Chapter 4 : Nightmare

368 18 13
                                    


KATHRYN'S POV

I don't know what to say. I don't know what to do. I just stood there looking stupid while still looking at him.

Pakinshet, kailan pa ako naging fluent sa English? Ugh! Not is that time to joke around. Tss.

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlalambot ang tuhod ko at para akong ewan na nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam pero sobrang kaba ang nararamdaman ko tapos pinagpapawisan pa ako ng malamig.

Shet naman. What now? Ano na? Kathryn, ugh! Mag-isip ka na! Mukha kang tanga!

Nakanganga pa rin ako at nakatingin ng diretso sa mata niya. Nakailang lunok ng laway na ako pero wala pa rin akong maibigkas na salita.

Tungunu naman kasi, eh. Bakit kailangan ngayon pa? Bakit ngayon pa?! Sa lahat ng pwedeng pagkakataon, bakit ngayon pa?! Bakit kung kailan hindi ako handa at wala ako sa katinuan, bakit ngayon pa siya magpapakita?

Kung pwede lang sabihin na "Shet! Take two tayo, di pa 'ko ready, eh." O kaya "Pwedeng sa next chapter nalang? Hindi ko pa kasi alam dialogue ko, eh. Hehe." Kaso pakinshet, alam kong hindi pwede mangyari 'yon.

Author, may lihim na galit ka ba sa'ken? Nung book 1, ginawa mo 'kong tanga tapos sinaktan mo pa ako. Ngayong book 2 naman, bakit ngayon mo pa kami pinagtagpo kung kailan hindi ko pa siya handang harapin?

Author, ginagago mo ba ako?

"Kamusta?"

Halos mapatalon ako sa gulat lalo na't noong bigla siyang nagsalita. Agad na bumalik ako sa reyalidad noong marinig ko ang boses niya. Mas lalo akong kinabahan dahil doon.

"A-Ayos naman." Medyo nakahinga ako ng maluwag noong makapagsalita na ako. Pero teka nga? Anong ayos? Ako, maayos lang? Hah! Anong klaseng joke 'yon?

Masasabi mo bang ayos lang ako kung hanggang ngayon, hinihintay pa din kita? Masasabi mo bang ayos lang ako kung patuloy pa rin akong lumalaban kahit alam ko sa sarili kong wala na? Masasabi mo bang okay lang ako kung patuloy pa rin akong nagpapakatanga dahil lang sa mahal pa rin kita? Kung iyon ang definition ng pagiging okay eh di okay na okay pala ako.

I bit my lip. Nakita kong ngumiti siya. 'Yung ngiting para bang okay na siya. 'Yung tipong nakaraos at nakamove on na siya at masaya na siya sa buhay niya.

Just seeing him happy again, hindi ko alam kung matutuwa ba ako? Pero bakit ganito? Bakit nasasaktan ako dahil masaya siya? Bakit masakit para sa'ken na makita siyang nakamove on na? 

"I-Ikaw? Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya.

Wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti. Ngumiti na para bang hindi ako nasasaktan at masaya rin ako. Ngumiti na tila ba hindi masakit para sa'ken ang lahat lahat, in short....peke.

Ngumiti ulit siya. "Heto, ayos naman din." Tumingin siya sa'ken at ngumiti ulit. "I've already moved on."

Para akong natanga sa sinabi niya. Bakit gano'n? Bakit? Ang sakit, sobra.

Ako lang ba talaga 'tong umaasa? Ako lang ba 'tong nagpapakatanga? Ako lang ba 'tong patuloy na lumalaban kahit na alam ko sa sarili kong wala ng patutunguhan?

Pakshet, ang saket kasi, eh. Naghintay kasi ako, eh. Umasa ako na babalik siya, na magiging kami ulit. Pero tangina, gumuho lahat ng pag-asa ko.

"Nyeta, ano ka ngayon? Nakamove on na pala, eh. Eh ikaw? Anyare?" Sabi ng konsensya ko. Naramdaman kong nangingilid ang luha ko. Agad na napatingala ako. I bit my lip for me not to cry.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon