Part 23

159 15 0
                                    


KANDADULING kaming tatlo nina Bambs at Lolly dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin habang nakatingin sa iisang cellphone na hawak ng huli. Nagge-general cleaning ako sa bahay nang biglang dumating ang dalawa na lukot ang mga mukha na akala ko ay sabay na nagka-LBM at balak mag-unahan sa banyo. Mayroon daw latest update sa paghahanap ni Lex kay Dederella.

Alam ng lahat na itinigil na ni Lex ang paghahanap sa misteryosang babae kaya nagtaka ako. Ipinakita sa akin ng dalawa ang trending topic sa lahat ng social media apps. Natukoy na raw kung sino si Brasierella. At ngayon nga ay sinu-zoom in ko ang pictures at pinakatitigan ang babaeng nagpakilalang si Ella!

Kamukha ko nga ang babaeng ito nang gabing iyon! Oo, siguro ay nakuha sa makeup. Mukhang pareho rin kami ng built at height. Pero hindi iyon ang nakakagulat. Ang sabi sa Facebook news ay nasagot daw ng babae ang mga tanong ni Lex gaya ng ano ang bagay na naihulog ni Ella habang tumatakbo palayo nang gabing iyon at ano ang iniregalo kay Lex! At dahil doon ay in-acknowledge ng lalaki na ito nga si Ella!

"Nooooo!" tili ko.

Nagsilayuan ang dalawa na mukhang nabingi sa tili ko.

"Sino 'tong babaeng 'to?!" singhal ko sa dalawa.

May pinawi si Bambs sa pisngi gamit ang likod ng palad. "Laway mo naman, beshie."

"Sino ang hindi tatalsik ang laway sa ganitong balita?" nandidilat na sabi ko. "Paano nangyaring alam ng babaeng 'to na bra ang naihulog ko? Na briefs ang iniregalo ko kay Lex? Paano?!"

Worried na worried ang hitsura ni Lolly. "Nagulat nga rin kami, eh. Akala nga namin noong una, ikaw talaga 'yong nasa balita. Pero hindi ka naman magkakaroon ng ganoon kalaking boobs kung hindi mo na-retrieve ang bra. At saka imposibleng magpakita ka pa kay Lex kahit nabawi mo man 'yong bra. Kusa raw pumunta 'yang babaeng 'yan sa Sollera. Hindi ka ganoon kagaga para pumayag kang mag-viral nang ganyan."

"Real 'yong boobs niya," sabi ni Bambs. "Mukhang hindi m-in-agic."

Niyugyog ako ni Lolly. "Niloloko niya si Lex, bes. Ano'ng gagawin natin?"

Niyugyog din ako ni Bambs. "Beshie, paano kung ibigay ni Lex sa impostorang 'yan ang magical push-up bra? Hindi puwedeng mapasakamay ng kampon ng kadiliman ang brang 'yon."

"Paano kung," pagbibigay-ideya ni Lolly, "gawing girlfriend ni Lex 'yong makapal ang mukhang babaeng 'yon?"

No!!! Hindi puwedeng mangyari iyon!

Hindi nagpatalo si Bambs. "Paano kung tulad ng sa fairy tale na sa sobrang bilis ng pacing, eh, kasal agad ang sumunod na eksena? Tapos... and they lived happily ever after agad?"

Pagkarinig sa sinabi ni Bambs ay sumulak ang dugo ko. Tumaas-baba ang dibdib ko sa panic at galit.

"Hindi puwede 'to!" Marahas akong napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa. "Hindi ako makakapayag na lokohin ng impaktang 'yon si Lex!"

Tumayo rin ang dalawa.

"Ano'ng gagawin natin, bes?"

Nanlilisik ang mga matang muli ay tinitigan ko ang picture ng babae sa phone ko at inihagis iyon sa sofa. "Kailangan nang malaman ni Lex kung sino ang totoong Ella. Ipapakilala ko na ang sarili ko gaya ng pinlano ko two weeks ago." Humakbang ako papunta sa pinto.

"Hoy, teka!" Hinila ako ni Bambs. "Gaga, pupunta ka sa Sollera nang ganyan ang hitsura mo?"

Napayuko ako sa damit ko. Nakasuot lang ako ng lumang T-shirt na lukot-lukot at may butas pa sa balikat at shorts na marumi dahil sa kapupunas doon ng maruming kamay. Siguradong gulo-gulo rin ang pagkaka-bun ng buhok ko dahil maraming strands ang nakalaylay sa magkabilang gilid ng vision ko. Nanlilimahid na rin siguro ang mukha ko dahil pinagpawisan ako sa pagkuskos ng tiles sa banyo.

"Oo nga," puna ni Lolly. "Mukha ka ngang si Cinderella na inaalila ng madrasta at stepsis mo sa hitsura mo."

"Kulang na lang," sabi ni Bambs, "pumunta rito ang isa sa kawal ng mahal na prinsipe dala ang magical push-up bra para ipasukat sa 'yo."

"Wala akong pakialam! Kailangan kong i-save si Lex." Umakma akong itutuloy ang paghakbang pero hinila ni Bambs ang hair bun ko.

"Bukod sa hindi ka papapasukin ng guard sa Sollera building sa hitsura mo, hindi ka dapat magpadalus-dalos."

"Tama si Bambs," sang-ayon ni Lolly. "Kumalma ka muna. Mag-isip muna tayo ng gagawin natin."

Pinilit ako ng dalawa na bumalik sa pag-upo at sinubukang pakalmahin.

Hinagod ni Lolly ang braso ko. "Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina. Nag-panic lang din ako kaya ko nasabi 'yon. Hindi naman hindi basta-basta pumapasok sa isang relationship si Lex. Siguro naman kikilalanin niya muna, 'di ba? Kaya parang malabong yayain agad niyang maging girlfriend 'yong impostorang 'yon. Kaya lalong imposible 'yong sinabi ni Bambs na pakakasalan agad niya 'yon. Advance lang mag-isip 'tong baklang 'to."

"Nagsalita!" puna ni Bambs kay Lolly at pagkatapos ay tumingin sa akin. "Beshie, kailangan nating planuhin ang gagawin nating aksiyon."

"Ano'ng gagawin natin, aber?" impatient na tanong ko sa beki. "Magpapatumpik-tumpik pa tayo? Binalak ko naman talagang sabihin kay Lex ang totoo, 'di ba? Bakit hindi ko gawin ngayong kailangan na talaga niyang malaman?"

"Dahil ang sabi mo, sinabi niyang he trusts you. Kapag sinabi mo 'yong totoo sa kanya, mawawalan na siya ng tiwala sa 'yo. At kapag nasira ang tiwala ng isang tao, irreparable na 'yon. Kaya hangga't maaari, 'wag muna 'yong pagko-confess ng totoo ang gawin mo. Mag-observe muna tayo ng magaganap. Naniniwala ako na hindi totally maloloko ng bruhang 'yon—kung sinuman 'yon—si Lex. Eventually, malalaman din niyang impostor lang 'yon kapag nakilatis na niya nang maigi habang magkasama sila. Hindi damsel in distress si Lex at hindi ka si Prince Charming para i-save mo siya sa evil spell. Kaya huwag ka munang gumawa ng aksiyon ngayon hangga't hindi pa talaga kailangang-kailangan. Trust Lex, okay? He can save himself. Kung naloko man ng babaeng 'yon si Lex ngayon, baka bukas bokelya na siya kasi hindi naman talaga siya authentic na Dederella."

Medyo napahinuhod ako sa sinabi ni Bambs. Matalino si Lex at siguradong mabubuking din niya ang impostor. Hindi siya maloloko nang matagal ng babaeng iyon.

"Ang hindi talaga maarok ng isip ko," sabi ni Lolly, "eh, kung paano nalaman ng babaeng 'yon 'yong mga bagay na hindi d-in-isclose ni Lex in public."

"Oo nga," pag-agree ni Bambs. "Kailangan nating imbestigahan ang babaeng 'yon."

"Oo! Iimbestigahan natin ang impostor," naninigas ang mga pangang sabi ko.

"Paano?" tanong ni Lolly.

Mabilis akong nakaisip ng ideya. "Iimbitahan ko si Lex sa Sweetie Pie para sa food tasting bilang investor. Ipapasama ko sa kanya ang babaeng 'yon."

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon