"PUTSA, wala naman akong sinabing pumunta ka rito."
Napaka-ungrateful ni Kuya Gerry. Mula sa Quezon City ay pinalipad ko ang kotse papuntang Rosario, Batangas dahil sa pag-aalala. Dinala ko pa roon ang tulog na tulog pa ring si Lex na iniwan ko sandali sa kotse pero ganoon lang ang sasabihin nang makita ako. Ganunpaman ay hindi ko siya magawang patulan dahil mukhang malala ang sinapit niya sa car accident.
Ang bruho kasi ay nag-attempt na maging car racer out of boredom. Hayun at nakipag-car race sa race circuit sa Batangas pero bumangga lang sa fence at tumaob ang kotse. May bruises sa noo, may benda sa kanang braso at ang isang buong kanang binti ay naka-cast.
Ang bilin ng pinsan ko ay huwag kong sasabihin sa parents niya ang nangyari. Sinabi lang niya sa akin ang tungkol sa aksidente para makapag-alibi ako para sa kanya. Hindi raw nito alam kung hanggang kailan mananatili sa ospital. Habang naroon ay magpapanggap raw siyang nagbabakasyon kaya hindi muna uuwi o magpapakita sa mga magulang.
"Gusto ko lang i-check kung gaano ka kalala," sabi ko. "Mukhang kamuntikan ka nang ma-meet si San Pedro, ah... o ni Satanas."
"I'm fine, Sachia. Uwi ka na."
Alam kong sinasabi lang ni Kuya Gerry iyon pero malamang ay sobrang frustrated niya dahil sa kinasapitan. Ayaw siguro niyang may makakita sa kanya sa kalunos-lunos na hitsura. Tinapunan ko ng tingin ang seksing babaeng ngayon ko lang nakita. Bagong nadagit na naman ni Kuya?
"May mag-aalaga sa 'kin kaya kung nag-aalala ka para sa 'kin, forget it. Si Kylie," turo niya sa babaeng ngumiti sa akin, "girlfriend ko."
Bago na naman ang girlfriend? Nag-"hi!" na lang ako sa babae.
"Hindi ka naman siguro mababalda, 'di ba?" tanong ko kay Kuya Gerry.
"Hindi naman daw. Matatagalan nga lang na naka-cast ang binti ko."
Umalis kaagad ako dahil hindi ko puwedeng pabayaan nang matagal si Lex sa loob ng kotse nang tulog. Pagbalik ko ay tinapunan ko ng tingin ang himbing na himbing pa ring lalaki. Gabi na at more than two hours pa akong magbibiyahe pauwi. Naawa na ako kay Lex sa posisyon nito sa kotse. Baka hindi na dinadaluyan ng dugo ang mahahabang binting kanina pa nakabaluktot. Kaya minabuti ko na lang na huwag na munang umuwi at tumuloy na lang muna sa isang pinakamalapit na inn.
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomanceA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.
