"Ano na plano mo, teh?" Seryosong tanong nila sa'ken habang inaabangan ang isasagot ko.
Napakunot ang noo ko. "Anong plano? Para saan?"
Nakita kong sabay sabay silang napafacepalm at napabuntong hininga. Nagbulungan pa sila na para bang ang tanga ng isinagot ko.
"Para kanino pa? Eh di para sa mahal mo!" Sambit ni Ellah sa'ken. Sabay sabay silang ng tanguan dahil sa sinabi niya.
Nawala ang pagkunot ng noo ko. Napalitan ito ng isang malungkot at pilit na ngiti. "I gave up on him, already. Wala ng rason para ipaglaban ko pa siya. May mahal na siyang iba."
Sabay sabay na bumusangot ang mukha nila. "Gano'n na lang 'yon? Susuko na agad?"
"Paano kapag mahal ka pa rin niya?" Dagdag naman ni Nicole.
Nagkibit balikat at marahang umiling. "Hindi rin. Sigurado akong hindi na niya ako mahal."
"Mahal mo pa rin ba?" Tanong ni Nicks na ikinakirot ng puso ko.
Ngumiti ako ng mapait. "Sobra."
"Then why give up? Kung alam mo naman sa sarili mo na mahal mo pa, bakit hindi mo ipaglaban?" Sabi ni Ellah. Nagtanguan ulit 'yung dalawa dahil sa sinabi niya.
I let out a deep sigh. "Wala ng point kung ipaglalaban ko pa. Masaya na siya, ayoko ng guluhin pa."
"Do you think he's happy? Alam mo ba kung ano 'yung side niya? Naklaro mo na ba na hindi ka na niya mahal?" Sunud sunod na sabi ni Nicole sa'ken.
Agad na napailing ako pero naiirita na ako sa mga sinasabi nila. Why can't they just let me move on and be happy? Bakit ba nila pinipilit ang hindi na pwede?
"Hindi na nga ba talaga pwede?" Sabi ng konsensya ko kaya agad kong nasapok ulo ko. Lesheng konsensyang 'to, nagsasalita hindi naman kinakausap. Papansin lang?
"Ano ba guys? Bakit hindi niyo 'ko tinitigilan? Ano bang pinopoint out niyo? Diretsuhin niyo nalang kaya?"
"Our point is, hangga't hindi mo pa nalalaman ang side ni Daniel at hindi mo pa nakaklaro kung mahal ka pa ba niya, you should not stop!" Sabi ni Nicks.
"Baliw ba kayo? Ayaw ko ng masaktan! Sawa na akong magmukhang tanga! I'd rather move on than make things more complicated." Iritableng sabi ko.
"I'm not that desperate. Sorry, pero ayoko na talaga." Agad na tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad na ako palayo dahil sa inis.
Tsk. Bakit ba kasi iniinsist nila 'yon? Why won't they just be happy sa desisyon kong tuluyan ng pakawalan ang taong mahal ko? Bakit sila gano'n? Nakakairita!
Buo na ang desisyon ko, eh. Papakawalan ko na siya. Gusto ko maging masaya siya. This is because I love him that's why I'm willing to let him go.
...but that's all I thought.
Hindi ko napigilan ang luha ko habang tumatakbo ako palayo. Now I know. Alam ko na kung bakit siya naging ganito. Alam ko na ang rason kung bakit ganito niya ako tratuhin.
Humihikbi ako habang tumatakbo. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko at naguguluhan ako.
"Fine! I agree with your plan. I won't stop until he come back to me." Naiiyak na sabi ko na ikinabigla nilang lahat. Lahat sila nagpanic noong makita umiiyak ako.
"H-ha? Bakit? Anong nangyari?" Halatang naguguluhan sila dahil sa sinabi ko.
Pinunasan ko ang luha ko gamit ang braso ko. Hindi ko sila sinagot at umupo nalang ako sa tabi nila.
"I'll make him fall for me, again. This time it'll be real." Ngumiti ako ng mapait at naramdaman ko ang luha ko na tumulo ulit. "Gusto kong bumalik siya sa'ken. Gusto kong maalala niya ako. Gusto ko ipamukha sa kanya na ako, ako ang mahal niya."
Mas lalo silang naguluhan dahil sa sinabi ko. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka dahil sa biglaang pagbulalas ko ng plano ko.
"Wala akong pakealam kung magmukha akong desperada. I'll make him remember what he just lost. I'll do whatever it takes para bumalik siya sa'ken." Diretsahan at seryosong sabi ko.
"S-So what's your plan?"
Ngumiti ako ng mapait. Pinunasan ko ulit ang luha ko and I smiled. A smile full of courage an determination.
"My plan?" I asked. Nakatingin sila sa'ken ng seryoso habang inaabangan ang isasagot ko.
"I'll make him come back to me, .... that's my plan."