Part 18

196 16 0
                                    


PAGBALIK ko sa bakuran ay natanaw kong hindi na nag-iisa si Kuya Gerry sa gazebo. Nandoon si Lex! Nakaupo sa puwestong iniwan ko. Kaya pala habang naglalakad ako papasok sa bahay ay may narinig akong ugong ng sasakyan. Dumating pala siya. Imbes na tumuloy sa paglapit ay nagtago ako sa likod ng puno na malapit sa gazebo para pakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Ang laki ng eye bags mo," puna ni Kuya Gerry sa kaibigan. "Hindi ka ba natulog kagabi?"

Sinilip ko si Lex para makita ang eye bags niya. Napangiti ako. Ang guwapo pa rin kahit may eye bags.

"Dalawang gabi na akong halos walang tulog."

"Bakit naman?"

"I kept thinking about her."

Si Ella ba ang tinutukoy ni Lex? Ako ba iyon? Ako lang ang laman ng isip ni Lex? Hindi siya nakakatulog dahil sa kaiisip sa akin? Parang gusto kong magkikisay sa kilig.

"What the hell, dude. Iniwanan ka lang ng bra, nagkaganyan ka na."

"Kailangang ko siyang mahanap, dude."

"Obsessed ka na ba?"

Nagpakawala ng buntunghininga si Lex. "I just need to find her. Gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman kung bakit bigla na lang siyang umalis at kung bakit... naghulog siya ng bra."

"Baka kasi dahil alam niyang may fetish ka sa bra," tumatawang sabi ni Kuya Gerry. "She's toying with your emotions, dude."

"She knows me. Pakiramdam ko, kilalang-kilala niya 'ko."

Natigilan ako. Mukhang may isa nang clue si Lex tungkol sa misteryosang babae. Pero hindi. Hindi pa rin niya maiisip na ako si Ella dahil malaki ang dibdib ni "Dederella."

"At parang kilala ko rin siya," patuloy ni Lex. "Pero hindi, eh. Maybe she just reminds me of someone."

"Sino?" tanong ni Kuya Gerry.

"Just someone. But she's definitely not her."

"Kung tinakbuhan ka ng babaeng 'yon nang hindi man lang nag-iwan ng contact number, ibig sabihin, wala na siyang balak magpakita pa ulit sa 'yo. Kaya kalimutan mo na siya. Namnamin mo na lang 'yong remembrance na iniwan niya sa 'yo."

"I really think she dropped that bra on purpose. Gusto niyang hanapin ko siya gaya ng hinanap ni Prince Charming si Cinderella dahil sa naiwang sapatos."

Nakagat ko ang kuko sa daliri. Naisip talaga ni Lex iyon?

"The same reason why she didn't tell me anything about herself," patuloy ni Lex. "Kahit 'yong pangalan niya, malamang na fake. Ngayon ko lang na-realize na sa fairy tale, 'Ella' ang pangalan ni Cinderella. She planned this. She wanted to get my attention. Gusto niyang hanapin ko siya."

"At gusto mong magpauto sa kanya?" napapantastikuhang sabi ng pinsan ko. "Feel na feel mo talagang magpaka-Prince Charming, 'no?"

"I like her."

Ano raw? Gusto raw ako ni Lex? May gusto na sa akin si Lex! Parang gusto kong mag-tumbling sa damuhan. Oo, malaki ang hinaharap ng babaeng nakilala niya noong isang gabi pero ako pa rin iyon dahil si Ella at si Sachia ay iisa.

Tumawa si Kuya Gerry. "Frustrated ka lang kasi hindi mo siya nadala sa kama kaya ka nagkakaganyan."

Ang sarap talagang paluin ng dos por dos sa ulo ni Kuya Gerry. Napaka-wholesome ng usapan namin ni Lex noong isang gabi. Kung gusto lang akong ikama ni Lex, hindi siya makikipagkuwentuhan sa akin tungkol sa fairy tales. Dapat ay Kama Sutra agad ang pinag-usapan namin.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon