"Ganda ng ngiti natin ngayon, ah?"
Agad na napabalikwas ako at napaupo ng maayos. Nakangiti pa rin ako hanggang ngayon.
"So, ano nangyari sa first day ng plano?" Umupo si Nicks sa may tapat ko. "Bumalik na alaala niya?"
Naningkit ang mata ko sa sinabi ni bakla. "Ano tingin mo sa'ken? Si Flash para gano'n gano'n nalang pabalikin ang alaala niya?"
Natawa si Nicks. "Gaga, Flash ka diyan. Pa'no ka magiging Flash eh hindi ka pa nga makamove on."
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang tututukan siya ng tinidor. Tumawa lang ang gaga.
"Atsaka shunga ka ba? Kung napabalik ko na ang alaala niya eh 'di sana hindi lang ako ngumingiti dito. Tumathumbling at bumaback flip na sana ako."
Tumawa ng peke si bakla. "Corny mo."
"Oh, musta? Kayo na ulit?" Biglang singit naman ni Nicole. Umupo siya sa tabi ni Nicks. Sinamaan ko rin siya ng tingin.
"Iyong totoo? Ano ba tingin niyo sa'ken? Bakit parang tingin niyo gano'n lang kadali gawin 'yon?"
Nagkibit balikat lamang siya at sinubo ang sundae na dala dala niya.
"Oh, ba't parang wala ka sa mood?" Tanong ko sa kanya.
Napatigil siya sa pagsubo. Bumaling siya ng tingin sa'men. Nagkibit balikat lamang siya at sinubo ulit 'yung sundae.
Nagtinginan lamang kami ni Nicks. Mukhang nagkaintindihan naman kami kaya hindi na namin kinompronta si Nicole.
"Eh si Ellah? Nasaan?" Tanong ko.
"May klase pa." Sagot agad ni Nicks.
Ngumisi ako habang tinitignan siya. "Uy, alam niya!" Natawa si Nicole dahil doon. "Kayo na?"
"Uy gaga! Parang tanga 'tong mga 'to." Inirapan lamang kami ni Nicks kaya nag-apiran kami ni Nicole habang tumatawa.
"Uy teka pala, may klase nga pala ako!" Tumayo si Nicks at tinignan ang relo niya. "OMG late na 'ko!"
Nagpaalam na agad si Nicks sa amin bago tumakbo palayo para habulin ang klase niya.
Napailing nalang ako habang tumatawa. Mukha kasing kabayo si bakla tumakbo eh, ang chaka.
Nagulat ako ng biglang tumayo na rin si Nicole.
"Oh, sa'n ka pupunta?" Tanong ko.
"Nakalimutan ko na may meeting nga pala kami ng grupo ko para sa thesis namin." Sinapok niya ang ulo niya. "Aish! Patay na naman ako nito!"
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.
"Highblood leader namin, eh. Akala mo kakainin ka ng buhay." Ngumiwi siya na tila ba may inaalala siya. Tumingin ulit siya sa'ken. "Ay sige na Kath, bye na!"
Tumango lamang ako atsaka siya tumuloy sa paglalakad paalis.
Napabuntong hininga ako at dumantay sa may table. Napanguso ako. "Hay naku, busy silang lahat."
Hinilig ko ang ulo ko sa table. "Ako lang pala ang vacant ngayon. Sunod na klase ko mamaya pa."
Napaisip agad ako kung anong mga bagay ang pwede kong gawin ngayon.
Umuwi kaya ako? Pumunta sa mall at mamasyal? O tumunganga nalang at hintayin klase ko?
Napaisip ako ng malalim. I want to do something productive. Ewan ko kung bakit hyper ako at gusto kong may gawin ngayon.