Chapter 20 : Chance

161 12 5
                                    


"Hoy anong ginagawa niyo diyan?! Ano sa tingin niyo ang iniisip niyo at dito kayo natulog?"

Agad na napamulat ang mata ko dahil sa nakakabinging sigaw na iyon.

Nag-unat unat pa ako at kinusot ko ang aking mata. Naaalimpungatan palang ako at nanlalabo pa ang paningin ko.

Ilang segundo ang lumipas at tumambad sa akin ang isa sa mga prof namin na ngayon ay nakapameywang at putok na putok na ang mga wrinkles.

"A-Ah, g-good morning po, ma'am!" Agad na sabi ko.

Tatayo na sana ako ngunit naramdaman kong may mga braso na nakalingkis sa baywang ko.

Nanlaki ang mata ko at agad akong namula lalo na noong makita ko ang natutulog na si Daniel na nakaakap sa'ken.

Tinapik tapik ko siya para gisingin. "Huy! Daniel, gising!"

"Hmm.." Hindi siya nagising at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Mas lalo akong namula dahil doon. Napatingin ako sa guro na nakataas ang isang kilay at dinaig na ang tarsier sa sobrang laki ng mata.

Napatingin naman ako kay Daniel na natutulog na sobrang higpit ang pagkakayakap sa akin.

Agad na nanlaki ang mata ko noong marealize ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon.

"Jusmiyo naman! Pwede naman kayong magmotel nalang o kaya kung saan, bakit sa lahat ng lugar sa loob pa talaga ng campus na ito?!" Sigaw ng prof namin.

Naglalakad na kami ngayon palabas at pinagtitinginan kami ng mga estudyante ngayon.

"Ma'am, h-hindi naman po gano'n ang nangyari."

Humarap sa amin si ma'am na halos umusok na ang ilong. "Eh ano?! Sa madilim na kuwartong iyon na dalawang college students ang nasa loob? Hindi niyo 'ko maloloko."

Hindi na lang ako umimik kasi the more na umimik ako, the more na ipapahiya niya kami. Tss.

Hiyang hiya na ako ngayon dahil wala pa akong ayos. Magulo ang buhok at mukha ko at idagdag mo pa na yung polo pa ni Daniel ang suot ko, aba't sinong hindi magsususpetiya 'di ba?

Idagdag mo pa na ang ingay ingay pa ni ma'am na kulang nalang ipaalam na niya sa buong mundo na may nangyari kuno daw sa amin kahit hindi naman talaga.

Ramdam na ramdam ko ang nakakapanusok na tingin ng mga babae sa paligid ko. Hula ko pinapatay na nila ako sa isip nila.

Napasulyap ako ng konti kay Daniel. Napungay pungay pa ang mata niya at naghihikab pa. Gulo gulo ang buhok niya at halatang inaantok pa siya.

Hindi ko alam pero mukhang kampante lang siya na tila ba wala lang sa kanya at hindi man lang siya nahihiya.

"That guy, three years ago... that's me, right?"

Agad na nanlaki ang mata ko noong biglang nag-echo ang mga nangyari kagabi.

Nakita kong napasulyap sa'ken si Daniel. Nagulat ako noong magtama ang mga mata namin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

Napayuko ako habang tuloy pa rin sa paglalakad at pagsunod kay ma'am.

Nawala na sa akin ang hiya dahil sa itsura ko ngayon, mas lalong nangibabaw sa akin ang kaba dahil sa nangyari kagabi at ang mga sinabi niya. 

FLASHBACK...

"A-Ano?" Hindi pa rin ako nakapaniwala matapos kong marinig ang mga salitang iyon.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon