Chapter 10 : Other Story

281 14 9
                                        


KATHRYN'S POV

"Anak, gising na. Maleleyt ka na." Rinig kong sigaw ni mama mula sa baba.

Napabalikwas ako sa kama at naisipan kong bumangon na. Nag-unat unat pa ako sabay tingin sa orasan sa may gilid.

"Ma naman, eh! Ang aga pa!" Sigaw ko. Agad na humiga ako sa may kama at nagtalukbong ulit ng kumot.

Nyemas naman. Ang aga pa naman, eh. Mamayang 10:00 pa 'yung klase ko tapos gigisingin agad ako. Ang sarap sarap na ng tulog ko, eh.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ako ng humahakbang paakyat. Ang lakas ng mga yabag, 'yung tipong parang mabigat na tao ang nahakbang. Pfft. I'm sure it's mama.

"Hoy Kathryn! Bumangon ka na at mag-ayos!" Utos ni mama kaya napabalikwas ako sa kama ko.

Tamad na tamad ko siyang tinignan at naghikab pa ako. "Ma, 9 pa klase ko."

"Sabay kayo ng ate mo. Kailangan sabay na kayo simula ngayon." Sabi ni mama na ipinagtaka ko.

"Ha? Bakit naman?"

Umupo si mama sa may kama ko. Bumusangot ang mukha niya na tila ba naiirita siya o may pinagdadaanan siya. "Kailangan mo bantayan ang ate mo."

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni mama kaya agad na sumilay ang mga wrinkles niya which reminds me of my prof. Hahaha.

"Last night she went home late and drunk!" Giit ni mama. Woah! English! Life changing 'yun, ah!

Hinilot niya ang sentido niya na tila ba nangungunsume siya. "Hay naku. Hindi ko alam kung ano ng magagawa ko sa batang 'yan."

Nilingon ako ni mama na kunot noo. "Kaya ikaw! Samahan mo siya pagpasok ng school! Alamin mo kung anong ginagawa niya do'n!"

Napabuntong hininga nalang ako kasi mukhang wala akong choice. Bumangon na ako at nagsimulang mag-ayos para sa pagpasok ng school.

Maayos na naman kami ni ate. She's just cold towards me. Small talk lang kami at mukhang 'di pa kami ganun kaclose. Pero hindi na naman niya ako sinasaktan physically simula nung pinagtanggol ako ni Daniel sa kanya.

Haaay naku. Naalala ko na naman ang pesteng asungot na 'yun. Tsk.

Pero back to the topic. Hindi na masyadong masama ang ugali ni ate at mukhang nagbabagong buhay na siya. Pareho kaming nag-aaral sa may V.U. at ahead siya ng isang taon sa'ken.

Nag-ayos na ako ng susuotin ko at ng makatapos ako, lumabas na agad ako sa kwarto. Bumaba na ako para mag agahan. Nakita ko agad si ate na kumakain sa may sahig---charot! Siyempre sa lamesa.

Umupo nalang din ako at nagsimulang kumain. Pasulyap sulyap ako kay ate at medyo napangiwe ako sa damit niya.

Napakarevealing! Kita cleavage tapos ang iksi pa ng suot niya sa ibaba. Too much skin exposed. Tapos masyado pang dark 'yung make up niya. Pero bumagay naman sa kanya kasi maganda at maputi naman ang kutis niya at mukha siyang model.

"What are you staring at?" Agad na bumalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi ni ate. Nakataas ang isa niyang kilay. Ang highblood naman neto, tch.

"Wala, ganda mo kasi." Iyon nalang ang nasabi ko at tumuloy na sa pagkain.

Hindi siya umimik kaya napatingala ako para tignan siya. Natigilan ako noong makita kong namumula siya na mukhang gulat. Nagtaka ako dahil doon.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon