Part 24

168 18 0
                                        


NGUMITI sa akin at sa mga katabi kong sina Bambs at Lolly ang fake Ella. Sabay-sabay naming ginantihan ang ngiti ng impostora, ngiting kasing fake nito. Nasa tabi ni Lex sa katapat na upuan across the table ang babae. Ang mesa sa pagitan namin ay puno ng iba't ibang klaseng cake slices at pastries. Pansamantala naming isinara ang bakeshop para sa "food tasting" na iyon.

Kuhang-kuha nga ni fake Ella ang makeup ko nang gabing iyon, ang makeup na nagawang itago ang tunay na hugis ng ilong at mga labi ko. Halos pareho kami ng shape ng mukha, body built at height. Pero kung bubusisiing mabuti, makikita ang differences nito sa tunay na Ella. Iba ang ngiti at ngipin ng impostora. Iba rin ang boses nito. Pero hindi ko masisisi si Lex kung nagoyo siya ng babae. Sandali lang niya akong nakasama at medyo madilim pa sa garden ng events venue kaya hindi siguro niya masyadong na-memorize ang maliliit na detalye ng physical features ko.

"Oh," maarteng sambit ni fake Ella habang pinararaanan ng tingin ang lahat ng nakahain sa mesa. "They all look so delicious. I can't wait to sink my teeth into all of them."

Gusto ko itong sabihan ng, "You're nothing but a second rate, trying hard copycat!" sabay ngudngod ng mukha sa baked goods ko para matikman nito lahat at once pero kailangan kong pakapigilan ang sarili.

"They're delicious," confident na sabi ni Lex kay fake Ella. "Favorite ko 'tong chocolate crinkles nila. And everything else are really good."

Kung makasabi naman si Lex, feeling suki. Eh, isang beses lang siya nagpunta rito. Kung hindi ko siguro siya dinalhan ng chocolate crinkles noong huli kong punta sa pad niya ay hindi ulit siya makakatikim ng baked goods ko.

Mukhang na-excite ang impostora. "Really?"

Dinampot ni Lex ang thong at kumuha ng isang crinkles para ilagay sa plate ni fake Ella. Mukhang kinilig naman ang huli sa pagsisilbi ng lalaki rito.

Pakiramdam ko ay may sumuntok sa dibdib ko sa nasaksihan. Sa gigil ko ay nadaklot ko ang hita ni Bambs at ibinaon ko ang mga kuko roon. Humiyaw ang beki at pilit inalis ang kamay ko sa hita niya. Natigil si fake Ella sa pagkagat sa crinkles at tumingin kay Bambs na nakangiwi at nandidilat sa akin.

"Are you okay?" tanong impostora sa beki.

Tumawa ako nang bahagya. "Don't mind Bambs. May menstrual cramps lang siya."

Halatang nagtaka si fake Ella at tumitig kay Bambs. "Meron ka?"

"Oo," nakangiwing sagot ni Bambs na feel na feel naman ang magkaregla. "Heavy flow nga ako ngayon, eh."

Tumawa si Lex. Nagdagdag pa siya ng blueberry tart at cream cheese brownies sa plato ng katabi bago naglagay ng crinkles sa sariling pinggan. Kilig na kilig ang japeyk!

Parang gusto kong dakutin ang mga inilagay ni Lex sa plato at isubong lahat sa bibig ko para hindi makain ng bruha. Ako dapat ang pinagsisilbihan niya nang ganoon dahil ako ang tunay na Ella!

Halatang nasarapan si fake Ella sa crinkles. "You're right, Lex. Masarap siya."

Sana pala ay nilagyan ko ng pamurga ang mga inihain ko.

Tumingin sa akin si fake Ella. "You're a good baker, Sachia."

And you're a good impostor, whoever-you-are, muntik ko nang sabihin. "Thank you."

"That's why," sabi ni Lex, "hindi ako nag-hesitate nang alukin ako ni Sachia na mag-invest sa bakeshop nila."

Ngumiti si fake Ella. "I'm so honored na isinama mo ako rito to taste the food. 'Feels like I'm part of your next business venture."

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon