Chapter 11 : Change Of Mind

299 14 12
                                        


KATHRYN'S POV

"S-Sino 'to?" Tanong ko ulit.

Hindi siya sumagot agad kaya kinabahan bigla ako. Sino ba 'to? Bakit parang feeling ko kilala ko 'to? Pero bakit parang masama ang kutob ko?

Ilang segundong tahimik ang kabilang linya. Napalunok ako ng laway at nagsimula na akong pagpawisan ng malamig.

"K-Kung prank 'to o kaya scam o kaya budol budol gang ka, pramis! Hindi 'to nakakatuwa! 'Wag niyo kong gawin tanga. Hindi niyo 'ko mauuto."

Natigil ako sa pananakot ko noong makarinig ako ng isang tawa sa kabilang linya. Isang tawang nakakairita na konting konti nalang ay malapit ko ng ibalibag ang cellphone ko.

"Sino ka ba?! Umayos ka, ha!" Inis na sigaw ko. "Alam mo bang pwede kitang ma-trace, huh?! Kapag nalaman ko talaga kung sino ka, huhuntingin kitang hinayupak ka!"

"Pfft. Hahaha." Tawa ng taong nasa kabilang linya kaya mas lalo akong nainis.

"Stalker ba kita?! Punyeta! Sa oras na makilala kita, gugulpuhin talaga kitang hayop ka!"

"Sorry miss. Can you translate it in english? I can't understand what you're saying. Pfft."

Natigilan ako sa sinabi niya. Shet. Englishero pala ang hayuf. Ugh! Mas lalo akong naiirita. Ewan ko pero may kutob akong may galit ako sa lalaking 'to, eh.

"You...y-you..animal you! Who are you? Where do uhh did you get my anu..my number of cellphone? How did..does..anu.. you..anu know my anu... ugh! Punyeta! Maghanap ka nalang ng translator!" Sigaw ko.

Narinig kong mas lalo napahagalpak sa kakatawa 'yung tao sa kabilang linya kaya naman mas lalo akong nabanas. 'Yung tawa kasi niya, eh. Nakakabwisit!

"Hahaha, hindi ka pa rin talaga nagbabago." Tawa ulit niya.

"Eh ulol ka pala, eh! Nagtatagalog ka pala tapos pag-eenglishin mo 'kong monggoloid ka?! Sino ka ba?!"

Narinig ko siyang nagpigil ng tawa. "Ako ang iyong konsensya."

"Lakompake! Bahala ka diyan, ibaba ko na 'to kung wala ka--"

"Teka teka! Hahaha. I was just joking. Don't hang up." Ewan ko pero naiirita ako sa boses niya kahit hindi ko pa kilala kung sino 'to.

"Sabihin mo muna kung sino ka." Seryosong sambit ko.

"Secret. No clue. Hulaan mo. Hihi." Malanding utos niya sa'ken.

Napa-roll ako ng eyes dahil sa sobrang irita. "Kung wala kang balak sabihin eh di babye na."

"Uy joke lang! Teka lang! Sasabihin ko na." Napahinto ako sa balak kong pagpatay ng cellphone. "Ako 'to... 'yung pinakagwapo mong kaibigan."

"Wala akong kilalang gano'n."

"Grabe naman Chandy. Kinalimutan mo na agad ako." Nararamdaman kong nagpapout na siya. Napairap ako sa hangin.

Bumuntong hininga ako. "Jerome..."

Siya lang naman kasi ang kilala kong hinayupak na sobrang gwapong gwapo sa sarili. Tinalo niya pa ang kapatid niya sa kahanginan. Tss.

"Hehehe. Nemen! Sino pa bang gwapo 'di ba? Ako lang naman."

Napairap ulit ako sa kahanginan niya. Kahit na kating kati na akong babaan siya ng cellphone, pinipigilan ko lang sarili ko. Kahit papa'no naman, miss ko pa rin 'tong ulupong na 'to.

"Gagu. Oh ano? Ba't ka napatawag?"

"Gandang pagbati, ah? Hindi mo ba 'ko namiss?" Natatawang sabi niya.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon