Chapter 18 : Stuck

121 10 0
                                    


Naghahabol ako ng hininga. Naghalo na ang pagod at lamig na nararamdaman ko. Para akong namamanhid. Idagdag mo pa na ang init ng pakiramdam ko. Ewan ko ba, basta magulo.

Tumayo na ako at nagsimula na akong hanapin ang necklace ko. Ginalugad ko ang silid na pinasukan ko. Ilang minuto na ang lumipas at halos mabaliw na ako dahil hindi ko ito mahanap.

Nasapo ko ulit ang ulo ko. Sa laki ng unibersidad na 'to, mahahanap ko pa kaya ang necklace ko?

Ilang minuto ulit ang nakalipas at tuloy pa rin ako sa paghagilap sa silid na iyon. Makikita ko sa labas na tuloy pa rin sa pag-ulan at dumidilim na ang paligid.

Maya-maya, napagdesisyunan kong maghanap na sa may corridor.

Palabas na sana ako nang biglang kumulog ng malakas. Kitang kita ko ang kidlat mula sa bintana ng silid kasabay noon ang pagkamatay ng ilaw. Sinubukan kong buksan ang ilaw ulit ngunit ayaw na nitong umilaw.

Bahagyang nagulat ako at naramdaman ko ang malakas na hangin mula sa labas. Isang malakas na kalabog ang narinig ko, nagulat ako noong biglang sumarado ang pinto dahil sa lakas ng hangin.

Tumakbo agad ako papunta roon upang buksan ito ngunit laking gulat ko noong hindi na ito mabuksan.

Syet! Na-lock ako sa loob! Oo nga pala, sira pala ang lock ng pintuan sa silid na ito.

"Tulong! May tao po sa loob!" Kinalabog ko ang pinto at nagbakasakali akong maririnig ako ni manong guard.

Pero ilang minuto na akong nagsisisigaw ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto.

Agad na kinabahan ako dahil doon. Mukhang wala ng tao sa loob ng campus. Kung may guard man, malamang nasa labas pa iyon at malabong marinig ako.

Sinubukan kong buksan ang cellphone ko pero agad itong namatay. Pisti.

Sinapok ko ulit ang ulo ko. "Ugh! Tanga! Tanga mo!"

Napaupo ako sa gilid, sa may sulok ng silid at niyakap ko ang buong sarili ko. Shet, wala namang kaso sa'keng matulog dito, ang akin lang ay nilalamig na ako.

Wala naman sigurong makakakita sa'ken kung tatanggalin ko ang blouse ko 'di ba? Atsaka may sando pa naman ako sa loob.

Nagsimula na akong tanggalin ang blouse ko dahil sa lamig. Luminga linga ako sa paligid at napabuntong hininga ako dahil wala namang tao.

Tanging sando nalang ang suot suot ko ngunit nilalamig pa rin ako dahil sa basa ito. Luminga ulit ako sa paligid at nagdalawang isip ako kung tatanggalin ko ba ito o ano.

Sa huli, naisipan kong tanggalin nalang ito. Wala namang tao at maririnig ko naman kung may parating at for sure kailangan pa ng susi para mabuksan ito.

Muli akong nagpakawala ng buntong hininga. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng tanggalin ang sando ko kaya tanging bra ko nalang ang suot ko, idamay mo pa ang skirt ko na basa rin.

Napangiwe ako sa sarili ko. Shet. Mukha akong porn star sa lagay na ito. Idagdag mo pa na 'yung design ng bra ko ay parang 'yung sa mga mahaharot na design. Ugh! Bakit ko ba kasi binili 'to?

Tumayo na ako at naisipan kong isampay na ang mga basa kong damit sa may upuan kaso natigilan ako noong makarinig ako ng kalabog sa may pinto.

Nagtindigan ang balahibo ko dahil insip ko na baka minumulto na ako.

"S-Sino 'yan?!" Lakas loob na sigaw ko. "H-Hindi ako natatakot sa'yo!"

Ilang segundo at tumahimik ang paligid. Pero nagulat ako noong biglang kumalabog ulit ito.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon