Nakatanga ako. I don't know what to react. Pinaghalong kaba, nerbyos, at gulat ang nararamdaman ko ngayon.
Nakanganga pa rin ako sa pangyayari. Wala na siya sa harapan ko, nakita kong nakikipaglaro na siya sa tatlong mga bata sa playground.
Halatang masaya at totoo ang ngiti na nakita ko sa mukha niya. Nakatayo lang ako doon na parang tuod habang pinagmamasdan sila.
Naisara ko ang bibig ko at hindi ko napigilan ang pagngiti ko habang sinusulyapan sila. Mukha talaga siyang tatay sa ginagawa niya.
Naramdaman kong mainit pa rin ang pisngi ko matapos ng nangyari kanina.
So, he really is jealous, huh? And now, siya pa talaga ang nagkonpirma. This time, I don't need to assume.
Hindi na ako umasa, kasi siya na mismo ang nagconclude na totoo ngang nagseselos siya. Hindi ko lang alam kong seryoso ba 'yon or what.
Basta ang alam ko ngayon, masaya na ako. Ayos na ba kami sa lagay na ito? P'wede ko na ba siyang tratuhin ng gaya sa dati? A-Anong gagawin ko? Papaano ko siya i-aapproach?
"Ate Kath!" Lumapit sa akin si Arianne. "Sali ka sa'men, maghahabulan kami."
Hindi ako nakapagreact kasi hinila na niya agad ang kamay ko palapit sa mga kapatid ko na kasalukuyang nakikipagharutan kay Daniel.
"Heto na si ate Kath! Kompleto na tayo, let's play!" Masiglang sabi ni Arianne.
Pumwesto na sila, pati na rin si Daniel na akala mo ay excited sa laro na parang bata. Hindi ko maiwasang mapangisi.
Nagsimula ng magturuan kung sino ang maghahabol. Halatang lahat ay nag-aabang kung sino ang magiging taya.
Nagulat ako noong matapat sa akin. So it means na ako ang maghahabol. Rinig ko ang halakhakan nila na tumatakbo na palayo sa'ken.
Nagpalinga-linga ako, hindi ko alam kung sino ang hahabulin ko. Sino ba?
Napalunok ako ng laway noong matanaw ko si Daniel. Mukhang inaabangan niya rin kung sinong hahabulin ko. H-Hahabulin ka ba siya? Hindi ba nakakahiya 'yon?
I bit my lip at ibinaling ko ang tingin ko sa mga kapatid ko. Safe choice. Sila nalang ang hahabulin ko.
Naghiyawan ang mga kapatid ko noong makita nilang tumatakbo na ako palapit sa kanila. Hindi ko napigilang matawa sa mga reaksyon nila.
"Ang daya naman ate!" Hiyaw ni John na tumatakbo ngunit hinahabol ko. "Dapat si kuya Daniel hinabol mo para fair!"
Pinagtaasan ko siya ng kilay pero ngumisi ako. "Fair ba 'yon? Kung gano'n rin naman pala, e 'di sana kami nalang dalawa ang naghabulan."
Tumatawa si John habang hinahabol ko. Minsan hinahabol ko si Jen kasi pasulpot sulpot siya. Tawa sila ng tawa. Mabilis silang tumakbo kasi sanay sila sa mga gan'to, lagi ko kaya silang hinahabol sa bahay para maligo sila.
Medyo binagalan ko pero nung naisip kong baka mabored sila ay binilisan ko na. Unang tinaya ko ay si John.
Binelatan ko pa siya para maasar siya. "No balik-bayan, ah!"
Tumawa siya at tumango. Tumakbo siya palayo sa akin. Hayahay na ako kasi hindi niya akong p'wedeng tayain kasi ako ang nakataya sa kanya.
Nakita ko siyang tumatakbo palapit kay Daniel. Si Daniel ayaw talagang magpataya. Ngumisi ngisi pa siya kasi hindi siya maabot ni John. Sumuko na si John kaya si Arianne nalang ang tinaya niya.
Nataya si Arianne kaya naman tuwang tuwa si John. Hindi na siya magpapakahirap maghabol.
Nakita kong tumakbo si Arianne patungo kay Daniel. Tawang tawa naman si Daniel kasi hindi talaga siya nagpapataya.