"ANO BA 'yong sinukmani?" tanong sa akin ni Lex habang naglalakad-lakad kami sa Sitio Libay.
Nagpaalam kami sa oldies para i-tour ko si Lex sa barrio life sa lugar na iyon. Naraanan namin ang mga mayayabong na puno at halaman at raw or fertile soil na hindi makikita sa syudad.
"Matamis. Malagkit. Parang biko ang hitsura pero iba. Famous delicacy 'yon dito sa Rosario. Ginawan pa nga nila ng festival. Maraming nagluluto ng sinukmani tapos ilalatag nila sa mahabang mesa ala-boodle fight para pagsaluhan ng mga kapitbahay. Meron ding contest ng pagandahan ng presentation sa sinukmani. Naglalaban-laban sila. May premyo."
"I see. Gusto kong makatikhim ng sinukmani."
"Sa Sunday pa. Kasi gagawa pa lang kayo. Hindi 'yon basta-basta iniluluto. Kapag may okasyon lang sila nagluluto ng sinukmani. Panghandaan talaga siya. Kaya i-ready mo na ang mga braso mo. Mapapasabak ka sa paghalo ng malagkit sa malaking kawa. Pero, don't worry, may mga tutulong naman sa 'yo."
"Kayang-kaya ko 'yong mag-isa," confident na sabi ni Lex.
Tumawa ako nang pahaw. "Tingnan natin."
"Ano pa'ng ganap kapag Sinukmani Festival?"
"May parada sa downtown. Mga banda ng musiko, mga kabataang naka-costume na nagsasayaw ng cultural dance. Dance contests, gano'n. Punta tayo sa downtown para manood kung gusto mo."
"Sure!" Halatang na-excite si Lex.
"Sure ka talagang mag-i-stay ka rito, ha."
"Oo nga. Gusto ko 'yong hangin dito, sariwa. Hindi crowded. Walang gaanong tao. Tahimik."
"Oo. Kaya masarap dito kung gusto mo ng break sa air pollution. Dahil liblib 'to, walang gaanong de-motor na sasakyang nagagawi rito. Puro puno pa. Ang mga bahay, layo-layo kaya may privacy. Konti lang ang mga tao dito. Sa buong Barangay Matamis, nasa more or less five hundred people lang ang nakatira dito. Pero sa lugar na 'to alone, nasa forty lang sila rito kaya lahat sila magkakakilala."
"Talaga?"
"Three years ago ko pa nalaman 'yon from Tiya Nanet pero mukhang ganoon pa rin naman ang populasyon nila rito. Teka nga pala, paano nga pala ang Sollera? Bigla mong iniwan."
"Kanina, noong dinaanan mo ang kuya mo sa ospital, tinawagan ko na 'yong OIC ko. Siya ang bahala sa Sollera kapag nasa travel ako. Tinawagan ko na rin 'yong assistant ko to cancel all my appointments for the whole week. 'Saka si Bea. Sinabihan ko na i-include lahat ng bra sizes para hindi ka na bumibili sa Lovelies."
Nag-init ang mga pisngi ko. Naalala ko tuloy ang pagkapahiya ko kanina sa mall. "Kinalimutan ko na nga, ipinaalala mo pa! Tse!" Nagpatiuna ako sa paglalakad para iwan siya. Narinig ko pa ang pagtawa ng hinayupak.
Humabol si Lex at umagapay sa akin. "Sorry na."
Humalukipkip ako at inirapan siya. Pilit na hinila ni Lex ang braso ko.
"Uy, sorry na. Pag-uwi natin, papagawan kita ng personalized bra para hindi ka na magtanim ng galit sa Sollera. Peace offering namin sa 'yo."
Nai-imagine ko na habang ginagawa ni Bea ang design ng brang iyon at tinatahi iyon ng mananahi sa Sollera ay tumatawa sila. Sa liit ng cup ng bra ay makakatipid sila sa tela at padding. "Tse! Iyo na 'yong bra mo!"
"Ayaw mo no'n? May exclusive bra ka from Sollera. Ikaw lang ang puwedeng magsuot ng design na 'yon."
"Ano, parang si Ella lang? May personalized bra? Nakakahiya naman maging ka-level sa privilege ng babaeng may pagkalaki-laking cup."
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomansaA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.