KATHRYN'S POVIlang araw ang nakalipas matapos nangyari iyon. Si Jerome na mismo ang nagsabi na ibalik ko si Daniel. Ngayon nagdadalawang isip pa ako kung ano ang gagawin ko.
I already gave up on him, right? I said that I'll let go of him. Sinabi kong titigilan ko na siya 'di ba? Pero ngayon, ugh! Asa'n na 'yung mga pinaglalaban ko? Asa'n na 'yung pinaninindigan ko?
And now I'm really confuse right now. Like so freakin' confuse! I don't know what to do. Ano ba? Ano na ba ang dapat kong gawin? Ano ba dapat?
Should I chase him? Hahabulin ko ba siya hanggang sa mahalin niya ulit ako? Panindigan ko ba ang sinabi ko na titigilan ko na siya? Alin doon? Ano ba talaga?!
Napahiga nalang ako sa kama ko at nagtabon ulit ng unan. Gumulong gulong pa ako sa kama katulad ng ginagawa ko sa tuwing naguguluhan ako.
"Uwaaah. Bakit ba ang hirap magmahal? 'Di ba pwede na kami ulit ng wala ng hirap pa?" Hopeless na sabi ko habang patuloy na gumugulong.
Lumipas ang ilang araw at ni isang araw, hindi matanggal tanggal sa isip ko iyon.
Bring him back, huh? Kung makasabi naman ng gano'n si Jerome, akala mo mangunguha lang ako ng kendi sa bata. Shet naman kasi, eh. Ang hirap naman kasi talagang gawin 'yon.
Lalo na't ngayon, may amnesia pa siya. Kung pwede nga lang na mabigyan ako ng mga araw para ipaalala sa kanya lahat, eh.
Natigilan ako sa naisip ko. Mga araw pa ipaalala sa kanya lahat?
Oo nga, noh? Oo nga! Tama! Kailangan ko lang ipaalala sa kanya lahat lahat! Baka ito na 'yung paraan para magkabalikan ulit kami.
Wait, wait. I sounded really desperate there. Tss. Shet lang talaga. Mukha na akong desperadang naghahabol sa kanya.
Eh kasi naman, eh! Ito lang talaga ang tanging paraan na naiisip ko.
Eh paano kung wala pa ring saysay kung gawin ko man 'yon? Paano kung hindi niya pa rin ako magawang mahalin? Paano kung tuluyan niya na talaga akong kinalimutan?
Napabuntong hininga nalang ako at sinabunutan ko na ang sarili ko dahil sobra na akong naguguluhan.
"Ms. Bernardo! No sleeping at my class! Kung gusto mo, sa labas ka nalang kung ayaw mong makinig sa klase ko."
Dali-dali akong napatungo at agad na tumambad sa'ken ang wrinkles ng prof namin. Napangiwe ako dahil doon.
Hindi naman marunong makisama si ma'am, kita na nga na naguguluhan 'yung tao, eh. Hindi ba pwedeng siya 'yung mag adjust? Kung siya kaya ang nasa posisyon ko ngayon? Tsk. Porket matandang dalaga, napakasungit na.
"Hey, where are you going?" Tanong ni ma'am sa'ken noong makita niya akong tumayo.
"Sa labas po." Walang ganang sabi ko.
Bahagyang napanganga siya sa sinabi ko at kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Hindi niya kasi lubusang naisip na ang isang scholar na kagaya ko ay kayang gumawa ng kabalastugan kagaya nito.
Naghiyawan ang mga estudyante dahil sa ginawa ko. Nagulat sila dahil ang tapang kong harap harapang sabihin 'yon kay Madam wrinkles kaya naman para silang na-amaze na ewan sa ginawa ko.
Stress na stress na ako ngayon. Kailangan ko rin naman ng break. Penge ngang kitkat diyan. Hehehe. Nyay mais talaga.
Dire-diretso lang ang lakad ko noong makalabas na ako sa room. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung saan ako dinadala ng mga paa ko.