Matapos namin maglaro sa may playground, napagdesisyunan na naming bumalik sa bahay.
Tawa ng tawa ang tatlong bata na kasama namin na mukhang nag-enjoy nga sa larong ginawa namin.
"Nataya ko si kuya Daniel, ang galing ko talaga." Tawa ni Jen.
Sinang-ayunan naman siya nina John at Arianne kasi siya lang ang nagwaging makataya kay Daniel.
Tumango si Daniel habang nakanguso. "Kasalanan ng ate Kathryn niyo, I got distracted."
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Naalala ko pa rin 'yung mga sinabi niya nung hinabol niya ako. Idagdag mo pa na tinawag niya pa ang pangalan ko.
Hindi ako umimik kaya tinukso ako ng tatlong mga bata na kinikilig ako. Todo tanggi naman ako pero halatang defensive ako.
Pagkarating namin, nakahanda na ang pagkain. Maagang nakarating si tita kasi hindi rin natuloy ang seminar na inattendan niya. Todo tanong naman siya kung anong nangyari.
Napansin kong hindi sumabay si Enrique. Mukhang may pinoproblema ngayon ang lalaking 'yon sa babae. Biruin mo? Ang gentleman at napakabait na si Enrique, namomroblema sa lovelife? Grabe naman 'yon.
Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa mag dilim na ang kapaligiran.
"Ma, ako na maghahatid sa kanila." Pag-aanyaya ni Daniel nung matapos kaming kumain.
Tumango si tita at ngumiti. "Sure. Mag-ingat, ha?"
Nagpaalam na kami kay tita. Tuwang tuwa ang nga kapatid ko at nagpasalamat kay tita dahil nag-enjoy sila.
Humalik ako sa pisngi ni tita bilang pamamaalam.
"Mukhang masaya, ah? Bakit? Nagkabalikan na kayo?" Kantiyaw ni tita na ngumisi sa akin.
Namula agad ako dahil doon pero umiling ako. "H-Hindi po, ah."
Binaling ni tita ang tingin niya kay Daniel. "'Nak, ba't ang bagal mo. Ba't 'di kayo magkabalikan?"
Mas dumoble ang kaba ko sa itinanong niya kay Daniel. Pakiramdam ko tinalo ko na ang kamatis sa sobrang pula ng mukha ko.
Mukhang nagulat si Daniel sa itinanong ni tita pero nagtaka ako nung bigla siyang ngumisi.
"Nababagalan ka, ma?" Bahagyang tumawa si Daniel na ikinainit ng pisngi ko. "Don't worry, I'll make a move soon."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. I-I don't know what he meant by that. I don't even know kung seryoso siya or he's just mocking me.
Napapalakpak si tita at lumaki ang ngisi niya. "That's good. I'm proud of you."
Iyon ang huling sinabi ni tita. Nakatanga pa rin ako kasi hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi niya.
Hindi ko namalayan na nasa loob na ako ng kotse niya at hinahatid na niya kami patungong bahay.
Hindi ko binalak na tanungin siya tungkol sa sinabi niya. Kung seryoso ba siya do'n o nakipagbiruan lang siya kay tita.
"You..." Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nung umimik siya.
"B-Bakit?" Nagpapanic na sinabi ko habang nililingon siya. Nakita kong natigilan siya sa reaksyon bago tumawa.
"Ang OA naman ng reaksyon mo." Tumatawa pa rin siya kaya namula ako agad. Damn, that laugh is so adorable.
"E-Eh ikaw kasi, eh! K-Kasalanan mo." Ugh. I can't stop stuttering to every word that I'm saying.
