Part 1

920 37 19
                                    


"AND THEY lived happily ever after... The end."

Nakangiti ang apat na taong gulang kong pamangkin sa pinsang si Tin-Tin habang nakatingala sa akin. Halatang nasiyahan sa istorya kahit pang-isang libong beses ko na yatang binasa ang istorya ni Cinderella rito.

Isinara ko ang fairy tale book at inilapag sa kandungan ng bata na katabi kong nakaupo sa sofa. Tuwang-tuwa ako kay Tin-Tin kaya sa tuwing dinadala ito ng pinsan kong si Ate Gemma sa parents nito sa kabilang bahay, minsan ay hinihiram ko para makalaro. Wala kasi akong kapatid kaya wala akong pamangkin. Nakikiamot na lang tuloy ako.

Well, mayroon akong dalawang stepsisters pero buti na lang at wala pa silang mga anak dahil siguradong mga tiyanak ang mapo-produce ng dalawang iyon. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat kong nawala sila sa buhay ko dahil kailangan pang may maganap na hindi maganda para mangyari iyon. Pinutol ko na ang ugnayan ko sa kanila at sa sugarol kong stepmom noong namatay ang papa ko almost a year ago. Sa akin napunta ang bahay na ipinundar ni Papa at ng yumao kong mother dear kaya nag-alsa balutan silang tatlo pagkatapos mailibing si Papa. Halos isang taon na akong mag-isang nakatira sa bahay na ito.

"Nakakainggit talaga si Cinderella, 'no?" sabi ko kay Tin-Tin habang hinahagod ang buhok nito.

"Kasi may boobs si Cinderella?" sabad ni Bambs na galing sa kusina at may dalang sandwich at isang baso ng gatas para kay Tin-Tin.

Mabilis na nagkiskisan ang mga ngipin ko at pinandilatan ang beki.

"Kasi wala siyang epal na kaibigang tulad mong bakla ka!"

Wala nang nakita ang mga taong nakapaligid sa akin kundi ang boobs kong 34AA ang bra size. Ang kaawa-awa kong cup AA. Maliit na nga, parati pa ring nakikita.

Ang sabi ng iba, perfect na raw sana ako. Maganda, makinis, maliit ang baywang, matambok ang puwit at may shapely legs. Isa lang talaga ang nagkulang ako—boobs. Ang boobs na requirement sa isang babae para matawag na kaakit-akit. Ang boobs na gustung-gusto ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. Ang boobs na sukatan na rin yata ng pagkababae.

Malaki naman ang hinaharap ng mama ko pero bakit ganito ang kinalabasan ng sa akin? Bakit sa tatay ko ako nagmana ng dibdib? Tuloy, kahit maganda naman ako, hindi tuloy ako ligawin. Kung mayroon mang nanligaw sa akin, hindi ko naman type. Kaya tuloy hanggang ngayon, hindi ko pa nararanasang magka-boyfriend.

At twenty-six, ni halik, hindi ko pa natitikman. Napakasaklap. Kung bakit naman kasi noong nagsabog ng boobs ang kalangitan, utong lang ang nasalo ko?

Busy na si Tin-Tin sa pagkain ng ham sandwich at pag-inom ng gatas kaya wala nang pakialam sa amin ni Bambs. Binuksan ko ang TV at inilagay iyon sa Disney Channel. Kinuha ko ang fairy tale book sa kandungan ng bata dahil baka matapunan nito ng gatas pero inagaw iyon ni Bambs mula sa kamay ko at umupo siya sa tabi ko.

"Sana all may fairy godmother, 'no?" sabi ng beki.

"Oo nga, eh."

"Alam mo kung ano'ng hihilingin ko kung magkakaroon tayo ng fairy godmother?"

"Na bigyan ka ng kepyas?"

"Bakit mo alam?"

"Letse. Masyado kang predictable."

"Eh, ikaw. Alam ko na kung ano'ng hihilingin mo."

"Obvious ba?" Iniliyad ko ang dibdib.

"Prince Charming. 'Lex' ang pangalan niya." Inumpisahang buklatin ni Bambs ang libro.

Ay, gaga. Hindi pa nakuha. Napa-chest in at buntonghininga ako nang marinig ang pangalan ng lalaking dahilan kung bakit hindi ko sinagot ang kakaunting lalaking nag-pursue sa akin.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon