PARANG dyowang nakabuntot sa akin si Lex habang namimili ako ng mga damit sa department store. Siya rin ang humawak ng basket para sa akin. Feel na feel ko naman ang pag-iilusyon. Kada may tumitingin sa amin, parang gusto kong magpalipad ng buhok.
Nakasuot ng shades ang lalaki dahil ayaw niyang may makakilala sa kanya. Masyado kasi siyang sumikat noong panahong hinahanap niya si Ella. Minsan ay nadudumog siya ng mga babae sa mall na para bang isang matinee idol.
Nang dumaan kami sa shoe section ay may dalawang sales lady na nagsinghapan. Mukhang nakilala nila si Lex.
"Mars, 'di ba siya si Alexis dela Torre? 'Yong CEO ng Sollera?"
"Oo, mars, mukhang siya nga! Magpa-picture tayo, dali!"
Bago pa makaporma ang dalawang sales lady kay Lex ay humarang na ako sa kanilang dalawa.
"Excuse me. Hindi siya si Alexis dela Torre."
Kumunot ang noo ng isang babae at ang isa naman ay mukhang hindi naniniwala.
"Pero..." pagtatangkang umapela ng isa sa mga babae.
"Dyowa ko siya," sabi ko na lang para wala nang paliwanagan pa. "Kaya pigil-pigilan n'yo ang sarili n'yo dahil selosa ako. Baka hindi ko kayo matantiya."
Natameme ang dalawa at bumalik na sa puwesto.
Binalingan ko si Lex na nakatayo sa likod ko. "Tara na, babe!" Kumapit ako sa braso niya at hinila na siya palayo roon.
Bumitiw ako nang medyo nakalayo na kami. Nakita ko ang ngisi sa mga labi ni Lex.
"Alam mong sinabi ko lang 'yon para tigilan ka agad nila kaya 'wag kang ngingisi-ngisi riyan."
Nagsimula akong mamili at magsukat ng tsinelas. Kunwari ay balewala sa akin ang ginawa ko kaninang pagpapanggap na girlfriend niya pero ng totoo ay kinikilig ako dahil for a moment ay naging 'kami.'
"I know. And it's effective. Siguro dapat, palagi kitang isasama kapag pupunta ako ng mall."
Nagpakawala ako ng pekeng tawa. Ba't di mo na lang kaya ako dyowain? muntik ko nang sabihin. Ibinagsak ko sa basket na hawak niya ang tsinelas. "Diyan ka na lang. Babalikan kita." Tumalikod na ako.
"Bakit? Saan ka pupunta?"
Lumingon ako. "Sa underwear section. Ang awkward naman, 'di ba, kung makikita mo 'yong bibilhin kong panties?"
Tumawa si Lex.
Dinaanan ko lang ang puwesto ng Sollera. Doon ako bumili sa Lovelies. Dinampot ko ang on sale na panties set at inilagay sa bagong basket na ibinigay ng sales lady. Namimili na ako ng bra nang biglang sumulpot si Lex sa tabi ko.
Sa pagkagulat ko at muntik ko nang maitapon sa kanya ang brang hawak ko. Wala na siyang suot na shades. Namamangha ang hitsura niya habang nakatingin sa akin. Mabilis kong itinago sa likod ang bra sa kamay ko.
"Are you serious? Hindi ka sa Sollera bumibili?"
"Bakit? Required ba?"
Nagbuga ng hangin si Lex. "I thought you were my friend."
"Pa-'I thought-I thought you were my friend' ka pa riyan. Eh, ikaw nga, hindi ka nadadayo sa Sweetie Pie para bumili ng mga b-in-ake ko."
"Actually..." Sadya siyang tumigil at nagpakawala ng buntonghininga. "That is a different matter. Isa lang ang branch ng Sweetie Pie kaya hindi madaling mapupuntahan palagi pero ang Sollera, nationwide."
"Wala kasi kayong bra size ko!" napilitan kong sabihin sa tonong nagdaramdam. "Masyado kayong hard sa mga tulad kong... hindi well-endowed."
Kumunot ang noo niya at pagkatapos ay bumaba ang tingin sa dibdib ko. Mabilis kong pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.
"Ano ba'ng size mo?"
"Tse!" Tumalikod na ako at lumipat sa kabilang side ng mga nakasampay na bra. Iyon ang most dreaded question ko. And coming from Lex, parang ang sarap na lang maglahong parang bula.
Inagaw ni Lex ang hawak kong bra at tiningnan ang likod ng label. "AA?"
Mabilis kong hinila ang bra mula sa kamay niya. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko sa pagkapahiya. Kunsabagay, mahihiya pa ba ako? Eh, nakapa na ng bruhong ito ang dibdib ko noong napagkamalan akong nakatalikod. Nalaman na niya kung gaano kaliit ang dibdib ko kapag wala akong padded bra.
"Do'n ka na nga!" nandidilat na utos ko sa kanya.
Hindi umalis si Lex sa tabi ko kahit itinulak ko na siya. Nakita ko ang guilt sa mukha ng lalaki.
"I've told Bea we should provide all the sizes. Ang sabi niya, bihira lang daw ang mas mababa pa sa A--"
Nag-growl ako at binirahan siya ng layas.
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomantizmA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.