Part 7

355 32 1
                                        


Pagliko ko sa kanto ay may nakita akong isang matandang babae na inaagawan ng bag ng isang payatot na lalaki. Mabilis akong lumapit at hinablot ang buhok ng lampayatot na snatcher. Sinipa ko ito palayo at bumalandra ito sa lupa. Mabuti na lang at hindi gumanti ang walanghiya. Tumakbo agad ito nang magsisigaw ako ng, "Magnanakaw!" at "Pulis! Tumawag kayo ng pulis!"

Tinulungan kong makatayo ang matanda na nabuwal sa sahig kanina sa pakikipag-agawan sa bag. Napansin kong kakaiba ang aura ng matanda. Nakasuot siya ng turban na ethnic ang style ng tela, dangling stone earrings, patong-patong na mga kuwintas na may gemstone pendants na iba't iba ang kulay at bestidang may ethnic design. Baka reyna ng tribu ang matandang ito na naligaw sa Metro Manila. Sa tantiya ko ay nasa line of seven na siya.

"Salamat sa pagliligtas mo sa akin," sabi ng matanda. Bagama't nagpapasalamat ay hindi siya nakangiti. "Napakatapang mo."

"Hindi naman po. Nagkataon lang na payatot 'yong lalaki at mukha namang walang dalang kargada kaya naglakas-loob lang ako. Gabi na po, lola. Dapat, hindi na kayo gumagala-gala sa gabi na nakasuot pa ng mga ganyan," tukoy ko sa mga kuwintas niya. "Kaya tuloy gusto kayong nakawan, eh. Baka akala n'ong adik na 'yon, tunay na gemstones 'yang suot n'yo."

"Tunay nga ito."

"Taray." Hindi ako naniniwala.

Tinitigan ng matanda ang mukha ko at pagkatapos ay bumaba ang paningin sa dibdib ko. Nagtagal doon ang tingin niya habang nakaangat ang isang kilay. Pati matanda, dyina-judge ako dahil wala akong dede. Nakakapikon na talaga.

"Tutal ay iniligtas mo ako, mayroon akong gustong ibigay sa 'yong regalo bilang pasasalamat sa kabayanihang ipinamalas mo."

Parang alam ko na ang ibibigay sa akin ng matanda. Isa sa kuwintas niyang fake gemstone.

"'Wag na po kayong mag-abala, lola. Hindi po ako nanghihingi ng kapalit. Hindi po ako nagsusuot ng ganyang klaseng kuwintas."

"Hindi naman kita bibigyan ng kuwintas."

"Ah..." Napatingin ako sa dangling earrings niya. "Hindi rin po ako nagsusuot ng ganyang hikaw."

"Hindi rin hikaw ang ibibigay ko sa 'yo."

"Turban?"

"Hindi rin." May dinukot itong parihabang kahon mula sa malaking tote bag.

Alanganing tinanggap ko iyon. "Ano po ito?" curious na tanong ko.

"Buksan mo at nang malaman mo."

Nang buksan ko ang kahon ay tumambad sa akin ang isang pink strapless underwire bra na may frills sa edges. Inilabas ko iyon sa kahon para sipatin. Nag-init ang ulo ko nang matuklasang napakalaki ng cup size ng bra. Sa palagay ko ay cup D iyon.

"Lola, nang-aasar ba kayo? Nakita n'yo nang flat-chested ang tao, bibigyan n'yo ng bra na may pagkalaki-laking cup size?"

"Gusto mo na maging ganyan kalaki ang suso mo? Isuot mo 'yan."

Tumawa ako kahit naaasar ako. "No, thanks. 'Yong Wonderbra nga na binili ko noon, hindi nakayang palakihin nang husto ang dibdib ko, ito pa kayang baduy na brang ito?"

"Hindi kakayanin ng normal na bra na palakihin ang suso mong flat."

Naningkit ang mga mata ko. "Pasalamat kayo, matanda kayo kundi..."

"May taglay na mahika ang brang iyan."

Natigilan ako. "Ano 'ka n'yo?"

"Bingi ka ba? 'Sabi ko, mahika."

Bigla kong naalala ang sinabi ni Bambs na kailangan ko ng magician para lumaki ang dede ko.

"M-magic?" natitigilang sambit ko.

"Oo."

Sinipat ko ang bra. "May magic po 'to?"

"Oo nga. Paulit-ulit?"

"As in, kapag isinuot ko po 'to, lalaki ang dede ko?"

"Oo nga. Isa pa at tatamaan ka na sa 'kin."

Nagtatawa ako. "Si Lola, oh... Tanda n'yo na, nagbibisyo pa kayo."

"Ano'ng pinagsasabi mo? Kung ayaw mong maniwala, akin na 'yan." Umakma siyang babawiin ang bra pero iniwas ko iyon.

"Ibinigay n'yo na, babawiin n'yo pa." Sinipat ko uli ang bra. "Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng design ng bra. Sige, kukunin ko na po 'to." Isinuksok ko uli iyon sa kahon.

"Gamitin mo 'yan sa mabuting paraan."

"Lola, kahit sa masamang paraan hindi ko ito magagamit dahil hindi kakasya sa 'kin."

"Tandaan mo 'to. Gumagana lang ang mahika ng brang iyan mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dose ng hatinggabi."

"Ay, nalo-low batt? Rechargeable?"

"Kaya bago sumapit ang hatinggabi, kailangan mo nang hubarin iyan dahil kusang malalaglag iyan kasi ay walang pagkakapitan sa 'yo kapag bumalik sa dating liit ang suso mo."

Pinigilan ko na lang na patulan ang matanda. Hindi man lang siya nagpaalam. Basta na lang tumalikod at naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiko sa kanto at mawala sa paningin ko.

Naalala ko na baka balikan ng adik ang matanda kaya naisipan kong samahan muna siya hanggang sa makasakay pero nang sundan ko ang nilikuan ng matanda ay hindi ko na siya nakita pa roon.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon