Chapter 23 : Only Mine

140 11 0
                                        

Tuloy pa rin ako sa pagpaypay while still wearing a smirk on my face.

Kitang kita ko ang pagkaburaot ng babae ni Daniel at halos tunawin na ako sa titig nito.

Kahit na hindi naman talaga mainit at sa totoo lang ay sobrang lamig pa nga, hindi pa rin ako nagpatinag.

"Well, you know what? I think she's right. It is really hot in here." Nakita kong in-unbutton niya rin ang dress niya para maipakita ang malaki niyang hinaharap.

Medyo nagdiscourage ako pero 'di ako nagpatinag. Ngumisi ako at lumapit kay Daniel na seryoso lang na nagdadrive.

Sa may upuan lang ako kumapit at nilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya.

"Master, pagkauwi sa bahay gusto niyong imasahe ko kayo sa kwarto niyo?" I tried to look and sound seductive. "Gusto niyong paliguan ko kayo kagaya ng lagi nating ginagawa?"

Kahit mukha akong trying hard at gusto ko ng mamatay sa kahihiyan, I remain still. Gusto ko talagang ipamukha sa babaeng 'to kung sinong kinakalaban niya.

"Sh*t." Muling napapreno si Daniel. Hindi ko alam pero gusto kong mapahagalpak ng tawa sa mukha niya.

Hindi naman sa pag-aassume pero sobrang halata ang pamumula ng mukha niya. Gusto kong matawa.

"You bitch!" Hindi na ata nakatimpi ang babae. Pulang pula na siya sa galit. "You dumb slut!"

"Ano ho, ma'am? May sinasabi ho ba kayo?" Pang-iinis ko.

Kahit na kating kati na akong sapakin 'yung babae dahil sa sinabi niya sa'ken. Bitch? Slut? Look who's talking! Eh kanina nga kung anu-anong kabalbalan ang sinasabi niya, eh!

"Will the both of you, shut up?!" Mukhang iritable na si Daniel. Hininto niya ang sasakyan. Binuksan niya ang pinto para bumaba.

"Babe, where are you going?" Malanding tanong ng babaeng malandi.

"None of your business. Tss." Now the old Daniel is back. Mukhang walang pake sa mga bagay bagay at palaging iritable.

Napangiting wagi ako. Kahit ang pagiging playboy niya, kahit matigil ko lang iyon at bumalik siya sa pagiging masungit niya. Kahit 'yun lang muna, isang malaking achievement na 'yun sa'ken.

Nakita ko ang pagkapahiya ng babae at sinundan niya lang si Daniel ng tingin.

Bumaba na si Daniel ngunit bago siya bumaba ay nakita kong nabaling ang tingin niya sa'ken. Hindi ko alam kung bakit parang ngayon ko lang naramdaman ang hiya.

Nakatanga lang ako habang nagtititigan kami ng mga ilang segundo ngunit umiwas na siya ng tingin.

Narinig ko ang pabulong na pagmumura niya habang naglalakad na palayo. Hindi ko alam kung saan siya tutungo pero mukhang may binilhin ata since sa tapat ng 7 11 siya nagparada.

Pero teka nga, what just happened?

Noong makalayo na si Daniel, nakita kong nakatingin lang 'yung babae sa'ken through rear view mirror. Buraot na buraot ang mukha niya.

"You're a stupid f*cking dumb slut. Stop messing with me, you don't know what I can do." Diretsahang sabi niya na tila ba nangtethreat. "You f*cking stay away from what's mine, bitch."

Lumingon siya and she smirked. "Oh, I forgot. You won't understand 'coz you're stupid."

Dahil sa lahat ng pang-iinsulto na sinabi niya ng harap harapan sa pagmumukha ko, agad na nag-iba ang aura ko.

Ngumiti ako ng plastik, this time, pinahalata ko na talaga ang kaplastikan ng ngiti ko. Tinignan ko siya, tingin na napalilibutan ng itim na aura.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon