Chapter 37 : Admit

125 11 4
                                    

Akala ko nung una, kapag iniwan ka ng taong mahal mo, kailangan 'wag kang magpapakatanga to the point na hahabul-habulin mo siya.

Iniwan ka na nga 'di ba, ba't mo pa hahabulin? Kasi umaasa ka? Umaasa ka na babalik siya sa'yo? Na kahit katiting lang ang pag-asa ng pinanghahawakan mo, pilit ka pa ring kumakapit?

Akala ko gano'ng kadali lang gawin ang bagay na 'yon. 'Yung magparaya, 'yung susukuan mo ang taong mahal mo dahil sa iniwan ka na niya.

Pero tignan mo nga naman, oh. Heto ako ngayon, nasa sitwasyong ganito. Kung una, konti nalang, malapit na akong bumitaw, pero ngayon? Dahil lang sa nakakalecheng mga salitang iyon, kapit na kapit na ako.

"I want to remember you as soon as I can."

"So, don't give up on me, yet."

Mga pesteng salitang 'yon na nakakatanga. Nakakainis, dapat masaya ako dahil sa sinabi niya, pero naiinis ako kasi napakagulo niya.

Umpisa palang, itinataboy niya ako at pinipilit na tumigil na. Hindi ako sumuko kasi tanga nga ako. Tapos ngayon, kabaliktaran naman ang nangyari.

Why Daniel? Bakit patuloy mo 'kong pinapaasa?

Dahil nga sa mga king inang salitang 'yon, asang asa na ako na babalik siya sa'ken. This time, wala ng pag-aalinlangan. Sana lang less pain naman para naman 'di ako paulit ulit na mukhang tanga dito.

"Hoy 'nak, bilisan mo na diyan. Tulungan mo 'ko maglaba dito."

Natigil ako sa pag-iisip nung marinig kong magsalita si mama. Wala akong pasok ngayon kaya naman linis bahay day ngayon.

Kaming dalawa lang ni mama ang nasa bahay ngayon. Si ate, may pasok pa. Si papa naman, nasa opisina niya habang ang dalawa kong kapatid na kambal ay may event ngayon sa school nila at mamaya siguro ay uuwi na rin ang mga 'yon.

Agad na tinapos ko ang paghuhugas ng huling baso bago ito ilagay sa lalagyan. Pinunasan ko na ang kamay ko atsaka lumarga patungo sa labas.

Umupo ako katabi ni mama at nagsimula na akong banlawan ang mga damit na nasabunan na.

Seryosong seryoso ako sa ginagawa ko. Titig na titig ako sa damit na kinukusot ko. Masyadong malalim ang iniisip ko.

"'Nak, hinay lang. Baka mapunit ang damit na kinukusot mo."

Natigil ako sa pag-iisip nung biglang umimik si mama. Napatingin ako sa wrist ko, namumula na ito kakakusot ko.

"Ayos ka lang, 'nak?" Tanong ulit ni mama.

Marahan akong tumango. I bit my lip.

"No, you're not."

Bumuntong hininga ako sa sinabi ni mama. Tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. 'Yung mga salitang binitawan ni Daniel. 'Yung nararamdaman ko ngayon.

Nakatingin lamang siya sa'ken habang nagkukwento ako. Hindi siya nagsasalita kaya tuloy lang ako sa mga sinasabi ko.

"Iyon naman pala, eh. Anong problema du'n?" Tanong ni mama.

"Wala naman." Umiling ako. "Kaso parang natatakot ako. Sobra na akong umaasa, natatakot ako na baka mauwi lang rin sa wala."

Tinuloy ko ang marahang pagkusot ko ng damit. "Na kapag naniwala ako, pakiramdam ko magmumukha na naman akong tanga." 

Napatingin ako kay mama. Nakangiti siya sa akin. "'Nak, natural lang naman 'yan."

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon