INANOOD ko kung paano napanganga at nanlaki ang mga mata nina Lolly at Bambs nang lumabas ako mula sa banyo na may ga-papayang dibdib habang suot ang magical push-up bra na ibinigay sa akin ng misteryosang matanda two weeks ago.
Kanina ay pinagtawanan lang ako ng mga ito nang sabihin ko ang tungkol sa bra. Pinagbintangan pa ako ni Bambs na palihim nang bumabatak ng shabu. Si Lolly naman ay nag-search agad sa Google kung ano ang mga simptomas ng schizophrenia. Pero ngayon ay natahimik ang dalawa nang makita ang mayaman kong hinaharap.
Sinalo ko ng mga palad ang ilalim ng dibdib ko at inalog-alog ang mga iyon. Nag-stationary jogging ako para kusang umalog ang mga iyon. Hay, napakasarap pala ng pakiramdam ng may umaalog sa akin. Dati kasi, kahit ten kilometers na ang itinatakbo ko sa fun runs, pirming-pirmi lang at unbothered ang dede ko.
"Juskolord!" Sa wakas ay nakapagsalita na ang beki. "What sorcery is this?"
"B-bes..." nauutal na sabi ni Lolly. "P-paano nangyari 'yan? Saan galing 'yang dedeng 'yan?"
"I know," tumatangong sagot ko. "Shocking talaga. Pero totoo ito, mga bes. Hindi kayo dinadaya ng paningin n'yo. Hindi ako nagda-drugs o nababaliw. Talagang may magic 'tong bra na ibinigay sa akin ng matandang 'yon. Look. Kahit hawakan n'yo pa."
Lumapit ang dalawa at pinagdudutdot ang boobs ko. Si Lolly ay pinagpipisil pa ang mga iyon para siguro i-check kung totoong breast tissues ang laman ng dibdib ko.
"Oh my god," sambit ni Lolly. "Totoo nga talaga! Dede nga talaga 'yan!"
"Hubarin mo 'yan, beshie!" utos ni Bambs habang nanlalaki ang mga mata na para bang nakaramdam ng panganib.
Kinabahan ako. "Bakit ko huhubarin? Iniisip mo bang may kasamang sumpa ang bra na 'to?" Medyo nahintakutan ako sa idea.
"Hindi. Hubarin mo 'yan at ipahiram mo sa 'kin! Daliiiiii!" Lumarawan ang excitement sa mukha ni Bambs.
"Hindi puwede!" singhal ko sa beki. "Kabilin-bilinan ng matanda na hindi puwedeng magamit ito sa masamang paraan. Kaya hindi ko puwedeng ipahiram ito sa 'yo dahil malamang, gamitin mo sa kalaswaan 'to!"
"Ang damot! Sige na, beshie. Pa-try lang. Gusto ko lang makita kung anong hitsura ko kapag nagkaroon ng boobs."
"Try lang, ha. Sandali lang."
"Oo nga! Try lang. Gusto ko lang maranasang magkaroon ng boobs."
Napahinuhod ako dahil alam ko ang pakiramdam ng naghahangad na magkaroon ng malaking dede. Bumalik ako sa banyo para hubarin ang bra at paglabas ko ay hinaltak agad ni Bambs sa kamay ko iyon. Ready na ang bruha. Naka-topless na. Pigil ang paghinga namin ni Lolly habang hinihintay na lumaki ang dibdib ni Bambs pero ilang segundo na ang nakalilipas ay wala pa ring nangyayari sa dibdib nito.
"Bakit ayaw, beshie?" himutok ng beki na nawala na ang excitement kanina.
"Baka bawal sa bakla," sabi ko.
"Baka natunugan ng bra," pagbibigay-ideya ni Lolly, "na may balak kang gamitin'yan sa masamang paraan kaya ayaw gumana sa 'yo."
Nagmaktol si Bambs. "Gusto ko ring magkaroon ng boobs..."
Hinubad ko sa beki ang bra kahit nagpupumiglas ito. "Ikaw, Lolly, gusto mong i-try?"
Umiling si Lolly. "Hindi ko kailangan 'yan. Masaya na ako sa cup C."
"Sana all..." iyak ni Bambs.
"Ano'ng balak mo d'yan, Chia?" tanong ni Lolly.
Tinitigan ko ang bra. "Ano sa tingin mo ang silbi ng bra ng 'to? Kapag suot ko lang ito saka lumalaki ang dede ko. Alangan namang ito ang isuot ko araw-araw. At saka kapag isinuot ko 'to sa labas, ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon ng mga kakilalang makakakita sa 'kin? Biglang laki ng dibdib ko, eh, hindi naman ako nagpaopera. Unless... umalis ako rito at lumipat sa malayong lugar na walang nakakakilala sa 'kin at magbago ng identity. Pero paano kapag nagka-dyowa ako? Matutuklasan niya rin ang sekreto ng dede ko dahil nawawalan ng bisa ang magic ng brang ito sa madaling araw."
Nakikinig lang ang dalawa at mukhang inaanalisa ang mga sinasabi ko.
"In other words," patuloy ko, "useless ang brang 'to."
Halos sabay pang bumuntunghininga ang dalawa.
"Pero thankful pa rin ako dahil kahit papa'no, kahit privately lang, naranasan ko ang magkaroon ng malaking boobs. Grabe, buong gabi kong suot ito. Ang bigat. Sumakit ang likod ko. Ang sarap pala ng pakiramdam ng sumakit ang likod dahil mabigat ang harap. Tapos, isinuot ko lahat ng damit ko para lang tingnan kung ano'ng hitsura nila kapag may boobs na ang nagsuot. Grabe, nasira 'yong neckline ng isa. Natastas! 'Yong iba naman, hindi na magkasya." Tumawa ako pero nag-fade din at nauwi sa buntonghininga. "Hanggang gano'n lang. At the end of the day..." niyuko ko ang dibdib na flat, "ganito pa rin ang size ng dede ko."
Hinablot sa akin ni Bambs ang bra at pinakatitigan iyon. Nang ibalik nito ang tingin sa akin ay nakataas na ang isang sulok ng mga labi. "You're wrong, beshie. May paggagamitan ka nito."
"Ano?" tanong ko.
"Hay, naku," sabad ni Lolly, "Kung ikakapahamak ni Sachia 'yan, 'wag mo na siyang bigyan ng idea, Bambs."
"Hindi, 'no! Naisip ko lang na kung temporary at restricting ang kapangyarihan ng bra na 'to, might as well gamitin sa ganoong purpose lang."
"Paano, beks?" tanong ko. "Ispluk na 'yan."
"Gamitin mo ang bra na 'to para mabighani ang lalaking matagal mo nang pinagnanasaan."
"Si Lex?" tanong ni Lolly.
"Sino pa ba? Gusto mong maranasan ang matingnan ni Lex bilang isang ghorl kahit isang beses lang? Gusto mong pagnasaan ka niya kahit isang gabi lang? Gusto mong matikman ang halik niya kahit one time lang?"
Nanlaki ang mga mata ko. Napahawak ako sa braso ng beki sa antisipasyon. "Beks, ano'ng iniisip mo?" Kahit parang alam ko na ang gusto nitong sabihin.
Itinaas ni Bambs ang bra. "Attend Sollera's party wearing this and assume another name and identity. Then disappear without a trace. Tikman mo lang si Lex."
Napatanga ako sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomanceA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.