Chapter 30 : Flirting

147 11 11
                                    

Namumula ang buong mukha ko noong maalala ko ang buong pangyayari kahapon.

Kahit mainit ang panahon, nakasuot ako ng turtle neck na damit. Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid.

Patay malisya ako sa mga nagbubulung bulungan sa paligid kahit na alam ko namang ako ang pinag-uusapan nila.

Napapikit ako ng mariin at hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko.

"Leche kang Padilla ka." I murmured. "Dahil sa'yo, kailangan kong pagtiyagaan 'to."

Puro pagmumura ang binubulong ko habang mabilis na naglalakad papunta sa klase ko. And unfortunately, pareho kami ng klase.ngayon.

Kung dati natutuwa ako, ngayon ayokong makita ang pagmumukha niya.

Eh leche naman kasi, maliit na hickeys lang naman ang ginawa ko sa kanya at hindi ko naman sinasadya na magkagano'n! Pero 'yung akin, sobrang laki, eh! Dinaig pa ipis na dalawang beses ang laki! Bwisit!

Nakatungo lang ako pagkapasok ko sa room. Nakita ko ang mga nakapanunusok na tingin nila. May nagtatawanan at alam ko na ako ang pinagtatawanan nila.

Umupo na ako sa upuan ko. Ilang minuto pa't sumulpot na si Daniel. Nakita ko na nabaling lahat sa kanya ng atensyon.

Dirediretso lang siya at walang imik. Mukhang bumalik na nga siya sa snob na anyo niya.

Napatigil siya noong nagtama ang tingin namin. Nagulat naman ako kasi akala ko iiwas siya ng tingin. Ngumisi siya at ibinaba ang tingin sa may bandang leeg ko.

Namula ako at sinamaan ko siya ng tingin.

"What's with the get up?" He smirked.

Hindi ako umimik at tanging ginawa ko lang ay ang mamula ng sobra. Pakinshet.

"Nagkarashes ka rin?" May halong panunuya ang boses niya kaya halos ibato ko sa pagmumukha niya ang bag ko.

"Stop teasing me, will you?" Madiin kong saad.

Napatingin naman ako sa suot niya, mukhang wala na siyang hickeys kasi balik normal na ang suot niya. Napatingin ako sa leeg niya, wala ng bakas.

"Mine was gone." Ngumisi siya. He leaned forward. Pinasadahan niya muli ng tingin ang balot na balot na suot ko. "Looks like you'll be wearing that in a week."

"Damn you." Mahinang bulong ko. Ngumisi siya ulit.

Kinabahan ako when he went in front of me. Tanging desk nalang ang pagitan naming dalawa. He leaned closer.

Narinig ko ang bulung bulungan ng mga tao dahil sa ginawa niya.

"It was just a revenge." Ngumuso siya para pigilan ang pagngisi. "Hindi mo ba nagustuhan?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Why would I?"

Halos mahugot ko ang hininga ko noong mas inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"But you looked very turned on." Ngumuso siya na tila ba nagpipigil ng tawa.

Namula ako at padabog akong napatayo. "Shut the hell up."

Imbes na lumayo ay mas lalo pa siyang lumapit. I was shocked when he grabbed my turtle neck. My hickeys are now exposed!

Pasalamat nalang sa kanya kasi nasa may bandang likod ako. With his height and that structure of body, hindi makikita ng iba.

Ngumisi siya nung makita niya ito. "It looks good on you."

Namula ako at natigilan. "E-Excuse me?"

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon