Chapter 9 : The Girlfriend

271 11 3
                                    

Tama kayo ng nabasa. Si Ranz Kyle nga. HAHAHA. Wala lang, naisip ko lang na isingit siya sa istorya. Pero dito, I'll change his surname. Magiging Ranz Kyle Voldemort na siya kaya walang aangal, okay? Hahaha.

KATHRYN'S POV

Huhuhu! Nakakahiya! Shet lupa, lamunin mo na 'ko!

All this time wala akong kaalam alam na SC president siya at hindi lang 'yon, pamilya niya pa ang may ari ng university na 'to! Shet talaga!

Ang kapal pa ng mukha kong tropahin siya tapos sabihan siyang stalker ko. Ang kapal ng mukha ko na gawin siyang madam bertud at hingan siya ng advise! Uwaaah! Tapos binara bara ko pa siya at niloloko loko. Nyemas lang talaga.

Nandito ulit ako tumambay sa canteen dahil vacant ako ngayon. Napahilig ako sa may table habang sinasabunutan ko ang sarili ko.

"Oh? What's with that face early in the morning?" Napatingala ako para tignan kung sino ang nasalita.

Ngumiwe ako at nakita ko ang pagmumukha ni Nicks na nakapolo na pamporma. May suot siyang dogtag at may relo siya tapos shades na bumagay sa polo niya. Nyemas. Hanggang ngayon naninibago pa rin ako sa pagbabagong buhay ni Nicks.

"Pinagtripan ka na naman ni Ellah?" Tanong ko.

"Tss." Mataray na sabi niya sabay upo sa may tapat ko.

"Mukhang pinapanindigan mo na, ah? Nays. Bagong buhay?" Pang-aasar ko. Inikutan niya ako ng mata dahil sa sinabi ko.

"Gaga!" Sabi niya. "Atsaka magagamit ko rin 'to sa pagboboyhunting ko. Mas dumadami tropa kong lalaki. Mas madami akong nabibiktima. Hihi!"

Napangiwe ako sa eksplanasyon niya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang bruha. Ang landi pa din. Tsk.

Sumunod na dumating ay si Nicole na may dala dalang tray ng pagkain. Mukhang may klase pa si Ellah kaya hindi siya present ngayon. Umupo si Nicole sa tabi ni Nicks.

"Oh? Ba't ganyan mukha mo?" Kunot noong tanong ni Nicole. Kinuha niya ang burger sa tray at nagsimulang kumain.

"Maganda pa rin?" Dugtong ko.

Nabilaukan si Nicole dahil sa sinabi ko, si Nicks naman ay napangiwe. Ni-roll ko ang mata ko dahil sa mga naging reaksyon nila.

Siningkitan nila ako ng mata dahil sa sinabi ko. Nyemas talaga sila, hindi pa rin nila tanggap ang kagandahan ko. Umirap lang ako at mas lalong bumusangot.

"Hindi magandang joke 'yan. Kay aga aga, eh. Tsk tsk." Sabi ni Nicks habang umiiling. Inirapan ko lang siya.

"Pero teka nga.." Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Kilala niyo ba si Ranz Kyle?"

Nakita ko ang pagtataka sa mukha nila dahil sa tanong ko.

"Bakit? Type mo?" Tanong ni Nicks sabay kuha ng pagkain sa tray ni Nicole. Agad na pinalo ni Nicole ang kamay niya kaya napanguso si Nicks.

"Bumili ka ng iyo!" Sermon ni Nicole. Bumaling siya ng tingin sa'ken habang ngumunguya. "Bakit mo natanong?"

Napakibit balikat ako at ngumuso. "Wala lang. Curious lang."

"Curious? Woah. So type mo nga?" Singit ulit ni Nicks. Siningkitan ko siya ng mata dahil sa tanong niya.

"Pag tinanong kung sino, type agad? Mukha ba akong malandi?" Inis na sabi ko. Natawa lang siya dahil doon.

"Pero seryoso, kilala niyo nga?" Tanong ko ulit.

Kinunotan ako ng noo ni Nicole. "Malamang! Tongaks ka ba? SC president siya tapos pamilya niya ang may-ari ng university na 'to."

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon