Chapter 35 : Power Ranger

125 10 8
                                    

Nakapikit pa rin ako at hinihintay ko ng mareject ako ngayon. Namumula na ako sa sobrang hiya dahil sa sinabi ko.

Shit. Parang sinasabi ko na rin na pumunta siya ng bahay para maging legal kami. O kaya mag-akyat siya ng ligaw sa'ken. Nyemas.

Sunod na narinig ko ay ang hiyawan ng mga kabanda niya kaya pakiramdam ko mas lalo akong namula sa hiya. Damn them!

Pinilit kong buksan ang mata ko at tumambad sa akin ang nakanganga at nakataas na kilay na si Daniel. I'm sure he wasn't expecting that.

Sino nga ba mag-eexpect 'di ba? Na aayain ko siyang pumunta ng bahay at ipakilala ang parents ko?

"You should go pare." Tawa ni Aiden. "Para maging legal kayo."

Namula ako sa salitang "legal". I don't why it makes me embarass.

Narinig ko rin ang pagsang-ayon nina Lukas at Shin sa gilid na inaasar asar pa si Daniel. Parang ako pa 'yung nahihiya sa pang-aasar nila kay Daniel, eh. Like hello? Ako ang nag-aya, not him.

"Tumahimik kayo!" Tinapunan sila ni Daniel ng isang nakakamatay na tingin. Nakita kong nakangisi silang tatlo na parang mga timang para mas lalong maasar si Daniel.

Isa pang nakakatakot na tingin ang ginawa ni Daniel sa kanila. Mukhanf umepekto kaya naman nagsialisan na 'yung tatlo na habang naglalakad paalis ay tuloy pa rin sa pang-aasar kay Daniel.

Isang malutong na pagmumura ang ibinigay ni Daniel bilang pamamaalam sa kanila. Tumawa lang 'yung tatlo.

Matapos iyon ay hinarap ako ni Daniel na nakakunot ang noo. "Seryoso ka ba?"

I bit my lip. Mukhang 'di nga siya makapaniwala kasi bigla ko nalang sinabi iyon out of the blue.

Marahan akong tumango bilang sagot. Nakita ko ang mas lalong pagkunot ng noo niya.

"Para saan?" Tanong niya.

Hindi ko talaga alam kung pa'no siya sasagutin sa tanong na iyon. Para saan nga ba? Dahil gusto ni mama? Pinilit niya kasi ako? Oh wait, I know!

"Take this as a part of the plan." Iyon lang ang tanging naisip ko. Malamang dahil ito lang naman talaga ang dahilan, eh. I just want to know if it'll work.

"To introduce me to your family?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. "You think it will help para maalala kita?"

"Uhmm.." I bit my lip again. Ganito talaga kapag kabado ako. Tipid akong tumango. "Wala naman sigurong masama kung susubukan?"

"So, seryoso ka nga talaga?" Tanong niya ulit.

Nag-angat ako ng tingin para tignan na siya. Naiinis na ako kasi paulit-ulit siya. Bungol ba siya? Mahirap ba maintindihan 'yon?

"Oo nga! Seryoso ako!" Kumunot ang noo ko. "What makes you think that I'm not?"

Naglakad siya ng mas malapit sa'ken. "Bakit sa tingin mo makakatulong 'to?"

"Alam mo..." Bumuntong hininga. "Matagal ka ng kilala ng pamilya ko. At isa pa, gusto ka rin makita nina mama."

"Wait, kilala na nila ako?" Bahagyang nagulat siya.

"Oo." Tumango ako. "Baka sakali talagang makatulong 'to lalo na't saksi sila sa mga pinaggagawa natin three years ago."

Nakita kong natigilan siya at mukhang nag-isip. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sagot niya.

Ewan ko kung bakit parang mukhang kabado siya na ewan. Para saan naman? Nahihiya ba siya?

"You know, p'wede ka namang tumanggi, eh. Hindi mo naman kailangan talagang gawin." Agad na sabi ko. Kasi maging ako, kinakabahan ako.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon