Nakatayo pa rin ako na parang tuod habang nakatingin sa kanila.
Nakaawang ang bibig ko at hindi ko matanggal ang tingin ko kay Daniel at sa babaeng kasama niya.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, kasabay noon ang sakit na nararamdaman ko.
Pakiramdam ko may matulis na bagay na tumutusok sa puso ko ng paulit-ulit. At habang patagal ng patagal, mas lalo itong sumasakit.
Pilit kong iniisip na walang ganoon na nangyari pero hindi ko magawa.
So ano? Naglaro sila ng habulan kaya naging ganito itsura nila? Nagjack-en-poy ba sila sa loob? Baka naman nagpatintero sila?
Punyeta. Wala akong maisip na ibang rason kundi iyon lang.
"I said, what are you doing here?" Pag-uulit niya. Nakita kong iritable na ang mukha niya.
Nararamdaman kong naiinis siya sa akin. Bakit? Dahil ba sa nabitin sila? Dahil nahuli ko sila na ganito?
Halo-halo ang naramdaman ko. Naiirita ako sa kanya dahil umasa ako doon sa chance na tinutukoy niya kagabi tapos maabutan ko siyang ganito?
Eh ulol pala siya, eh! Nakakairita, bwisit!
Matapos ng mga kabutihang pinakita niya sa'ken. Matapos lahat lahat ng pag-amin ko?! Tapos ganito?! Aba! Hindi ako makakapayag sa ganito!
Akala ko pa naman naintindihan niya kahit papa'no matapos kong isiwalat ang mga iyon. Tapos ano 'to? Ano 'to?! Trip lang ba ang mga iyon?
Gusto kong magwala ngayon at magalit. Galit na galit ako...pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko.
Pero hindi eh. I should be blaming myself. Ako 'tong tangang umasa na unti-unti na nga siyang bumabalik.
That's why I'm hurt, it's because I hoped too much.
"Sorry, nakaistorbo ata ako." Malamig ko siyang tinignan.
I want to break down right here, right now. Gusto kong umiyak ngayon na kaso pinigilan ko ang sarili ko.
Just this time, gusto kong maging matapang. Ayokong sa tuwing nakikita ko siya, lagi nalang akong umiiyak.
"Tapos na ba kayo?" Ngumiti ako ng plastik. "Sorry pero pahiram muna siya, ha?"
Ngumiti ako ng sa babaeng kasama niya. Isang ngiting napapalibutan ng masamang aura. Nakita kong bahagyang natakot ang babae dahil doon.
Nakita ko ang pagkabigla ng konti sa mukha ni Daniel. Bakit? Anong akala niya? Tatakbo ako palayo? Hah. Mukha niya.
Hindi ako nagpakita ng kahit anong kahinaan. I confidently grabbed his arm.
Wala akong pakealam kung anong irereact niya. Wala rin akong pakealam kung ano man mangyari ngayon.
Hila hila ko pa rin siya patungo sa kung saan man. Hindi ko alam pero kumukulo pa rin ang dugo ko sa nakita ko.
Huminto ako sa pagkakaladkad sa kanya. Nakatalikod pa rin ako at hindi ko siya maharap harap.
Ugh! So ano na? Matapos kong hilain siya patungo dito? Ano na?
Napangiwe ako pero matapos iyon huminga ako ng malalim at binaling ang tingin ko sa kanya.
"Gago ka ba?" Iyon agad ang pambungad ko sa kanya. I kept my pokerfaced para naman hindi halatang kinakabahan ako.
Hindi siya umimik at mukhang hinihintay niya ang sunod kong sasabihin.