lex. I-consider mo pa rin 'yong mga sinabi ko."

"Hindi ko maintindihan kung bakit parang mas alam mong tukuyin si Ella kaysa sa akin na mismong nakasama niya nang gabing 'yon."

"Naramdaman mo ba na siya 'yon?"

Hindi siya sumagot habang nakatitig sa akin. Nagbawi ng tingin ang lalaki at dumiretso ng tingin sa pader.

"Lex, kung hindi mo maramdaman na siya 'yon, 'wag kang maniwala sa kanya."

"I don't know, Sachia. I think my instinct is so messed up these days." Bumalik sa akin ang tingin niya. "I want to get to know her."

Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ko. Kapag nagpilit pa ako ay baka pagdudahan na ni Lex ang masyado kong pag-involve ng sarili sa affairs niya.

"Hindi mo pa ibinibigay sa kanya 'yong Brassierella bra?"

"I will, in the next coming days."

"Bakit hindi mo ibinigay agad?" nagdududang tanong ko. "Kasi alam mo sa sarili mo na posibleng hindi talaga siya si Ella. Tama ako, 'no?"

Tumawa si Lex. "Pumunta ako rito para sa business natin, 'di ba? Pero ba't parang mula kanina, wala pa tayong napag-usapan tungkol doon?"

Nagbuga ako ng hangin at sumandal sa backrest ng sofa. Imbes na sagutin siya ay umandar ang isip ko. Kailangan kong malaman ang tunay na identity ng babaeng iyon pero paano ko magagawa iyon kung hindi namin alam kung ano ang tunay nitong hitsura sa likod ng makapal na makeup?

Nang balingan ko si Lex ay nahuli ko siyang nakatitig sa leeg ko. "Ano'ng tinitingnan mo?" Hinipo ko ang bandang leeg at nakapa ang collar bones ko. Wala akong suot na kuwintas kaya bakit nakatingin doon ang lalaki? Wala naman siguro akong libag sa crease ng leeg. Hindi na ako bata para magkaroon pa ng ganoon.

"Nothing," sagot niya. "Let's start talking about business. Tawagin mo na si Lolly."

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon