Part 39

157 15 0
                                    


PABILING-BILING ako sa kutson sa sahig nang gabing iyon. Hindi ako pinatulog ng nangyari kanina sa batis. Hindi mawala sa isip ko ang ekspresyon ng mga mata ni Lex habang nakatingin sa akin at yakap ko sa batis. Ganoon tumingin ang isang lalaking may pagtingin sa isang babae. Kung hindi ba umepal si Buboy ay hahalikan ako ni Lex?

Umiling-iling ako. Hindi. Namalikmata lang ako. Imposibleng gusto akong halikan ni Lex. Imposibleng may gusto siya sa akin. Ayokong mag-ilusyon. Ayokong umasa.

Ayokong umasa ulit.

Noong seventeen ako, there was a time na pakiramdam ko ay may gusto na rin sa akin si Lex. Naging extra attentive siya sa akin at kung tumingin siya ay parang ako ang 'fairest of them all.' Minsan ay sinundo pa niya ako sa school at inilibre ng burger at softdrinks sa McDo.

Kilig na kilig ako noon kahit pa ang sabi ng binata ay nagawi lang siya sa school namin dahil pinuntahan ang kakilala at niyaya na rin akong kumain dahil nagugutom siya. Feeling ko noon, nagdahilan lang si Lex para kunwari ay hindi halatang sinadya talaga niyang pumunta roon para makita at makasama ako.

Ang akala ko noon, liligawan na niya ako pero biglang hindi na siya nagpakita ulit sa akin. At nang masilayan ko ulit si Lex, wala nang espesyal sa mga mata niya sa tuwing titingin sa akin. Wala lang pala sa kanya iyon. Sobrang sakit ng naramdaman ko noon dahil umasa ako. Na-realize ko na nag-ilusyon lang pala ako.

Ayoko nang maramdaman ulit ang feeling na iyon. Ang sakit-sakit kasi talaga na umasa at mapahiya sa sarili dahil malalaman kong ilusyon ko lang pala ang lahat.

Bumuntunghininga ako. Alam ko namang hindi ako magugustuhan ni Lex dahil wala akong malaking boobs. Kaya ang nangyari kanina sa batis, imposibleng totoo iyon.

Kailangan ko na talagang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya bago pa ako magsimulang umasa ulit at masaktan lang.

"Linsiyak na bata are."

Narinig ko ang mahinang reklamo ni Lola Remy na nakita kong nakatingin sa akin mula sa kama kahit madilim ang silid.

"Wala ka na gang gagawin kundi ang magpabiling-biling? Matulog ka na. 'Wag mo nang isipin si Lex."

Nanlaki ang mga mata ko. Paano nalaman ng matandang babae na si Lex ang iniisip ko?

Pumikit si Lola Remy. "Ala-ey, pag-ibig nga naman..."

Napasibi na lang ako at mariing ipinikit ang mga mata.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon