KATHRYN'S POV"Ano ba 'yan! Bakit ka ba bigla biglang nilagnat?" Nasapo ko ang aking noo. Inalalayan ko siya para maitayo siya.
Nilagay ko ang braso niya sa may balikat ko at inalalayaan ko siyang tumayo. "Ugh! Ang bigat bigat mo!"
Buong lakas ko siyang inalalayan papunta sa may higaan niya. Noong marating na namin ito, agad ko siyang ibinaba.
"Ay Leche!" Nagulat ako noong napadapa nalang rin ako at napapatong sa kanya.
Pagkamulat ko ng mata, halos malaglag ang eyeballs ko noong nakita kong sobrang lapit ng mukha ko sa pagmumukha niya.
Jeskelerd! Ang inet, shemay!
Tatayo na sana ako dahil sobrang awkward talaga ng posisyon naming dalawa kaso, laking gulat ko noong bigla niyang hinila ang braso ko.
Napatingin ako sa kanya. Halos malaglag ang panga ko noong bigla siyang dumilat. Tumingin siya sa'ken.
"Don't leave, please?" Mahina at halos naghahabol hininga ang boses niya.
Natameme ako lalo na't noong makita kong soft ang expression ng mukha niya. Halos matunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Napabuntong hininga ako kasi naalala ko ulit nung araw na iniwan ko siya. 'Yung araw na binitawan ko siya sa ere. 'Yung araw na sinaktan ko siya ng sobra.
"I won't do that again." Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakadapa. Ngumiti ako ng malungkot at unti nalang at nararamdaman kong tutulo ulit ang luha ko.
Dahil sa sinabi ko, mas lalong nag-soften ang reaksyon. Nakita kong bahagya siyang ngumiti atsaka niya ipinikit muli ang mata niya.
Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin lalo na't noong maramdaman kong tumulo na ang luha ko. Agad na pinunasan ko ito.
Masaya kasi ako na sobrang lapit ko na sa kanya ngayon. Na kaya ko na siyang kausapin at hawakan katulad lang nung dati. At umaasa akong unti-unti nalang at mapababalik ko na agad ang memorya niya.
Ngumiti ako ng tipid atsaka pumunta sa kusina para magluto ng porridge.
Habang sinisimulan ko na, hindi ko mapigilang mapangiti dahil para kaming mag-asawa sa lagay na 'to. Atsaka naalala ko rin nung araw na nilagnat ako tapos inalagaan niya rin ako. Now is the time for me to return the favor.
Mabilis ko lang naluto 'yung porridge. Matapos iyon, hinanda ko na 'yung tubig atsaka 'yung gamot na paiinumin ko sa kanya. Inilagay ko lahat sa tray at dinala ko iyon sa kanya.
"Bumangon ka muna, kainin mo 'to." Inilapag ko 'yung tray sa may side table niya.
Nakita kong bahagya siyang dumilat. Dahan dahan siyang bumangon habang kinakamot ang mata niya. Namumungay pa ang mata niya na tila ba antok na antok.
Pisti! Shutanginames naman! Bakit ba ang cute niya tignan ngayon? Ugh! Nagwawala buong sistema ko. Leshe naman kasi, mukha siyang naliligaw na tuta. Ang sarap lang, alagaan.
Poker face lang siya atsaka siya tumingin sa'ken. Kinilabutan naman ako dahil sa napakablanko niyang reaksyon.
"K-Kain ka muna bago uminom ng gamot." Nauutal na sabi ko.
Pumwesto ako sa may gilid ng kama niya atsaka kinuha 'yung bowl ng porridge. Kumuha ako ng kutsara atsaka sinimulan ng kunin 'yung porridge para masubuan siya.
"Oh, nganga." Sabi ko sa kanya. Hindi naman nagtagal at nakita kong binuka na niya ang bibig niya kaya sinubuan ko siya.
Noong masubo na niya, nakita kong nanlaki ang mata niya at bahagyang namula ang mukha niya.
