Part 12

347 28 2
                                    

MEDYO hilo na ako nang kumuha ulit ng filled wine glass mula sa tray ng roving waiter. Mukhang ganito na lang ang gagawin ko sa pagtitipong iyon—iinom ng wine. Ayoko namang makipag-usap sa kahit sinong lalaking nagpapakita sa akin ng interes. Itinataboy ko silang lahat dahil hindi ko isinuot ang magical brang ito para sa kanila. In a span of an hour ay nakalimang wine glass na ako.

Wala akong natatandaang nagpakalasing si Cinderella sa kuwento pero nawasak na ang fairy tale ko the moment na matanaw kanina si Lex na napapaligiran ng naglalakihang boobs ng underwear models na rumampa sa mini-fashion show kanina. Ilang beses akong nagpaikot-ikot sa paligid nila pero ni isang sulyap ay hindi ako pinagkalooban ng lalaki. Aanhin nga ba niya ang boobs ko kung marami namang nakapaligid sa kanya?

Bumuntunghininga ako at nag-decide na umuwi na lang bago pa ako malasing nang tuluyan. Antok na antok na ako kaya tinawagan ko si Bambs at sinabihan itong sunduin ako. Baka makatulog ako sa taxi pauwi at magising na lang na wala nang suso at wasak ang puri.

Bumaba ako ng grand staircase na bumabagsak na ang eye lids. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa front door ng events hall para sa labas na lang hintayin si Bambs ay nabangga ako ng isang babaeng may malaking puwit. Akala ko ay mabubuwal ako sa sahig pero may malakas na bisig na humawak sa baywang ko at sumalo sa akin.

Napa-squint ako nang masilaw sa ilaw ng malaking chandelier. Hindi ko tuloy maaninag ang mukha ng lalaki dahil parang naging silhouette siya sa ilalim ng ilaw.

"Are you all right?" tanong ng isang pamilyar na tinig.

Biglang nawala ang antok ko nang ma-recognize ang boses. Kasabay niyon ay natakpan ng ulo ng lalaki ang ilaw kaya nasilayan ko sa wakas ang mukha niya. Ang napakaguwapong mukhang iyon na hinding-hindi ko pagsasawaang titigan.

My Prince Charming...

Magkahinang pa rin ang mga paningin namin nang maitayo ako ni Lex. Hawak pa rin niya ang baywang ko at ako naman ay nakahawak sa balikat niya. For a moment, akala ko ay namukhaan niya ako sa kabila ng makeup pero nang lumarawan sa mga mata niya ang paghanga, nakumpirma kong hindi niya nakikita si Sachia.

Napakalakas ng kabog ng dibdib ko nang mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo at kami lang dalawa ang tao roon. Ito ang sandaling pinapangarap ko—ang makita ang paghanga sa mga mata ni Lex habang nakatitig sa akin. Akala ko ay hindi ko na makikita ang ekspresyong iyon sa mga mata niya. Ang akala ko ay mananatili na lang iyong isang pangarap.

"Are you okay?" tanong ng lalaki.

"Y-yes," sagot ko sa pinaliit na tinig.

"Tipsy?"

"Yes."

Nasilip ko ang amusement sa mga mata ni Lex.

"I mean... I just had a few drinks. But I'm sober."

Sumilay ang munting ngiti sa mga labi niya. "Do you want to dance?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Sinabi ba ni Lex na gusto niya akong makasayaw? Ito na ba iyon? Magkakatotoo na ba ang fairy tale ko? Ako na ba ang napili niyang isayaw ngayong gabi? Kanina ko pa pinanonood si Lex pero wala pa siyang isinayaw na babaeng guest.

Ako na ba? Ako na ba ang mapalad na babaeng napili niyang maging prinsesa? Sa dinami-rami ng malalaki ang boobs sa pagtitipong iyon ay ang mga "papaya" ko ang masuwerteng napili niya?

"Sure!" sagot ko bago pa magbago ang isip ng lalaki.  

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon