Part 6

341 25 1
                                    


"TODAY, we commemorate the death of our beloved Santino Pelayo exactly a year ago..."

Gusto ko sanang mag-focus sa sinasabi ng pari sa misa pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Chyna na kanina pa nagse-cellphone. Nasa kabilang column sila ng silya katabi ng ina at nakatatandang kapatid. Kung malapit lang ito sa akin, baka hinaltak ko ang cellphone ni Chyna at inihagis sa damuhan.

Nandoon kami sa ilalim ng tent sa sementeryo kung saan nakahimlay ang mga labi ni Papa pero ang hitad ay halatang walang respeto sa taong kumupkop dito at tumuring na anak mula nang dumating sa bahay namin.

Si Dindi naman ay halatang bored dahil makailang beses na sinisipat ang mga kukong may nail art. Si Tita Sylvia ay nakatingin sa pari pero malamang ay nasa Mahjong-an ang isip nito.

Kaya siguro maagang nawala ang papa ko ay dahil sa mga taong ito. Kung bakit naman kasi nag-asawa pa uli si Papa, iyan tuloy ang napala nito. Naiintindihan ko na gusto lang nitong magkaroon ng makakasama hanggang sa pagtanda pero sana ay pumili naman si Papa ng babaeng totoong mahal ito at walang bitbit na dalawang anak na kaysarap pag-untugin.

Kaya relate na relate talaga ako sa istorya ni Cinderella ay dahil halos pareho kami ng kapalaran. Mabuti na lang at palaban ako kahit noong teenager pa lang kundi ay inapi-api rin ako ng tatlong ito. Alam ko kung ano ang lugar ko sa bahay at sa buhay ng papa ko. Buti na lang din at mahal ako ng papa ko at ako ang parati niyang pinapaboran.

Sinubukan kong mag-concentrate sa misa pero na-bother talaga ako sa ginagawa ni Chyna na hindi man lang sinasaway ng ina. Sa inis ko ay dinukot ko ang cellphone sa bag at pinadalhan ng text message si Chyna.

Itatago mo 'yang cellphone mo o ililibing ko 'yan mamaya kasama ang bangkay na ibabaon sa hukay na naraanan natin kanina?

Mukhang nabasa kaagad ni Chyna ang text message kaya tumingin sa akin. Binigyan ko ito ng nagbabantang tingin. Halatang na-threaten ang bruha. Ang ganda pa man din kasi ng cellphone nito. Iyong latest na folded model ng Samsung. Nanghinayang siguro na mapupunta lang iyon sa bangkay kaya itinago na sa bag. Alam kasi nito na kapag sinabi ko ay ginagawa ko. Busangot ang mukha ni Chyna nang sa wakas ay tumingin sa pari.

Pagkatapos ng misa ay nagkaroon ng maikling eulogy speeches para alalahanin ang pagpanaw ni Papa at paglalahad sa mga pangyayari sa buhay sa loob nang isang taong wala ito sa piling namin. Ako ang unang nagbigay ng speech at sumunod ang best friend ni Papa. Huli ang madrasta ko.

Habang maluha-luhang nagsasalita sa mic si Tita Sylvia, akala mo ay totoong nabalot ng pighati ang buhay nito sa isang buong taong wala si Papa. Samantalang nabalitaan kong madalas sa Mahjong-an at casino ito. Malaki-laki rin ang nakuha nitong mana mula sa Papa. Kalahati ng assets ng ama ko ay dito napunta bilang legal wife.

Hindi ko kinayang panoorin ang drama ni Tita Sylvia kaya umalis muna ako sa tent para magbanyo. Paglabas ko sa cubicle ay may dalawang naglalakihang pares ng melon na ang nakaabang sa akin. Hindi na nahiya ang dalawang bruha kong stepsisters at talagang nagsuot ng white dress na may low neckline para ibilad ang mga dede sa pagtitipon para sa babang luksa. Ang akala siguro nila ay maiinggit ako.

Well, slight lang. Kasi di-hamak na mas maganda naman ako sa kanila.

Nakaangat ang isang kilay ni Dindi na halatang imbyerna at si Chyna naman ay naka-twitch ang mga labi na para bang sinasabing 'lagot ka ngayon.' Iga-gang up na naman ba ako ng dalawang ito?

"How dare you bully my little sister!" sita ni Dindi. Dalawang taon ang tanda niya sa kapatid.

Nagsumbong pala ang bunso sa ate. Hindi ako makapaniwalang bumalik kami sa dating gawi. Mahabang panahong iniwasan ko ang makipagbangasan sa dalawa bilang respeto kay Papa. Nangako ako rito na hindi na ako makikipag-away sa mga anak ng asawa nito. Pero wala na si Papa kaya siguro ay puwede ko nang pag-untugin ang dalawang ito kapag pinagtulungan na naman ako.

"Sinaway ko lang siya, bully na agad?" sagot ko. "Tama ba'ng mag-cellphone siya sa buong duration ng misa para kay Papa?"

"You threatened her!" gigil na gigil na asik ni Dindi.

"Na ililibing ko ang cellphone niya? Kung maka-big deal kayo, parang siya ang ililibing ko."

Itinaas ni Chyna ang cellphone. "Alam mo ba kung magkano 'tong cellphone kong gusto mong ilibing kasama ng bangkay?"

"Wala akong pake kung magkano 'yan. Ang gusto ko lang, irespeto n'yo ang alaala ng papa ko. Magpakita sana kayo ng kahit kaunting gratefulness sa kanya dahil kinupkop niya kayo at pinakitaan nang maganda kahit hindi niya kayo sariling anak."

Pinandilatan ako ni Dindi. "So, isinusumbat mo 'yong pagkupkop sa amin ng papa mo? That's his obligation as our mom's husband. Sinabi ba namin na pakasalan niya ang mama namin? Siya naman ang may gustong pakasalan si Mama."

"Oo nga," segunda ni Chyna.

Nagbuga ako ng hangin sa pagkamangha. Aba't talaga namang napaka-ungrateful ng mga hitad. Bukod sa pinakain, binigyan ng tirahan at pinag-aral, pinamanahan rin ni Papa ang mga ito pero parang balewala lang sa kanila. Kumirot ang dibdib ko para sa ama ko. All these years, hindi ito totoong pinahalagahan ng mga itinuring na anak. Mabait lang kunwari sa stepdad para patuloy na masustentuhan.

"Wala kayong utang na loob!" sikmat ko sa kanila.

"Utang na loob?" parang napapantastikuhang gagad ni Dindi. "I repeat, obligation niya kami dahil pinakasalan niya si Mama. Alam niyang may dalawang anak ang mama namin pero inasawa niya pa rin. Kaya wala kaming utang na loob sa kanya. We didn't beg for anything from him."

"Oo," segunda na naman ni Chyna. "Tama 'yon!"

Naggirian ang mga ngipin ko. "Ang kakapal ng mga mukha n'yo. Mga parasite!"

Halatang nagpanting ang mga tainga ni Dindi. "Ulitin mo 'yang sinabi mo."

"Kapalmuks," taas-noong sabi ko. "Pa...ra...site!"

Akmang kakalmutin ako ni Dindi pero umiwas ako.

"Subukan mo lang na sayaran ng kuko mo ang balat ko," banta ko, "kung ayaw mong tuklapin ko 'yang nail art mo."

Napasinghap si Dindi at napatingin sa mga kuko. Mukhang nanghinayang ang gaga. Susugod din sana si Chyna pero tinapalan ko ng palad ang mukha nito.

"'Wag mo nang balakin dahil kapag natalo kita, ihuhulog ko sa inidorong may ebak 'yang cellphone mo."

Mukhang nahintakutan din si Dindi kaya nag-step back ito habang daklot sa dibdib ang Samsung Fold.

Hindi ko napigilan ang matawa sa reaksiyon ng dalawa. "Wala pala kayo, eh."

Naningkit ang mga mata ng magkapatid na bruha.

"Ano'ng wala?" Iniliyad ni Dindi ang dibdib na ginaya ni Chyna.

Natigil ako sa pagtawa at pinaglipat-lipat ang tingin sa naglalakihang mga dibdib ng dalawa. Pagyuko ko ay na-realize kong talo ako sa labang ito.

Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Dindi. "Ikaw yata ang wala," sabi niya na ang tinutukoy ay ang dibdib ko.

"Oo nga," parang parrot na sabi ni Chyna.

"Flat," humahagikgik na sabi ni Dindi.

"Tama!" Tumawa rin si Chyna na akala mo ay napakalaki ng naiambag sa batuhan ng mga salita.

Hindi ako nakasagot. Pinanood ko lang ang pagtatawanan ng magkapatid. Sila ang dalawa sa mga dahilan kung bakit lalo akong naging insecure sa size ng dibdib ko. Palagi kasi nilang pinangangalandakan ang naglalakihang mga dede para lalo kong maramdaman ang imperfection ko.

Hindi tumigil sa pagtatawanan ang dalawa kahit masama na ang tingin ko sa kanila. Hindi na ako nakapagtimpi pa. Sabay kong hinablot ang buhok ng dalawa at pinag-untog ang mga ito.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon