KATHRYN'S POV"Mga itsura niyo." Tawa niya habang tinitignan kami na nakatulala sa kanya. "Masyado bang nakakagulat kagwapuhan ko?"
Unti-unting naglaho ang pagkagulat sa mukha namin at napalitan ito ng pagkabusangot.
"Ulol/Gago." Sabay naming sambit ni Daniel sa pagmumukha niyang ang sarap ilublob sa kumukulong mantika.
Naglaho ang ngiting aso niya at napangisi siya habang umiiling iling. "Gandang pambungad, ah? Wala man lang 'I miss you' o kaya 'Musta'?"
"Siraulo/Shut the fuck up." Sabay naming sabi at parehas naming inirapan ang gagong nasa harapan namin. Minsan iniisip ko kung paano ko kaya mapapatay 'tong si Jerome, eh. Pero masamang damo nga pala siya kaya matagal patayin ang hinyupak na 'to.
"Nakakadalawa na kayo, ah! Grabe na kayo! Huhuhu! 'Di niyo man lang ako na-miss?" Pabebeng sabi niya habang nagdadrama.
Ipinaikot ko ang mata ko dahil sa kacorny-han niya. "Nyemas, hinayupak ka pa rin, Jerome."
Nakangising tumingin sa'ken si Jerome at bumaba sa kanyang sasakyan. Dali-daling nilapitan niya ako at inakbayan. "Hihihi. Namiss mo lang ako, eh."
"Mukha mo!"
Itinulak ko ang mukha niya palayo sa'ken kaso baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masapak ko mukha niya.
"Gwapo. Hehe." Banat niya.
"Gago kamo!" Pambabawi ko kaya nagpout siya na parang tanga.
Putspa! Nagpuppy eyes pa ang kulugo! Pucha, mukhang labrador! Nakangiwe lang ako habang pinandidirian ang kabebehan ni Jerome.
Lumapit pa si Jerome sa'ken at umakbay siya sa'ken habang ginugulo ang buhok ko, todo layo naman ako kaso malakas ang hayuf kaya wala nalang akong nagawa.
"Wait, you know each other?"
Natigilan ako noong marinig kong magsalita si Daniel na nakakunot noo na tinitignan kaming dalawa.
Ngumisi si Jerome at umakbay ulit sa'ken. Inilapit niya ako sa may tabi niya habang nakangiting aso.
"Yes baby bro? Why?" Malanding sabi ni Jerome na tila ba nang-aasar kay Daniel. Napairap nalang ako sa kawalan.
Tch. If he's planning to make Daniel jealous, it will not work. Hindi ako matandaan ni Daniel kaya imposibleng magseselos 'yan. And besides...may mahal na kaya siyang iba.
Nakita kong napatingin si Daniel sa pagkakaakbay ni Jerome sa'ken. Nagulat ako noong bigla siyang nang-irap. Wait.. what's with that?
"Why? You jealous, bro?" Ngiting asong saad ni Jerome sa kanya habang mas lalong inilalapit ang katawan niya sa'ken.
Nagseselos ka ba? Do I still have the same effect on you?
Tumingin ulit siya sa aming dalawa pero halos matunaw ako sa kinatatayuan ko noong bigla niya akong tinignan. Mata sa mata. Kinilabutan buong pagkatao ko do'n.
Nakatingin lang siya sa'ken ng diretso sa mata ko kaya wala sa sariling napalunok ako ng laway dahil sa sobrang kaba.
Ngumisi siya habang tinitignan ang mata ko. Isang pilyo at malokong ngiti. "Why would I get jealous? I don't even know her."
Pakshet, ang saket.
Umiwas siya ng tingin pero hindi nawala ang pilyong ngiti sa labi niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Seryoso ko siyang tinignan pero hindi ko ipinahalata na nasaktan ako sa sinabi niya.