BUMUNGAD sa akin ang mesmerizing smile ni Lex nang pagbuksan niya ako ng pinto. Bitbit ang chocolate crinkles na ginawa ko ay pumunta ako sa penthouse niya nang Linggong iyon. Actually, hindi lang baked goods ang baon ko, pati lakas ng loob.
Nag-decide kasi ako na aminin na kay Lex na ako si Ella. Nanaig din ang concern ko para sa kanya dahil patuloy siyang pinuputakti ng posers. Nagi-guilty rin ako dahil ako ang dahilan ng pag-aabala niya. Kailangan kong aminin ang ginawa ko para hindi na umasa pa si Lex sa fairy tale na hindi tulad ng inaasahan niya. Hindi ako karapat-dapat sa Brassierella Royal Bra—bukod sa hindi naman kasi talaga kakasya sa akin iyon.
Alam kong hindi maniniwala si Lex na may magic ang bra kaya kapag ipinagtapat ko sa kanya ang totoo ay hihingin ko ang brang naihulog ko para ipakita sa kanya ang mahika niyon. Isusuot ko iyon para makita niya ang pag-transform ng size ng dede ko. Kung anuman ang reaksiyon ni Lex sa ipagtatapat ko ay dapat kong tanggapin. Ginawa ko ito kaya dapat kong harapin ang consequences.
"Come in," yaya ni Lex na humakbang paatras para bigyan ako ng daan.
Tuloy-tuloy akong naglakad sa hallway hanggang sa bumungad sa akin ang spacious and luxurious pad ni Lex. Hindi iyon ang unang beses na nagpunta ako roon pero matagal na rin ang huling gawi ko roon at kasama ko pa si Kuya Gerry. Kaya naman na-amaze uli ako ngayon dahil sa improvements na nakita.
Naaalala ko noong college pa si Lex, sa maliit na condo unit lang na malapit sa school siya nakatira. May-kaya naman ang daddy niya noon pero ngayon ay bongga na si Tito Arman. Dahil naging milyonaryo ang anak ay yumaman na rin ito at damay pati ang ibang pamilya nito. Nag-asawa ulit si Tito Arman noong ten years old si Lex. Mabuti na lang at mabait ang stepmom niya kaya hindi nakakapanghinayang na naambunan ito ng grasya. Ang half-sister ni Lex na si Aleli ay nag-aaral sa States.
"Bakit naisipan mo 'kong bisitahin?" tanong ni Lex mula sa likuran ko.
Inabot ko sa kanya ang tatlong tubs ng chocolate crinkles na tinanggap naman niya. "'Di ba favorite mo 'yan?"
Sinipat ni Lex ang tubs. "Wow! Crinkles! Nagpunta ka rito para bentahan ako?" nakangising tanong niya.
"Tange, pasalubong ko 'yan sa 'yo. Hindi ka na kasi nagawi sa Sweetie Pie. Favorite mo kunwari pero hindi ka naman bumibili. Kaya binigyan na lang kita."
Hindi nawala ang ngisi niya. "Pumunta ka lang rito para bigyan ako nito? Ang sweet mo naman."
"May..." Nag-clear ako ng throat. "May sasabihin kasi ako sa 'yo."
"Ano 'yon?"
Bago pa ako makasagot ay niyaya ako ng lalaki sa living room. Umupo ako sa black sofa na sa sobrang lambot ay parang nangangain ng puwit. Dinampot niya ang remote control at itinapat sa window blinds. Nang bumukas iyon ay pumasok sa glass wall ang liwanag mula sa labas. Mula roon ay natanaw ko ang mga nagtataasang gusali. Sa gabi siguro ay napakaganda ng city lights doon.
"Gusto mo ng tsitsa?"
Umiling ako. "Nandito pa nga sa lalamunan ko 'yong kinain ko kanina." Dahil sa kaba ko sa nakatakdang gawin ay hindi yata bumaba ang kinain kong almusal.
"Juice? Para matulak 'yang kinain mo?"
"'Wag ka nang mag-abala."
Uupo na sana si Lex sa sofa pero parang biglang may naalala kaya hindi itinuloy. "Ay, teka!" Mabilis siyang humakbang palayo at pumasok sa isang silid.
Na-curious ako kung ano ang mayroon sa silid na pinasukan ni Lex. Hindi roon ang bedroom niya. Noong huling punta ko roon ay naka-lock ang pintong iyon kaya hindi ko nakita kung ano ang nasa loob. Ang sabi sa akin ni Kuya Gerry ay may kalokohang itinatago ang kaibigan sa kuwartong iyon. Tsismoso ang pinsan ko pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya itsinismis sa akin kung ano ang "kalokohan" na itinatago ni Lex doon.
Hanggang ngayon ay curious pa rin ako kung ano ang kalokohang iyon kaya tumayo ako at humakbang papunta sa silid. Bago ko pa mahawakan ang door handle ay bumukas iyon at bumungad si Lex na nabigla nang makita ako. Mabilis siyang lumabas at isinara ang pinto bago ko pa masilip kung ano ang nasa loob. Ang tanging nakita ko lang ay medyo dim ang ilaw sa loob.
"Bakit mo 'ko sinundan?" Nagdududa ang tingin niya sa akin.
"Ano 'yang room na 'yan?" turo ko sa pinto sa likod ng lalaki.
"Ah... my playroom."
"Playroom?"
Tumango si Lex.
Namilog ang mga mata ko nang ma-realize kung bakit hindi sinabi ni Kuya Gerry kung ano ang kalokohan na itinatago ni Lex sa kuwartong iyon. Kasi kung normal na playroom iyon na may video game system o billiard board, dapat ay sinabi ng pinsan ko at hindi na ako pina-curious pa.
"P-playroom? As in... Christian Grey, ikaw ba 'yan?" Hindi lang breast fetishism ang mayroon si Lex? Nag-e-engage din siya sa erotic practices gaya ng hot guy sa Fifty Shades Of Grey?
Kumunot ang noo ni Lex. "Christian Grey?" Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize ang kahulugan ng sinabi ko.
Itinulak niya ng daliri ang noo ko. "Sira! Wala akong pang-BDSM dito."
Nakahinga ako nang maluwang. "Eh, ano'ng itinatago mo riyan?"
Hindi nakasagot si Lex. Nakita ko ang pagtaas at baba ng Adam's apple niya.
"Bakit ayaw mong sabihin kung ano'ng nasa playroom mo kung hindi iba't ibang klaseng panghagupit at posas 'yang nasa loob?"
Tumawa siya. "Fine. Ipapakita ko sa 'yo but on one condition."
"Ano?"
"Don't tell anyone."
Lalo tuloy akong na-curious. "Okay. Promise."
"And... don't laugh at me."
"O... kay?" Mukhang 'kalokohan' nga talaga ang nasa loob.
"Seriously, don't laugh," seryosong bilin ni Lex.
"Okay."
Nagbabanta ang tingin niya. "Kapag tumawa ka... pipitikin ko ilong mo nang sampung beses."
Napangiti ako. Naalala ko noon na ang hilig mamitik sa ilong ni Lex. Kapag nagpupustahan kami ay nakakarami siya ng pitik sa ilong ko dahil lagi akong natatalo.
"Fine! Buksan mo na 'yan."
Parang nag-atubili pa si Lex na buksan ang pinto. Dahan-dahan pa sana niyang bubuksan ang pinto pero hinawi ko na siya para makita agad ang nasa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang napakalaking train track setup na yari sa LEGO! Halos pumuno iyon sa buong silid.
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomanceA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.