Part 17

175 14 1
                                    


"AKO NA po ang magliligpit, Tita," sabi ko kay Tita Mercy nang magsimula itong magligpit ng pinagkainan namin ng almusal.

Maaga pa lang ay pumunta na ako sa kabilang bahay para makisalo sa agahan. Simula noong namatay si Papa ay madalas akong nagbe-breakfast sa kanila pero nang magtayo ako ng bakeshop ay sa Breakfast Table Café na halos katabi lang Sweetie Pie ako nagbe-breakfast kasama si Lolly. Pero ngayong araw ay naisip kong makialmusal sa tiyuhin at tiyahin ko dahil nandoon si Kuya Gerry.

Dalawang linggo na siyang naroon sa bahay ng parents dahil ipinare-renovate niya ang condo. First officer sa isang cruise ship si Kuya Gerry at kasalukuyang nasa bakasyon kaya patambay-tambay muna bukod sa pambababae.

"'Wag na, Chia," pagtanggi ni Tita Mercy. "Bihira ka lang mag-almusal dito kaya hindi mo kailangang kumilos. At saka, 'di ba ay may sakit ka noong isang araw? Baka mabinat ka."

Nakarating pala kay Tita ang pagsasakit-sakitan ko at siguradong ang anak nito ang nagsabi. Lumipad ang tingin ko kay Kuya Gerry na tumingin sa akin nang magbaba sa mesa ng basong ininuman. Naalala ko nang makasalubong ko siya sa party habang may kaakbay siyang bebot. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Siguradong hindi ako na-recognize ng pinsan ko dahil malaki ang dibdib ni Ella pero na-paranoid pa rin ako na baka nakita niya ang resemblance namin.

Tumayo si Kuya Gerry at lumakad palabas ng bahay. Sinundan ko siya dahil pumunta talaga ako roon para makasagap ng balita tungkol kay Lex. Umupo ang pinsan ko sa loob ng maliit na gazebo na may throwpillows at nagsimulang dumutdot sa cellphone.

Kanina habang kumakain kami ay tinanong ni Tita Mercy kung bakit hindi pa ako nagkakanobyo. Nadamay tuloy si Kuya Gerry nang sabihin ni Tito Gardo na wala siyang balak na mag-asawa o magseryoso man lang ng babae. Paano naman daw kasi siya makakapagseryoso ng babae sa linya ng trabaho? Ayaw raw nito ng long distance relationship. Kaya kapag nasa barko ito ay may girlfriend doon at kapag nandito ay may girlfriend dito.

Umupo ako sa kabilang parte ng upuan sa gazebo. "Kumusta 'yong party ni Lex, Kuya?" panunubok ko. Gusto kong malaman kung ano ang reaksiyon ni Lex pagkatapos kong maghulog ng bra nang hindi sinasadya noong isang gabi.

"Okay naman," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

Hinintay ko na magkuwento si Kuya Gerry pero hindi na niya dinugtungan ang sinasabi. "'Yon lang ang sasabihin mo?"

"'Di ba, nando'n din si Lolly? Ba't hindi mo sa kanya itanong?"

Natameme ako. Parang gusto kong ako mismo ang pumalo sa likod ng ulo ni Kuya Gerry kung ganitong wala naman pala siyang silbi.

"Ang sabi niya lang sa 'kin, halos kalahati ng party, wala si Lex sa ball. Nasaan siya? Hindi alam ni Lolly pero siguradong alam mo."

Ibinaba ni Kuya Gerry ang cellphone. "May na-meet siyang bebot kahapon. Um-attend pero hindi invited. Wala sa guest list. Hindi rin kilala ng kahit sinong taga-Sollera. Ni hindi niya nakuha 'yong contact number. Ang alam lang niya, 'Ella' ang pangalan. Basta na lang daw umalis. At alam mo kung ano'ng nakakatawa? Habang tumatakbo paalis 'yong babae, naghulog daw ng bra."

Parang gusto kong umapela. Hindi ako naghulog ng bra! Nahulog lang iyon nang hindi ko sinasadya! Tama si Bambs. Puwedeng isipin ni Lex na sinadya kong iwan ang bra ko for remembrance.

Nagkunwari na lang akong na-shock. "Bra? As in, naghubad ng bra 'yong babae?"

Ngumisi ang pinsan. "Naughty girl. Imbes na sapatos ang iwan gaya ni Cinderella, bra! Ngayon tuloy, mabaliw-baliw na sa kanya si Lex."

Nababaliw daw sa akin si Lex! "Mabaliw-baliw 'ka mo?"

Tumango siya. "Tinamaan siya ro'n sa misteryosang bebot. In fact, sinisimulan na niyang hanapin."

Kinabahan ako nang slight. "Hinahanap niya? Paano naman niya hinahanap? 'Wag mong sabihing hahanapin niya gamit 'yong bra na tulad ng kung paano hinanap ni Prince Charming si Cinderella?" Nagkunwari akong napapantastikuhan.

Tumawa si Kuya Gerry. "'Yon nga 'yong suggestion ko, eh. Kaso miski sa 'kin, ayaw niyang ipakita 'yong bra."

"Maganda ba 'yong girl?" kunwari ay tanong ko.

"Oo. Malaki ang boobs. Kaya natural lang na mabaliw 'yong lokong 'yon."

Talaga bang boobs lang ang nagustuhan ni Lex kay Ella?

"Siguro naman, hindi lang 'yong malaking boobs ang nagustuhan niya sa babaeng 'yon." Alam kong nag-enjoy si Lex na kausap ako nang gabing iyon. Hindi lang niya ako pinagnasaan, pakiramdam ko ay nagustuhan talaga niya ako.

Kumunot ang noo ni Kuya Gerry. "Teka. Dapat, 'di ba, nagseselos ka? Bakit parang boto ka sa babaeng 'yon para kay Lex?"

"Huh? Bakit naman ako magseselos?"

"Sus! Noong nakaraan lang, pinagtangkaan mong halikan si Lex habang lasing."

"Sinabi mo ba sa kanya 'yon?" nandidilat na tanong ko.

"Hindi. Ba't ko sasabihin? Ang alam niya, wala ka nang gusto sa kanya gaya ng gusto mong palabasin."

"Tanggap ko nang hindi mapapasakin si Lex. Kaya kung sinumang babae ang mahalin niya, basta masaya siya, okay lang sa 'kin."

Nagbuga lang ng hangin si Kuya Gerry at bumalik na sa pagdutdot sa cellphone.

"Paano niya hahanapin 'yong babaeng 'yon kung first name lang ang alam niya?"

"Bakit ba masyado kang interesado?" tanong niya habang nakatingin sa phone.

"Ikaw ba, hindi? Hindi ka ba curious sa babaeng 'yon? Kung sino siya at paano siya napadpad doon? At bakit siya tumakbo paalis nang midnight?"

Bumalik sa akin ang tingin ni Kuya. "Teka. Paano mo nalamang midnight noong umalis 'yong babae? Wala naman akong sinasabi, ah."

Natigilan ako pero mabilis ring nakaisip ng isasagot. "Naisip ko lang na midnight kasi inihambing mo siya kay Cinderella."

Halatang nag-isip siya. "Hindi ko ma-figure out kung ano'ng trip ng babaeng 'yon pero malamang may sira ang ulo no'n."

Hinampas ko ng unan si Kuya Gerry na nagulat sa ginawa ko. Nakakaasar. Napagkamalan pa akong sira-ulo.

"May... may lamok kasing dumapo sa 'yo," pagdadahilan ko. "Bakit mo naman nasabing may sira ang ulo ng babaeng 'yon?"

"Sino kasing babae ang pupunta sa party na magpapaka-mysterious nang gano'n, 'tapos bigla na lang aalis at mag-iiwan ng bra?"

May point siya. Kahit ako ay mapagkakamalan kong baliw ang babaeng iyon kung hindi ako iyon. "Pero baka naman hindi niya sinadyang mag-iwan ng bra. Baka... baka nahulog lang, malay mo."

"Paano mahuhulog sa sikip ng dibdib niya? Nakasalubong ko 'yong babaeng 'yon. Imposibleng nahulog lang ang bra niya."

Hinding-hindi nga naman maiisip ni Kuya Gerry na lumiit ang dibdib ni Ella kaya nakalas ang hook at lumuwang ang cup. At sa sobrang galaw habang tumatakbo ay nahulog iyon. Totoo ang sinabi ng matanda na kusang mahuhulog ang bra dahil walang pagkakapitan sa akin.

"Ano'ng balak ni Lex sa bra?"

"Malamang itago niya hanggang sa makita niya 'yong babae."

"Paano niya makikita 'yong babae kung wala siyang alam tungkol do'n kundi first name?"

"May official videographer sa party at saka merong mga nagvi-video gamit ang phone at FB Live kaya sabi ko sa kanya, hanapin niya 'yong footages na nahagip ng camera 'yong babae during the ball. 'Tapos i-post niya sa social media 'yong videos and still images n'ong babae. Ang caption, 'Help me find this girl.' Sigurado 'yan, kapag nag-viral, makikita agad niya 'yong babae. He said it's a good idea."

Pinigilan ko ang magpakita ng reaksiyon para hindi magtaka si Kuya Gerry pero nag-panic ako. Ibig sabihin ay kakalat sa Internet ang pagmumukha ko? Iba na nga pala ang panahon ngayon. Wala pang Internet at social media sa panahon ni Cinderella kaya hindi kaagad nahanap ito.

Pinakalma ko ang sarili. Hindi ako dapat mag-panic dahil kahit na makita nila ang pagkakahawig ng hugis ng mukha, built at height namin ni Ella ay imposibleng matukoy ng kahit sino na ako si Ella. Sino ba ang mag-iisip na ako ang babaeng iyon kung ga-monggo lang ang dibdib ko?

"Sandali nga." Tumayo ako. "Nawiwiwi ako."

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon