Hehehe. Pasimulang chapters, heartbreaking scene agad? XD Suri na. Silent readers, paramdam naman kayo diyan, oh. Puhleeeaaase? ;)
-MS. 17
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
KATHRYN'S POV
"Kathryn! Kathryn! Gumising ka!"
Matapos ko marinig iyon, unti-unti kong iminulat ang mata ko. Hindi ko alam pero pagkamulat ko, agad na tumambad sa'ken ang mukha ni mama na mukhang nagpapanic.
Nakita ko din sina papa at ang mga kapatid ko sa may dulo ng kama. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at mukha silang natatae na ewan.
Pero agad akong napabangon noong maalala ko ang nangyari. Napabalikwas ako sa kama at umupo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko napamarathon ako bigla dahil hirap ako huminga at pinagpapawisan pa ako.
"Ma? Ano pong nangyari?" Nagtatakang tanong ko.
Imbes na sagutin ako ay nakatanggap ako ng isang malakas na batok galing kay mama. Anak ng patatas, anong klaseng sagot 'yon?
"Aray ko naman, ma! Para saan po 'yon?" Hinimas ko ang ulo kong binatukan ni mama.
"Susmaryosep kang bata ka! Tinakot mo kaming lahat!" Sermon ni mama. Aakmang babatukan ulit niya ako pero agad kong hinarang ang kamay ko.
"Bakit po ba? Ano po bang nangyari?" Tanong ko ulit.
Lumapit sa'ken si papa at hinaplos ang buhok ko. "Ayos ka lang ba, nak? Anong nararamdaman mo?"
"Ateee! Uwaaah! Okay ka lang ba?!" Nakita kong umiyak sina Jen at John at agad na yumakap sa'ken. Nagtaka ako sa ginawa nila.
Si ate naman, mukhang nag-alala rin naman. Ayiiee. Nag-aalala sa'ken si ate? Isang malaking himala!
"Binabangungot ka kanina, 'nak." Nag-aalalang sabi ni mama. Mukha na siyang paiyak matapos niya sabihin iyon.
Agad na nabigla ako sa sinabi ni mama. B-Bangungot? Kanina? Ano? T-teka, hindi kaya...
"Ang sumisigaw ka habang umiiyak. Nagising kaming lahat dahil doon at agad na napasugod kami dito." Sabi ni papa.
"Jusko kang bata ka! Pinag-alala mo kaming lahat! Ang tagal mo bago gumising." Naluluhang sabi ni mama.
Teka, bangungot? S-so, hindi totoo ang nangyari? Hindi 'yun totoo? Nananaginip lang ako noong mga panahong iyon?
Agad na bumalik ako sa reyalidad noong bigla akong niyakap ni mama. "Jusko naman, 'nak. 'W-wag mo kaming takutin ng ganun. Hindi mo alam kung gaano mo kami pinag-alala. Ano bang nangyari sa'yo bata ka?"
"Babalik na po ako sa pagtulog." Malamig na sabi ni ate. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang inis sa tono ng boses niya.
Lumabas siya ng kwarto kaya naiwan kami dito. Bumuntong hininga nalang ako. Ngumiti ako sa kanila. "Sorry po. Pinag-alala ko pa tuloy kayo. Sorry po kung tinakot ko kayo."
"Ano ba kasing pinapanaginipan mo at mukhang takot na takot ka?" Nagtatakang tanong ni mama.
Agad na napaiwas ako ng tingin. Oo, ma. Sobrang nakakatakot ang panaginip ko.
Nag-isip ako ng magandang excuse. Alangan naman sabihin kong napabaginipan akong hindi na ako mahal ni Daniel? Tapos umiyak ako tapos nagmakaawa akong balikan niya ako? Tch. Baka 'di lang batok galing kay mama ang makuha ko.