Chapter 38 : Comfort

104 11 1
                                    

Lutang ako. Oo, lutang ako.

Hindi ako nakapagsalita matapos ng nangyari kanina. Kahit na napakarami kong gustong sabihin, wala ni isa ang lumabas sa bibig ko.

Iniwan niya ako do'n. Umalis siya at iyon ang huling salitang sinabi niya.

Pakiramdam ko sa salitang binitawan niya, parang kahit na magpumilit pa ako na hindi ako titigil, wala ring saysay. Pakiramdam ko tuluyan niya na talaga akong gustong mawala sa buhay niya.

Masakit, oo. Matapos ng lahat lahat na pinagdaanan ko? Pati 'yung mga salita niyang sobrang nagpaasa sa akin na maaaring maalala niya ako. Kaso pucha, ba't ganito?

I don't know what to react. Taena, ang alam ko bumibili lang ako ng napkin ni mama kanina, tapos naging gan'to?

Parang kahapon bumisita lang siya sa bahay namin tapos sasabihan niya ako na 'wag ko raw siyang sukuan?

Nakakapunyeta naman 'to.

Sabi na, eh. Kaya hindi ako mapalagay kasi no'ng sinabi ni Daniel 'yon na 'wag ko siyang sukuan, parang iba 'yung dating sa akin. Kaya ayoko agad maniwala, eh. Asadong asado na ako, eh. Bola-bola lang pala.

Taena, nagawa ko pa talagang magjoke sa nakakapakinshet na sitwasyon ngayon.

Akay akay ko si Ranz. Ang lalim ng iniisip ko habang inaalalayan si Ranz papuntang bahay. Knock out pa rin siya dahil sa pagsuntok ni Daniel.

Pagkarating ko sa bahay, agad sumulpot ang nakabusangot na mukha ni mama. Nakacross arms pa siya at nakataas ang kilay.

Noong makita niya akong may bitbit na singkit na lalaki, nalaglag ang panga niya. Lumaki ang mata niya na kulang nalang ay lumuwa ito.

"S-Sino 'yan?" Gulat na sabi ni mama. "'Nak, ang sabi ko napkin lang, ba't may lalaki kang dala?"

Hindi ko alam kung tatawanan ko si mama. Poker face lang ako. Hindi ko magawang ngumiti man lang at sakyan ang trip niya.

Pumasok na ako at inilapag si Ranz sa may sofa. Agad na napahiga ito doon. Umupo ako sa may katabing upuan at hinilot ko ang sentido ko.

Ang sakit ng ulo ko. Sa dami ng nangyari kanina, walang ma-absorb ang utak ko. Ugh. Pakshet.

Naramdaman kong umupo si mama sa may silya. Inusod niya ang silya palapit sa natutulog na si Ranz.

Titig na titig siya kay Ranz. "Ay kabog! Gwapo ng batang 'to, ah."

Muntikan ko ng irapan si mama. Kahit sinong pogi talaga, matalas ang mata niya.

Nakita kong napasulyap si mama sa'ken. Ngumisi siya. "Pero mas gwapo si manugang, hehe. 'Di ba, 'nak?"

Halos mapafacepalm ako. Naramdaman ko ang kirot sa puso ko nung mapasok si Daniel sa usapan. Nakngtokneneng naman, oh.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Parang na-drain bigla 'yung energy ko.

Tumayo ako para iabot na kay mama 'yung napkin. Pinanliitan niya ako ng mata bago hablutin ito.

"Tss. Ang tagal mo. Akala ko nakain ka na ng napkin, eh." Biro ni mama.

Hindi ako tumawa kaya nakita kong napanguso siya. Mukhang ineexpect niya na makikipagbarahan ako sa kanya ngayon.

"Anyare 'nak, sa'n mo napulot 'to? Sabay nguso ni mama sa natutulog na si Ranz.

I bit my lip. Naalala kong nagconfess sa akin si Ranz. Tuluyan na kasing nawala sa isip ko 'yon kanina. Nangibabaw 'yung mga salitang sinabi ni Daniel na sobra akong nasaktan.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon