KATHRYN'S POV
ASDFGHJKL!
Hindi ko na alam ang gagawin ko, Jeske!
Ilang beses na akong nagmumura sa isip ko dahil sa halo-halong kaba, takot at nerbyos na nararamdaman ko.
Hindi ko na alam! Nabablanko isip ko! Parang gago kasi si Jerome, eh! Kung anu-ano sinasabi! Ayan tuloy! Kung anu-anong pumapasok sa isip ko! Leche lang talaga! Ugh!
Ilang hakbang palang ang ginagawa namin at papasok palang kami ni Daniel sa loob ng condo. Pakiramdam ko namamawis na ako, idagdag mo pa na malamig 'yung panahon tapos biglang akong maiinitan ng ganito?
Natigilan ako sa inisip ko... Leche Kathryn! Maghunusdili ka nga! Ugh!
Nasa likuran lang niya ako at sinusundan ko siya papasok. Nakatingin lang ako sa may likuran niya habang naglalakad siya.
Ano kayang iniisip ng manyak na 'to?
Nakita kong maraming napatingin sa kanya noong makapasok na siya sa loob. Halos lahat ng babae na nandoon, may asawa man o wala, nabaling ang tingin sa kanya. Nakarinig rin ako ng pigil na tili ng babae dahil sa kanya. May mga naghahampasan pa nga, eh. Kinikilig siguro 'tong mga 'to. Pero hindi niya pinansin 'yon, dire-diretso lang siya kakalakad, sanay na siguro?
Eh di siya na! Siya na malakas ang dating! Siya na makarisma! Siya na talaga! Tsk.
Napansin kong lumiko siya kaya lumiko rin ako. Napatigil siya sa harap ng elevator at pinindot niya 'yung pindutan. Ilang segundo pa ang nakalipas at tumunog ang elevator, ibig sabihin nakababa na ito. Pumasok siya, sumunod lang ako.
Ang awkward kasi walang imik kaming dalawa. Kaming dalawa lang dito sa elevator, hinihintay lang namin na makaakyat 'yung elevator. Napatingin ako doon sa pinindot niyang floor at agad na nanlaki ang mata ko.
Walanjo, nasa pinakaitaas pa ata 'yung unit niya. Ugh! 26th floor, seriously?! Huhuhu! Paano kapag gusto ko ng tumakas? Makakaya ko kayang talunin 'yun mula doon? Huhu. Ikamamatay ko pa ata 'to, walangya talaga.
Huminto 'yung elevator sa may kalagitnaan. Napabuntong hininga ako dahil doon. Hay salamat! Mabuti naman at may iba pa kaming makakasama sa loob.
Gumaan ang loob ko dahil doon pero punyeta lang talaga! Sa lahat ng pwedeng makasama, bakit ito pa?!
Nanliit ang mata ko at napakunot ang noo ko noong biglang pumasok 'yung babaeng naka-tube na labas pusod tapos naka-panty na maong. Napangiwe ako noong nabaling ang tingin ko doon sa boobs niya na pagkalaki laki na parang dalawang pakwan na ipinagdikit. Ilang silicon kaya ang ipinaslak dito?
Nakita kong halos kuminang ang mga mata ni ateng noong makita niya si Daniel. Napataas ang isang kilay ko lalo na't noong nakita kong sinadya ni ateng na ilaglag ang susi na dala niya.
"Ay sorry!" Nagbend si ate para kunin ang susing sinadya niyang ilaglag. Pa-slowmotion pa siya habang kinukuha 'yung susi sabay angat tingin kay Daniel at lipbite para ipakita ang cleavage niya na halata namang japeyk. Pangisi ngisi pa si ate habang tinitignan si Daniel.
Oh sige ate! Ipagmalaki mo ang malaki mong hinaharap, baka sakaling lumaki pa 'yan! Sige lang! Pag ako 'di nakapagtimpi, puputukin ko 'yang dalawang pekeng may silicon na 'yan! Leche!
Napatingin ako kay Daniel na blanko lang ang emosyon pero letse lang! Nakita kong pasimpleng napasulyap siya sa boobs ni ate! Letse talaga siya! Ang manyak niya talaga pisti siya! Ang sarap ingudngod 'yung pagmumukha niya sa pakwan ni ate! Nakakairita siya! Bwisit!