Part 26

145 13 0
                                    

ANG PLANO lang talaga namin ay ang tiktikan si fake Ella para malaman ang tunay nitong identity pero sa kasusunod namin ni Lolly sa impostora ay nalaman naming pampatulog ang binili nito sa nilabasang notorious store na nagbebenta ng illegal at smuggled goods. Parang black market ang shop na iyon na bagaman tago ay alam ng iilan. Naisip naming posibleng gamitin nito iyon para patulugin si Lex dahil may balak itong gawing masama sa binata.

Kaya naman tumawag kami ng backup—si Bambs. Kailangang full force kami kapag iniligtas si Lex sa kamay ng fake Ella na mukhang all along ay may binabalak na masama sa lalaki. Nakita namin ang impostora na pumasok sa isang coffee shop. Mabuti na lang at may parking lot sa tapat niyon. Doon namin inihimpil ang kotse habang hinihintay kung ano ang magaganap.

Matapos maghintay kung lalabas mula roon si fake Ella ay nakita namin itong in-occupy ang mesa sa tapat pa mismo ng glass wall. Naging pabor iyon sa amin dahil hindi na namin kailangan pang pumasok para panoorin ang gagawin nito roon. Dalawa ang dalang plastic cup ng impakta kahit mag-isa lang ito. Mukhang parehong iced coffee. Inilagay nito ang isang baso sa kabilang side ng mesa at ang isa ay sa harapan nito. May hinihintay ito. Malamang ay si Lex.

Naisipan kong itayo ang cellphone ko sa dashboard kung saan ay nakaharap ang camera sa windshield para i-video ang impostora.

Bigla ay naging malikot ang mga mata ni fake Ella sa paligid. Nang tumingin ito sa labas ay sabay-sabay kaming nagsitagong tatlo. Just in time na dahan-dahan kong itinaas ang ulo ay kitang-kita ko ang ginawa ng impostora. Palihim nitong ibinuhos ang laman ng botelya sa cup at sh-in-ake iyon. Pagkatapos ay pinagpalit nito ang dalawang cups.

Dinampot ni fake Ella ang cellphone, nag-dial at kinausap ang tinawagan. Mayamaya pa ay nakita na nga namin si Lex na nagparada ng kotse na katabi ng sa amin kaya mega tago ulit kami. Mabuti na lang at medyo tinted ang salamin ng kotse ni Lolly.

Sinundan ko ng tingin si Lex habang lumalakad papunta sa entrance ng coffee shop.

"Ano pa'ng hinihintay mo, Sachia?" yugyog ni Lolly sa balikat ko. "Lumabas ka na at pigilan si Lex bago pa siya mapatulog ng bruha!"

Ready na sana akong lumabas para habulin si Lex at iharang ang katawan ko sa pinto ng café pero umawat si Bambs.

"No!" kontra nito na nakaupo sa backseat. "Hayaan mo siya."

"Loka ka ba?" lingon ni Lolly sa beki. "Sinabi mismo sa akin no'ng tindero sa store after ko siyang bigyan ng one K na pampatulog ang binili ng babaeng 'yon!"

"Pampatulog lang naman. Hindi lason. Hayaan mong patulugin niya si Lex. Para may ebidensiya tayo sa masamang balak ng impaktang 'yon. Tatlo tayong witness sa gagawin niya. Nandito naman tayo para sagipin ang 'prinsipe.' Hindi natin papayagang maiuwi niya si Lex habang borlogs."

Mukhang na-realize din kaagad ni Lolly na may point si Bambs.

"Let's just stay here for a while and watch the show," patuloy ni Bambs na sumubo ng imaginary popcorn.

Right. Kailangan namin ng ebidensiya. Nakita naming umupo si Lex sa empty seat sa tapat ni fake Ella at nag-usap ang dalawa.

Ang lakas ng kaba ko habang nakatingin sa plastic cup na nasa harapan ni Lex. Para kaming nanonood ng palabas kung saan ay aware kami sa naghihintay na panganib sa bidang clueless sa magaganap. Nang damputin ng lalaki ang cup at isubo ang straw ay sabay-sabay kaming nagtiliang tatlo.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon