Chapter 40 : Awkward Parenting

140 13 3
                                    

Nakita kong bahagyang nagulat siya noong binanggit ni tita ang pangalan ko.

Luminga linga siya at kinabahan ako noong binaling niya ang tingin niya sa'ken. Nanigas ako sa kinatatayuan ko noong magtama ang mata namin.

He stiffened when he saw me. Mukhang 'di niya rin ineexpect ito.

"Aalis na ako, ah?" Binaling ni tita ang mata niya kay Daniel. "Daniel, 'nak. Kayo na bahala rito ni Kathryn, ha? Thank you."

Matapos mangyari iyon ay naglaho ng parang bula si tita sa paningin namin. Naiwan kaming nakatayo at nakatanga lang habang gulat pa rin na nakatingin sa isa't isa.

Kami lang dito ngayon, kasama ang tatlong batang babantayan namin.

Parehas lang kaming nakatayo. Nagbago lang 'yon nung biglang lumapit ang tatlong bata kay Daniel at niyakap siya ng mga ito.

Nakita ko ang gulat sa mata niya nung mangyari 'yon. Hindi ko alam pero itong senaryo namin, mukha siyang tatay na sinalubong ng mga anak niya.

Namula ako with that thought. Wow. So, nag-aassume ako na ako ang ina? Tch.

"Kuya Daniel! Namiss kita! Sobra!" Nakayakap pa rin ang mga kapatid ko at si Arianne kay Daniel.

Mukhang hindi niya talaga alam at kinalimutan niya rin sina John at Jen. Nakita kong tinignan niya ako na mukha bang nagtatanong.

Kinabahan naman ako agad. Magsasalita ba ako? Kakausapin ko ba siya? A-Ayos lang bang gawin ko 'yon matapos ng nangyari kahapon?

Napalunok ako ng laway. "M-Mga kapatid ko." 

Bahagyang tumango siya at muling binaling ang tingin niya sa mga bata.

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. Totoo ang mga ngiting iyon. Kumalabog naman agad ang puso ko noong makita ko ang ngiti niyang iyon.

Nakita kong hinimas niya ang mga ulo ng mga bata. Nakangiti pa rin siya habang ginagawa iyon. "Namiss ko rin kayo."

Nanlambot ang puso ko sa nakita ko. Akala ko tatanggi siya at sasabihin niyang hindi niya kilala kung sino 'yon. Ginawa niya siguro 'yon para hindi masaktan sila.

Mas lalong humigpit ang yakap nila kay Daniel. Niyakap naman ni Daniel sila ng pabalik.

Sa eksena ngayon, gusto kong maiyak. Just by watching them, sobrang saya ang naramdaman ko.

Napatingin ako sa may orasan. Malapit na magtanghali, magluto kaya ako?

"I'm hungry." Komento ng nakangiweng si Arianne. Sinang-ayunan naman siya ng mga kapatid ko.

Mukhang napagod siguro sila kakalaro kanina. Awkward na nakaupo lang kami ni Daniel sa sofa. Sobrang layo ng gap namin.

Ayokong lumapit sa kanya. Kulang nalang ay isiksik ko sa kadulu-dulohan ang sarili ko sa sofa.

Tumayo na ako nung maisip kong magluluto na ako. Nakita kong napalingon si Daniel sa akin na mukhang magtatanong kung anong gagawin ko.

Napalunok ako ng laway. "M-Magluluto na ba ako?"

Nakatitig lang siya sa'ken. Mukha akong tanga na hinihintay ang isasagot niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Mukhang wala talaga siyang balak na kausapin ako.

Naglakad na ako papuntang kusina nang biglang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

Kusang kumalabog ang puso ko sa simpleng hawak na iyon. I shivered a little. Binaling ko ang tingin ko sa kanya.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon