PINANOOD ko kung paano nanggigil si Bambs habang ini-scroll ang trending topics sa Twitter. Puno ang hashtag #Brassierella ng posts na nagke-claim na sila si Ella. Lahat ay mga mukhang dedeng tinubuan ng katawan. Mga impostora!
Napaka-creative ng ginawa ni Lex para mahanap ang kanyang "Brassierella." Pero nang dahil doon ay dinumog siya ng gold diggers, fans na patay na patay sa kanya, at mga gustong pumikot sa kanya. Walang ipinagkaiba sa kuwento ni Cinderella. Lahat ay gustong magsukat ng sapatos sa pag-asang magogoyo si Prince Charming.
Simula nang ilabas ni Lex sa Facebook ang ilang still images at footages mula sa party kung saan nasa frame ako at ilang description tungkol sa physical appearance ko tulad ng estimated height and weight ay marami na raw ang tumawag at nag-claim na sila ang misteryosang babae. Marami ang nainggit kay Ella dahil nagawa nitong mabihag ang puso ng "prinsipe." Kaya marami rin ang nagsamantala at gustong lokohin ang binata.
"Mga impakta!" naggigirian ang mga ngiping sabi ni Bambs habang nakaupo sa arm rest ng sofa. "Ano naman ang akala nila kay Lex, shunga? Malalaman niya kung nagpapanggap lang sila o hindi. Hindi nila maloloko si Lex!"
"Iyon naman pala, eh," sabi ni Lolly na katabi ko sa sofa. "Confident ka naman pala na hindi nila maloloko si Lex, ba't G na G ka?"
"Eh, kasi ang kakapal ng mukha nilang magpanggap. Mga pa-fame! Gusto nilang maangkin 'yong Brassierella bra na para bang korona 'yon. Ang mas nakakabuwisit, pati 'yong mga bruhang stepsis mo, nakikisali. Nagpapanggap rin silang ikaw kahit nandoon sila sa party. Kundi ba naman mga gaga."
Tumawa si Lolly. "Kung malalaman ng dalawang iyon na si Ella ay walang iba kundi si Sachia, siguradong luluha ng dugo ang mga iyon sa inggit at ngitngit." Inagaw nito ang cellphone ni Bambs at tiningnan ang mga naka-post sa Twitter. "'Yong iba naman, hanggang social media lang. Gusto lang talagang magpapansin. Pero ang sabi ni Gerry, meron daw talagang mga nagpunta sa Sollera at nagpakilala as Ella."
Nagbuga ng hangin si Bambs. "Ang kakafal!"
"Meron nga raw, nakasuot pa ng blue gown na may blue flowers sa off-shoulder noong nagpunta. Gayang-gaya 'yong gown ni Sachia."
Alam ko iyon. Sinabi sa akin ni Kuya Gerry. Gayang-gaya yata ang makeup ko nang gabing iyon kaya naging hawig nang slight. Mas malaman nang kaunti sa akin pero ang sabi ay nag-stress eating daw kaya nag-gain ng weight sa nakalipas na isang buwan. Pero nang tanungin kung anong bagay ang iniwan nito habang tumatakbo palayo nang gabing iyon ay mali ang isinagot nito. Hindi naman kasi ipinagsabi ni Lex sa public na bra ang naihulog ko.
"Inuulan daw sila ng prank calls," patuloy ni Lolly. "Saka may mga nagpapadala ng videos nila na akala mo nag-a-audition na maging model ng Sollera. Muntikan nang maging teaser ng porn videos sa kalalaki ng mga dede."
"Meron nga akong nakita rito," sabi ni Bambs, "nag-post ng picture ng nakaluwang dede niya na may nakasulat na 'I am Ella' across the cleavage. Ipagduldulan daw talaga ang dede? Kung alam lang niyang flat ang tunay na Ella."
Hinampas ko ang likod ng ulo ni Bambs na maarteng umaray. "Silipin mo na 'yong bine-bake natin sa kusina. Baka nasusunog na 'yon."
Nang pumunta sa kusina si Bambs ay tumingin ako kay Lolly.
"Ano'ng balak mo, Brassierella?" tanong ni Lolly. "Hahayaan mo na lang ba talagang putaktihin ang Prince Charming mo ng mga impostora? Okay lang ba talaga sa 'yong dumugin ng mga manloloko si Lex?"
Ilang araw na akong kinukumbinsi nina Bambs at Lolly na magpakilala kay Lex bilang tunay na Ella dahil hindi na nila ma-take ang pagdagsa ng mga nagpapanggap na ako. Gusto ko rin namang umamin pero natatakot ako. Pakiramdam ko ay madi-disappoint o magagalit sa akin si Lex kapag nalaman niyang ako ang babaeng iyon. Hindi na magiging tulad ng dati ang lahat sa pagitan namin. He would feel betrayed, for sure.
Nagkainteres lang naman talaga sa akin si Lex nang gabing iyon dahil malaki ang boobs ko. Kung flat ako—kahit gaano pa ako ka-bubbly at cool—hindi niya ako papansinin at yayayaing isayaw. Kaya kapag nalaman niyang hindi totoong malaki ang hinaharap ni Ella ay mawawala na rin ang interes niya. Lalo na kung ako pa iyon.
"Sinabi ko na sa inyo 'yong dahilan, 'di ba? Ang tagal rin bago ko siya napaniwalang wala na akong feelings para sa kanya, 'tapos biglang malalaman niya kung gaano ako kadesperada na mapagtuunan niya ng pansin para magawa ko 'yon. Ayokong magkasira kami ni Lex."
"Pero nagawa mo lang naman 'yon dahil sa true love. Gusto mo lang makasama ang lalaking mahal mo kahit isang gabi lang. Tulad nga ni Cinderella, 'di ba? Maiintindihan ka niya kapag ipinaliwanag mo nang mabuti."
"Pero, bes, walang problema sa boobs si Cinderella. Hindi siya flat at wala ring breast fetishism si Prince Charming. Hindi rin sila magkakilala bago ang ball kaya walang relationship na masisira. Iba ang sitwasyon namin ni Lex. At higit sa lahat, hindi ito fairy tale. Hindi kami nakatakdang mag-live happily ever after. Hindi ako magugustuhan ni Lex romantically, bilang ako."
"Pero paano kung, magically, magbago ang tingin niya sa 'yo kapag nalaman niyang ikaw 'yon? Bigla, makita ka niya bilang isang babae? Hindi aabot sa ganitong extent ang pinaggagawa ni Lex para lang mahanap ka kung hindi sobrang lakas ng tama niya sa 'yo. Kaya siguro naman, hindi lang basta-basta mawawala 'yon kapag nalaman niyang ikaw 'yong babaeng 'yon."
"Wish ko lang, ganoon ang mangyari. Paano kung hindi? Ayokong i-risk ang relationship namin ni Lex as friends."
Bigla ay may cellphone na tumapat sa mukha ko. Galing sa likod ko iyon at hawak ni Bambs. Nag-play ang video ng launching ng Brassierella sa isang parte ng speech ni Lex.
"I don't mind who you might be or what you've been hiding that you had to keep your identity a secret and run away that night."
"Isn't that statement enough to convince you?" tanong ni Bambs pagkatapos i-pause ang video. Umupo ito sa backrest at ibinagsak ang puwitan sa tabi ko sa sofa. "Ibig sabihin lang niyan, kahit ano pa'ng dahilan mo at maging sino ka man, tanggap ka ni Lex. Isn't that enough para mag-take ka ng risk?"
Matagal na tumitig ako sa kawalan. "Nasasabi lang niya 'yan kasi hindi pa niya alam kung sino talaga si Ella. Pero once na malaman niyang ako 'yon, alam kong madi-disappoint siya. Tanggap ko na, mga bes. Tanggap ko nang hindi ako mamahalin o pagnanasaan man lang ni Lex bilang ako dahil flat ako. 'Yong babaeng nakilala niya nang gabi iyon, hindi ako 'yon dahil may dede 'yon. Kaya hindi ko dapat ikasaya na hinahanap ako ni Lex dahil hindi talaga ako ang babaeng hinahanap niya kundi si Ella na may cup D. Kaya hindi na niya mahahanap 'yong babaeng 'yon forever. Mapapagod din siya sa kakahanap. Makakalimutan niya rin si Ella."
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomanceA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.