"Doon, kakanan ka. Tapos sa kanto na iyon, kakaliwa."
Salita ako ng salita habang itinuturo sa kanya ang lugar kung saan una ko siyang nakilala. Walang iba kundi ang Manila International University.
Matapos ng nangyari kanina, wala na kaming pag-uusap tungkol doon. Hindi siya umimik kaya hindi ko alam kung anong inisip niya sa sinabi ko.
Patay malisya lang ako kasi bukod sa ang drama ng sinabi ko, nakakahiya pa dahil harap harapan akong nagtapat sa kanya kasi leche siya, ang manhid manhid niya.
'Yung makating linta naman, hindi na namin nakita pagkabalik namin sa may kotse ni Daniel. Dahil siguro sa pagkapahiya kaya nag walk out ang gaga.
Inihinto na niya ang sasakyan matapos niyang iparada sa may tabi ng unibersidad ang kotse. Hindi pa rin siya umiimik at ako lang ang madaldal sa aming dalawa.
"Uhm.. Daniel?" Napalunok ako ng laway.
Hindi siya lumingon. "Oh?"
Hindi ko alam pero sa simpleng salitang iyon, agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Leche. Kinabahan ako sa putragis na "oh" na 'yon?! What the?
Huminga ako ng malalim. Minsan lang ako magpakatapang, sasagarin ko na.
"Wala ka man lang sasabihin sa sinabi ko kanina?"
Hindi ko siya matignan kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Ilang segundo ang nakalipas at halos makarinig na ako ng kulisap sa paligid.
"Bakit? May dapat bang sabihin?"
Agad na umiling ako. "W-Wala naman."
Nagkibit balikat siya. "Oh, wala naman pala, eh."
Hindi ko alam kung masasapak ko 'tong si Daniel o ano eh. Masyado siyang kampante na ewan. Sabagay, lumaki siyang hinahangaan ng mga kababaihan, malamang sanay na siya.
And it's just one plain stupid confession afterall. There's no big deal. Besides, hindi naman niya ako mahal, eh. Kinalimutan niya nga ako, 'di ba?
Nagsimula na akong maglakad patungo sa looban. Hindi na ako hinarang ng guard kasi kilala na niya ako kaya ayos lang. Ramdam kong sumusunod lang sa likod si Daniel.
Huminto ako sa paglalakad. "Hmm.. where should we start?"
Nilibot ng mata ko ang buong campus. Hinahanap ko kung saan magandang magsimula.
Noong makaisip na ako, agad ko siyang hinatak papunta sa classroom namin dati.
Walang klase ngayon kase sabado and wala rin namang school activity kaya wala talagang laman ang school na ito. Idagdag mo pa na dahil highschool department ito, 'yung college kabilang building pa.
Pumasok kami sa classroom. Agad na nilanghap ko ang amoy pagkapasok. Haaaay. Memories.
Nakita kong bored siyang umupo sa may isang silya. Nagsalumbaba lang siya. Hindi man lang siya naexcite or what o baka naman maging ito, hindi niya matandaan.
"Okay, dito sa classroom na ito, una kitang nakita. Sobrang cold at snob mo pa noon at maraming babae ang nagkakandarapa sa'yo.
Humalakhak siya then he smirked. "What do you expect?"
Naningkit lamang ang mata ko at napabuntong hininga. Wala na akong masabi talaga sa isang 'to.
Pumwesto ako sa harap at tumayo ako. Ginaya ko pa ang expression niya noon. "I'm Daniel Padilla, 17, that's all."
